CHAPTER 1

1603 Words
****** "Hello, Goodevening po, kilala nyo po ba si Mr. Hunter Antonious Lorenzana?" bungad sa akin ng nasa kabilang linya. "Yes, I know him." takang tanong ko dahil ang gamit na numero ng tumawag sa akin ay numero ng asawa ko. "Ah ma'am kaano-ano nyo po si Sir?" tanong muli nito. This time may kakaibang kaba ang lumukod sa aking puso. "I am his wife. Who are you? Bakit hawak mo ang cellphone ng asawa ko?" kinakabahang tanong ko dito. "Ma'am this is Sgt. Mallari, nabangga po ang sinasakyan kotse ng asawa nyo. Dito po namin sya sinugod sa St. Luke's Medical Center." hindi na nya masyadong naintindihan ang mga sumunod pang sinabi ng pulis, ang tanging naintindihan lang nya ay naaksidente ang asawa nya at ngayon ay nasa ospital. Dali dali kong kinuha nag aking bag at susi ng aking kotse. Hindi ko na nagawang magpalit pa ng damit dahil sa pagkataranta. Kahit na gulong-gulo na ang isip ko ay nagawa ko pa ding tawagan ang mga magulang ng asawa ko para ipaalam sa kanila ang nangyari kay Hunter. Nang dumating ako sa ospital ay agad kong hinanap kung saang kwarto inadmit ang asawa ko but to my dismay, my husband has under gone an operation dahil sa head fracture na tinamo nito.  Wala akong ibang nagawa kundi ang maghintay sa labas ng operating room. Makalipas ang isang oras ay hindi pa din lumalabas ang doctor. Mabuti na lang at dumating na din ang mga magulang ni Hunter kahit papaano ay medyo gumaan ang loob ko dahil may karamay na ako sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon. This is the most agonizing 3hrs in my entire life. Bawat oras at minuto na lumilipas na wala kaming balita sa kalagayan ni Hunter ay tila ba isang parusa na walang katapusan. Ilang minuto pa at tuluyan nang lumabas ang doctor sa operating room. "Doc, kumusta po ang asawa ko? Kumusta po ang kalagayan nya? Ligtas na po ba sya? Pwede ko na po ba syang makita?" sunod na sunod na tanong ko kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha. Isang balde na ata ang naiyak ko kanina pero hindi ko alam na meron pa pala akong iluluha.  "Misis, kumalma po kayo. You're husband is safe for now. We have removed some of the blood clot in his head and natahi na din namin ang sugat nya sa ulo but we are not 100% sure. We need to run more test kung wala bang implications sa kanyang utak ang natamo nyang sugat mula sa aksidente." paliwanag ng doctor. "Can we see him now doc? Gusto ko na po makita ang asawa ko." pagmamakaawa ko sa doctor. "Misis, the operation was successful but for the meantime we need to put him in the ICU para maobserbahan ng mabuti ang kalagayan nya. Sa ngayon, yun muna ang maaari kong isagot sa iyo. The rest is up to the patient, he needs to fight for his life para sa mas mabilis na recovery nya. For now, all we can do is wait for him to wake up. We will update you if ever there will be changes in his situation." pagsabi noon ay agad na itong umalis. Marami pa akong gustong itanong sa doctor kaya balak ko sana itong habulin ngunit pinigilan ako ng ama ni Hunter. "Anak, calm down." pigil nito sa akin. "No, Dad! Madami pa akong itatanong sa kanya. I need to make sure that my husband is okay." bahagyang napataas ang aking boses dulot marahil ng stress. Bahagya namang natigilan ang ama ni Hunter dahil sa sinabi ko. "I'm sorry Dad." paghingi ko ng pasensya. "It's okay anak. I know how much you love my son but you need to be strong. You need to be calm and collected, sayo kukuha ng lakas si Hunter. My son loves you so much at hindi sya magiging masaya kung papabayaan mo ang sarili mo. My son will be okay soon at dapat malakas ka kapag dumating ang oras na magigising na sya." mahabang litanya ng ama ni Hunter. Bahagya naman akong kumalma dahil sa mga payo na binigay ng ama ni Hunter. His family have been nothing but good to me. Maswerte ako dahil kahit papaano ay nandyan sila sa tabi ko upang palakasin ang loob ko habang tulog pa si Hunter. "Thanks Dad. I will try to be strong for Hunter." wika ko at binigyan ito ng tipid na ngiti. It's been 3 months since Hunter went into coma. The doctor said that he's already fine, he's out of the ICU na and currently in a normal room pero may mga nakakabit pa ding oxygen sa ilong ito upang masigurong normal ang flow ng oxygen sa katawan nito. Araw-araw akong nagbabantay sa hospital, dito na rin ako halos natutulog. Pinipilit kong pagsabayin ang pagpapatakbo ng kompanya at pag aalaga kay Hunter. Nang maaksidente kasi ito ay ako na muna ang pansamantalang tumayong CEO ng kompanya ni Hunter, he's father volunteered to take over the company for the meantime para daw mas makapag focus ako sa pag aalaga kay Hunter but I don't want to. Alam ko kung gaano ka importante ang kompanya para kay Hunter, I wanted to make sure na maalagaan ang lahat ng bagay na importante sa kanya hanggang sa magising sya. Not that hindi iyon kaya ng ama nya but I want to do it myself. Hunter thought me a thing or two bago ito naaksidente kaya naman may ideya na ako kung paano patakbuhin ang kompanya. Noong una ay bahagya pa akong nangagapa sa lahat ng mga transactions pero kalaunan ay nakuha ko na din at maayos na napalakad ang everyday operations ng kompanya pati na din ang mga meetings nito with the board and the investors. Kakagaling ko lang sa opisina at kakatapos lang ng board meetings kaya naman halos ubos na ang lahat ng energy ko. But seeing Hunter's face, nawawala din agad ang pagod ko. My husband is my strength. He is my anchor, sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananatili akong matatag at hindi nagpapatangay sa alon ng bagyo. "Hija how are you?" bati ng ina ni Hunter ng pumasok ito sa kwarto. "Kumakatok kami pero walang sumasagot kaya naman tumuloy na kami." paliwanag ng ama ni Hunter. "I'm sorry mom, dad, I must have been dozed off kaya hindi ko narinig ang katok nyo." paliwanag ko sa mga ito pagkatapos ay lumapit ako upang bumeso bilang pagbati. "Are you okay? Stressful ba sa opisina?" tanong ng ina. "Kinda mom, we had a board meeting kanina and umabot ng three hours yung meeting kaya siguro nakaidlip ako when I arrived here." paliwanag ko. "I told you, I could look out for your company para hindi ka masyadong napapagod." wika naman ng ama. "I'm okay dad. I want Hunter to be proud of me pag gising nya. Gusto kong ipagmalaki sa kanya na hindi ko pinabayaan ang kompanya habang tulog sya." isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kanila. "I'm sure my son would be very proud of you hija. Napakaswerte ng anak ko at ikaw ang napang asawa nya." wika naman ng ina na naging dahilan upang bahagya syang mapaluha, She didn't know what she did in her past life to deserve a very kind in laws like them. Lumapit ako kay mommy at niyakap ito bilang pasasalamat sa sinabi nito. Isang mahinang katok naman ang bumasag na madramang moment namin. "Are you expecting a visitor Maxine?" tanong sa aking ni Daddy. "No, dad, wala naman po." sagot ko. My dad went to check on the door, he slightly open it. I saw his shock when he saw whoever that person in the other side of the door. Ilang segundo ang lumipas bago nito binuksan ng malaki ang pinto revealing the unknown visitor. "Athena?" wika na ni mommy. "Hi tita, hi tito, pasensya na po at hindi ako nagpasabi na pupunta ako. Kakabalik ko lang kasi from Paris." nakangiting bati nito. Am I not here?  I said to myself ng mapansin kong hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng bisita. I know her, she's Hunter's ex-girlfriend bago maging kami. They broke up because she chooses her career over Hunter and left him to pursue her modelling career in Paris. Lumingon muna si Daddy sa akin bilang paghingi ng permiso kung papasukin ba ito o hindi. I just nodded at him, confirming that he can let her get in. "I didn't know na babalik ka na pala ng Pilipinas. By the way, this is Maxine, Hunter's wife." pakilala ni Mommy sa akin. Hindi naman nakaligtas ang sa akin ang bahagyang pag angat ng isang kilay nito. "I wanted to go back here as soon as narinig ko ang balita tungkol sa aksidente ni Hunter but it took me three months before I could wrap up all my previous commitments kaya po ngayon lang ako nakauwi. How's Hunter tita?" paliwanag nito. No one's asking! "He's fine hija, hindi sya pinapabayaan ng asawa nya." bahagya pang diniinan ni mommy ang salitang asawa. "M-mabuti naman po kung ganun." medyo napapahiyang sagot nito. Sabay sabay kaming napalingon ng bahagyang gumalaw at umungol si Hunter.  "Oh my gosh! Thank God you're awake now honey." dali dali kong lapit sa tabi nito at mabilis na hinawakan ang kamay nito. Ngunit may kung anong kurot ang namutawi sa aking dibdib ng iwinaksi nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya. I heard him growl, he was trying to say something. Agad ko namang inilapit ang aking tenga sa kanya upang mas malinaw na marinig ito. "A-athena.." bulong nito. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD