Chapter 7

1432 Words
"Hey" rinig kong tawag ni James saakin habang patungo ako sa labas ng kastilyo. Hindi ko siya nilingon at diretso lang sa paglakad. "Alaine" Tawag niya kaya ako napairap. How annoying it is. Nakakairitang marinig sakaniya ang pangalan ng iba. Tsk. "Hey" bahagyang paghila niya kaya ako tamad na humarap sakaniya. Noong nasa katawan ko pa lang ako'y halos nakatingala na ako sakaniya-sakanila ni Hiro, dahil sa katangkaran nila. Hindi ko akalain na ganito sila kahigante sa paningin ng iba. "What?" Irita kong tanong. "I just want to know what's her name." Aniya kaya napataas ng bahagya ang kilay ko. "Who?" "Ang magandang dilag na aking tinulungan, kanina lang." Wika niya kaya biglang sumikip ang aking dibdib. That's my body, James. That's my body.... mon amour. "Talisha. But you can call her Tala." Tipid kong sagot kaya siya biglang napaiwas ng tingin na parang may inaalala. "I... I think I heard... parang alam ko na ang... parang kilala ko siya... but... forget about it." Sambit niya atsaka humarap saakin ng nakangiti. "By the way. I'm James. Or you can call me Jack if you want." Sabi niya kaya ako bigla naestatwa sa kinaroroonan ko. Jack? Paano niya... may naaalala na siya? Bakit.... "J-j-ack?" Pag uulit ko sa pangalan niya. "Yeah. Let's just say that that's my stage name." Natatawa niyang wika. "O-ok. Kilala mo naman na kung sino ako. Mauuna na ako." Aniko at hindi na siya inantay na magsalita pa. Napagdesisyunan kong mag punta muna sa malapit na talon dito. Pagkadating ko ay bigla kong naalala yung muntik na akong mahulog at mabuti na lang ay nahila ako ni kuya. Bigla ko ring naalala si Ana. "Where is she?" Tanong ko sa kawalan at pilit na inaalala kung saan ko siya huling nakita. Ang tanging naaalala ko lang ay yung dinala siya saakin ni.... Jack, o tamang sabihin na James. Siya nanaman ang dahilan. Iniiwasan ko na nga siyang isipin dahil sa tuwing iniisip ko siya'y nasasaktan ako. Nasasaktan at nagsisisi dahil sa ginawa ko, ngunit kailangan ko itong tiisin para hindi na siya matali saakin at maghirap. Bigla akong nakarinig ng sigaw sa di kalayuan kaya ako biglang naging alerto. "s**t. Hindi na ako bampira." Wala sa sarili kong sambit at pinakinggan kung saan ito nanggagaling. "Tulong!" Sigaw ulit nito kaya na ako napatakbo. Pagkakita ko ay hinahabol din siya ng mga humabol kay Alanie dati. Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga atsaka sila tinapunan ng apoy. "Sumunod ka saakin." Tawag ko sa batang babae kaya siya agad na tumakbo palapit saakin. Muling may umatake saaming mga kalaban na hindi ko alam kung saan nanggaling. Inilagay ko siya sa likuran ko at hinarang ang sarili sa kung ano mang pag atake ang gawin ng mga kalaban. Tinapunan ko ulit sila ng apoy. Napasigaw ulit ang bata at ibinaon ang mukha saaking likuran kaya ko ulit tinapunan ng apoy ang mga kalaban. "Ayos na. Nasaan ang pamilya mo?" Tanong ko at pilit siyang pinapakalma dahil tuloy tuloy ang kaniyang pag iyak. Umupo ako ng bahagya at muntik na akong mapahiga ng bigla niya akong yakapin. "Salamat. Maraming salamat, binibini." Iyak at nanginginig niyang sabi. "Ligtas ka na. Ngayon, nasaan ang pamilya mo? Bakit ka naririto?" Tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok. "Hinahanap ko sila. Ngunit hindi ko sila makita. Bigla na lang akong hinabol ng mga 'yan kaya hindi ko na alam kung nasaan ako." Aniya. "Ano ka ba?" Tanong ko ulit nang iharap ko siya saakin. Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti sakaniya ng maliit. "A white witch." Sagot niya at pinunasan ang kaniyang ilong. "Ikaw, binibini. Ano ka?" Tanong niya rin. "Hindi ko alam. Sa palagay ko'y babaylan" Patanong kong tugon kaya kumunot ang kaniyang noo. "Bakit hindi mo alam? Dapat ay alam mo, binibini." Inosente niyang sambit kaya ako napatawa ng marahan. "Komplikado lang ang estado ko. Ano ang iyong ngalan?" "Ako ay si Lucy. Ikaw, binibini?" "Ako si Tala." Bulong ko sakaniya kaya siya napatawa na parang kinikilig. "Ngunit saating dalawa lang ito. Hindi maaring malaman ng iba ang pangalan ko." Aniko kaya siya masayang tumango agad. "Makakaasa ka..." huminto siya atsaka lumapit sa gilid ng aking tenga. "Ate, Tala." Wika niya atsaka ulit tumawa ng marahan. "Halika at hahanapin natin ang iyong pamilya, Lucy. Delikado kung mag isa mo dito." Sambit ko at nag umpisa ng maglakad. "Lucy?!" Rinig naming tawag ng kung sino kaya siya biglang napatalon dahil sa tuwa. "Si señorito." Kilig niyang sabi kaya kumunot ng bahagya ang noo ko. Bigla kong nakita si Chase na hindi ko alam kung saan nanggaling na nakangiti kay Lucy. Si Lucy naman ay biglang nagtago sa likuran ko na parang kilig na kilig. "A-alaine? Ano ang ginagawa mo dito? Bakit mo kasama si Lucy?" Tanong niya. Bakit ang tatangkad nila? "Ikaw. Ano ang kailangan mo sakaniya?" Balik ko kaya siya bahagyang nagulat. "Woah. I didn't know that...... ok. Ihahatid ko na siya sa kaniyang magulang. Hinahanap na siya." Aniya ngunit nagduda ako. "Is he telling the truth, Lucy?" Tanong ko sakaniya nang makaupo ako. Tumango siya ng bahagya at napatingin ulit kay Chase ngunit nagtakip ulit ng kaniyang mukha dahil sa kilig. Pati ba naman bata ay may gusto sa lalaking ito? "Sasamahan kita." "Kahit hindi na, ate Tala. Kaibigan ko siya at alam kong hindi niya ako pababayaan katulad ng ginawa mo." Bulong niya saakin. "Sigurado ka?" "Opo." Sagot niya agad kaya ko na siya binigay kay Chase. "If anything bad happens to her, you'll die." Madiin kong sabi sakaniya atsaka na ako tumalikod agad. "Let's go, señorito." Rinig kong sambit ni Lucy. Napatingin ulit ako sa likuran ko ngunit wala na sila dito. Pagkaharap ko'y biglang may tumalon na isang kalaban sa harapan ko kaya ako bigla napaatras. "f*****g asshole." Madiin kong wika dito at tinapunan ng apoy. Biglang gumalaw ang sanga ng mga punong nakapalibot saakin at sabay-sabay na tumalon ang mga kalaban para palibutan ako. Damn it. Sabay-sabay din silang umatake. Gagawa na sana ako ng apoy nang biglang may bumaon na punyal sakanilang mga ulo. Napatingin ako sa paligid at pilit na hinahanap kung saan nanggaling ang mga ito. Ang puso ko'y parang lalabas na dahil sa bilis ng t***k nito. "What...." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang tapunan ng aking apoy. Nakaaiwas din siya agad kaya ko siya nakita. Napahinga ako ng maluwag dahil dito. "I saw you. Nakita kita kung paano mo protektahan ang batang babae." Aniya. "Ano nanaman ang ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Irita kong tanong sakaniya at naglakad na upang bumalik sa kastilyo. Ano nanaman ang ginagawa ng lalaking ito dito? This f*****g jerk is getting into my nerves. "Hindi ka man lang mag papasalamat dahil sa pagligtas ko sa buhay mo?" "Hindi ko naman hiningi ang tulong mo. Ikaw ang kusang tumulong saakin kaya hindi ako mag papasalamat." Tugon ko habang diretso sa paglakad, samantalang siya ay nakasunod saakin. "Great." Natatawa niyang sambit. "Bakit ka nanaman ba nandito?" "Wala. Nagkataon lang na nakita kong kailangan mo ng tulong kaya kita tinulungan." "Then why are you watching me? Bakit mo ako pinanood habang pinoprotektahan ko ang batang babae? Bakit hindi mo ako tinulungan noong panahong 'yon?" Tanong ko kaya siya hindi nakasagot. "Alright. I'm speechless. You're mind is f*****g great. Damn." Aniya na parang sumuko na dahil sakaniyang tono. "I'm curious about you, Alaine." Sambit niya kaya nanaman sumikip ang aking dibdib. Para nanamang pinipiga ang puso ko. Magsasalita pa sana siya nang marinig namin ang malakas na ungol nila Ellios. "Shit." Wala sa sarili kong usal. "Bilisan na natin. I think there's something wrong." "Sige. Mauna ka na." "What? You think I'll leave you here?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi na ako nakapagsalita ng buhatin niya ako atsaka tumakbo papunta sakanila Sab na nakikipag laban sa isang chimera na nakalaban namin noon. Napatingin ako sakanila Valentine na pinoprotektahan si Alaine na halatang takot na takot. "f*****g scaredy bitch." Malutong kong sabi dahil sa inis sakaniya. Ganito pa lang ay mahahalata na nilang hindi ako 'yan. Napaka walang kwentang nilalang ng babaeng ito. "These bastards." Madiin kong wika at tumakbo papalapit. "Look here you son of a b***h! Come and get me!" Pagtawag ko sakanila kaya sila napaharap saakin at biglang sumugod. "Tumulong ka doon. Umalis ka na dito." Utos ko kay James at hindi na siya inantay pang mag salita at tumakbo ako upang mailayo sila sa kastilyo. Nakita kong nakikipaglaban sila Denver sa ibang mga kalaban habang sila Miro ay nakasunod sa isang chimera na humahabol saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD