Nang mailayo ko sila ay tinapunan ko sila ng apoy kaya sila umungol ng malakas atsaka pilit na lumilipad palayo.
"Trio! Let's follow them." Aniko sa tatlo kaya nila ako agad tinulungan makaakyat sa likuran nila.
"What happened?" Tanong ko habang nakasunod kami sa chimera na halatang nasaktan dahil sa apoy na binato ko sakanila.
"They were searching for you, we suppose. Pati ang salamin ay hinahanap din nila sa katawan mo." Anila kaya ako napahawak sa salamin sa bulsa ko.
Mabuti na lang at kinuha ko kay Alaine ang salamin at nakapag bihis pa ako.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa dulo ng aming kaharian. Ang mga kawal na pinapunta ni Valentine dito ay wala ng buhay. Ang kanilang mga katawan ay nagkalat sa lupa.
"Galing sila sa Strevioa." Aniko sa tatlo.
"Look." Ani ni Miro kaya rin kami napatingin sa ibaba kung saan dumadaan ang ibang mga kalaban.
Sabay naming tinapunan ni Sab ng apoy ang mga ito dahilan ng pagsara bigla ng kanilang lagusan.
Naalerto rin ako nang makita ko ang lagusang unti-unti nang nagsasara habang papalapit ang chimera.. Kailangan kong makapunta sakanila upang makasama dito. Ngunit maiiwan ko ang tatlo.... f**k.
Kung aalis ako'y paano na lang ang Emperyo? Paano sila Agnes? Paano kung may umatake nanamang mga kalaban? Baka maraming madamay.
Biglang sumagi sa isip ko ang napag usapan namin nila Denver noong hindi pa ako Emperatris. Mabuti na lang at nakausap namin ang aming nasasakupan upang magtulungan para maprotektahan namin ang bawat isa.
Mabuti na rin at ang bawat Hari at Reyna sa mga kaharian dito ay sumang-ayon. Para rin naman kasi ito sa kaligtasan naming lahat. At mabuti rin dahil nasabi na namin sakanila na maging handa at alerto sa kahit ano mang oras dahil maaaring may sumugod saamin.
Umungol ulit ng malakas ang kalaban habang nakatingin saamin. Binawian siya nila Ellios kaya't ibinalik nila ang kanilang tingin sa daan. Mas binilisan nila ang kanilang paglipad kaya rin gumaya ang tatlo.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lamang ang sarili kong nakayakap sa isang nilalang habang kami ay gumugulong gulong sa hindi ko malamang lugar. Narinig ko din ang malakas na ungol nila Ellios ngunit hindi ko maibuka ang mata ko dahil sa patuloy naming paggulong.
Tumama ang katawan ng nilalang na kayakap ko sa isang puno dahilan ng pag daing niya. Pinilit kong makatayo agad upang puntahan sila Sab ngunit napatumba lang ako. Mabuti at bigla niya rin akong nasalo.
Napapikit ako at napahawak saaking noo dahil sa pagikot ng paningin ko at sa sakit ng aking ulo. Narinig ko nanaman ang malakas na ungol ng tatlo kaya kahit nahihilo'y pinilit kong maglakad papunta sakanila.
"Don't." Pagpigil ng nilalang sa likuran ko. Napasandal nanaman ako sakaniya nang muntik na akong mapahiga dahil sa pagkahilo.
"Sit down, Alaine." Aniya kaya wala na akong nagawa.
"Miro. Ellios. Sab." Hirap kong sambit nang unti-unti nang naglalaho ang kanilang ungol sa aking pandinig.
Ilang minuto ang lumipas bago nawala ang pagkahilo ko at sakit ng aking ulo. Napatingin ako kay James na hindi makapaniwala.
"H-how'd you get here? Bakit ka nandito?" Tanong ko sakaniya.
"I followed you. Isn't obvious?" Mapagbiro niyang tanong.
"Nasaan sila Sab?"
"Who? The chimera one, or two?"
"What?" Irita kong tanong.
"Ang may buntot na ahas o alakdan?"
"Ahas."
"Ohh. They've got them."
"Ano?!" Bigla kong tanong. Nawala lahat ng sakit ng aking katawan dahil sa narinig ko.
"I need to get them. Hindi maari." Wika ko at akmang aalis na ng pigilan niya ulit ako.
"Hindi. Wala na tayo sa ating Emperyo, Alaine. Maari kang mapahamak sa pagligtas mo sakanila. We need a plan. A good f*****g plan. For them and for us to get the f**k out of here."
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sakaniya nang bigla siyang humarap saakin.
"Alright." Aniko agad ngunit napatawa siya ng marahan dahil sa reaksyon ko.
Ngayon at nandito na kami ay magagawa ko na ang mga kailangan kong gawin.
"Shut up."
"Why? I'm not talking." Sagot niya agad.
"Your mind is f*****g loud. Don't think. Get out of my sight. I need to focus." Madiin kong sagot kaya siya napatawa at napailing.
Hindi ako makapag isip ng maayos dahil na rin sakaniyang titig. Kaya mas mabuting umalis muna siya sa paningin ko. Pagkalayo niya ay nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
Kailangan kong hanapin si Luna at ang trio. Kailangan ko ring maalis ang harang sa Orchian at Quindoma upang hindi na nila mapagsamantalahan ang dalawang Emperyong ito.
Ok so where should I start? Kailangan ay 'yong mayroon na akong ideya.
Naalala ko bigla ang sinabi ni James tungkol kay Luna. Ngunit hindi ko alam kung nasaan and Emperyo ng Umeria.
Pag nahanap ko na si Luna ay isusunod ko ang makakapag alis ng harang, at sa wakas ay mababawi ko na ang tatlo.
"Damn." Mahinang wika ko at napahawak sa sintido.
Kung madali lang sana ang mga ito'y maganda. Ngunit alam kong napakahirap nito. Lalo na't ang Orchian at ibang mga kalaban ang maaring sumugod saaking nasasakupan.
Ang iniisip ko ngayon ay ang Orchian. Their f*****g Emperor is pain in my head. Kung nakipag kaisa na lang sana siya saakin ay maaari kaming magsanib pwersa, para malabanan ang ibang Emperyo na pinagsasamantalahan ang aming nasasakupan.
Sana'y maprotektahan nila kuya ang Emperyo habang wala ako. Sana lang talaga. Sana'y wala ng mapahamak na mga inosente katulad na lamang ni Lucy na muntik ng masaktan ng mga kalaban.
Maganda na kasi ang naisip kong plano na ako na lang ang papasok dito at iiwanan ko silang tatlo sa aming Emperyo. Ngunit sa hindi ko masundang pangyayari ay heto ako't kasama ko ang lalaking ito. Sila Sab ay nakuha, at hindi ko mapapatawad ang mga nilalang na 'yon kung may mangyaring masama sa tatlo.
"Fuck." Napahilamos na lamang ako saaking mukha.
"Mind to share your thoughts, Alaine?"
"Stop saying 'Alaine'." Sambit ko habang nakahawak saaking sintido.
"Do you know where's Umeria Empire?" Pagputol ko sa sasabihin niya sana.
"Yeah? I think so."
"Hindi ka sigurado?"
"No. Inaalala ko lang kung nasaan ito." Aniya.
"As far as I remember, the Empire's name and their place depends on the first letter of their Empire." Pag uumpisa niya na parang iniisip ang mga ito.
"Mantriv. Orchian. Quindoma. Strevioa. Umeria. Wintrayada. Ympra." Usal niya na parang binibilang ang mga ito.
Paano niya nalaman ang mga ito?
"Invisibility or invisible creatures. Sa Orchian ay ang mga babaylan at mga halamang gamot. In Quindoma are witches and diamond and gold. Here, are Vampires. Werewolves. People who possess the power of ice, and Ympra is...... what the f**k is in that Empire?"
Wala akong masabi sakaniya. Tanging pagtitig at paghanga lamang ang nagagawa ko sa angking katalinuhan niya sa mga Emperyo.
I'm an Empress but heck, I don't even know what is he talking about. Damn it.
I agree about what Denver's said. He is really intelligent and wise f*****g creature. And handsome and sexy.
Shit. What am I thinking? f*****g stop it, Tala.
"Ibig sabihin ay ang katabing Emperyo ng lugar na ito ang Umeria." Wika niya saakin kaya ako bigla napaiwas ng tingin.
"Then let's go." Pag aya ko atsaka tumayo na agad.
Damn. Bakit habang tumatagal ay nagkakaganito ako?
"No. Ngunit delikado ang iyong buhay. You're not like me nor a werewolf."
"So? Hindi ko kailangan maging katulad mo o ng mga asong 'yon para mabawi ko ang tatlo." Aniko. "Pati ang kapatid ko." Pabulong kong sambit.
"Alright. Sa tingin ko'y hindi kita mapipigilan. But whatever you say, I'll go with you and you will stay by my side whether you like it or not." Maawtoridad at madiin niyang sabi.
"You're my responsibility..." bigla siyang napahinto sakaniyang sinasabi na parang may napagtanto.
"What? I'm your responsibility and what?"
"Nothing. I just realize something and it f*****g confuses me."
"Mind to share?" Pabiro kong tanong dahil sa kyuryosidad ko. Hindi ko naman na inaasahan ang sagot niya kaya na ako nag umpisang maglakad papunta sa hindi ko mawaring lugar.
Now, I need to use my sense of direction.