Prologue
"Magbalik ka dito, Talisha. Sa pang-sampong araw ay malalaman niyo na kung ano ang desisyon ng mga nakatataas." Ani ng lalaki na kanang kamay ng hepe na sabi ni Denver.
"Masusunod." Tipid kong sagot atsaka kami sabay yumuko sa isa't isa.
Ang sabi nila Denver ay sila ang magbibigay ng huling sagot kung sino ang mauupo bilang pinuno ng Emperyo.
Jasper said, this world is quite similar to human world. There's Legislative Branch, Executive Branch and Judicial Branch in human world, but in this place is like this.
Kasama sila ng pinuno ng Emperyo sa paggawa ng batas. Iba rin ang sangay kung saan ang batas ay itatalaga. At iba rin ang gumagamit ng mga itinalagang batas upang mapanatili ang katahimikan sa kanilang nasasakupan.
Ang akala ko'y ang Emperador o Emperatris na ang may hawak sa lahat, ngunit may mga ganito pa pala.
"Sigurado na akong ikaw ang pipiliin nila, Tala. Ang mga Hari at Reyna sa iba't ibang Kaharian dito ay sang-ayon na ikaw ang maging pinuno namin." Wika ni Jasper nang makalabas ako sa silid kung saan ako kinausap ng kanang kamay ng hepe.
"Huwag kang paka-siguro, Jasper. Marami ring may gustong mamuno sa Emperyong ito at hindi dahil sa sumang-ayon na ang mga Hari at Reyna ay nakalamang na ako." Sagot ko.
"May mga kaniya-kaniya kaming dahilan upang maupo sa trono. Nasa kamay nga talaga ng mga nakatataas ang desisyon." Pagdagdag ko.
"Basta. I trust my guts." Pag iling niya atsaka na kami lumabas papunta kay Denver.
"Ano ang sabi?" Tanong niya agad nang makalapit kami sakaniya.
"After ten days, I will go back." Tipid kong sagot atsaka kinuha ang aking espada sa tagabantay dito. Pati si Jasper ay kinuha na rin ang kaniyang armas.