Chapter 6

1263 Words
Napaubo at napabangon ako ng marahas at pilit na hinahabol ang aking hininga. Napatingin ako sakanila Ellios na patuloy sa pakikipag laban sa mga kalaban. "Hey, wake up." Rinig kong sabi ni James kaya ako biglang napatingin sa likuran ko. Why the hell is he here? Ano ang ginagawa niya dito? Nanlaki ang mga mata ko at sobrang hindi makapaniwala sa nakikita ko. Pinilit kong tumayo at tinignan ng maigi ang aking katawan. Tumakbo ako papunta sa tubig at tinignan ang aking repleksyon na nagpaawang ng bahagya saaking bibig. "No.... what the f**k is going on?" Hindi makapaniwalang tanong ko at napatingin sakanila James. Nakikita ko ang aking sariling katawan na nakahiga at pilit na ginigising ni James. Ang katawan ko ngayon ay ang katawan ni Alaine. Ibig sabihin ay nagkapalit kami. f**k! No. No. No. This isn't f*****g happening. This isn't true. Damn. This is just a stupid nightmare. No. Narinig ko ang biglang ungol nila Sab kaya ako napaharap sakanila. Ang apoy ni Alaine ay may epekto sakanila. Maari ko itong magamit. "Assholes!" Tawag ko sakanila kaya sila napatingin saakin. Pati sila Miro ay napatingin din saakin. Sa pagsugod ng kalaban ay huminga ako ng malalim at biglang itinapat ang dalawa kong palad sakanila. Bigla itong naglabas ng napakalaking apoy kaya sila napaungol at lumipad agad palayo. Napahinga ako ng maluwag nang makaalis na sila ng tuluyan. "Ellios? Sab? Miro?" Nag aalangan kong tawag sa tatlo ngunit nakatitig lamang sila saakin na para akong pinag aaralan. "Do you still hear me? Do you still understands me? Say something." Aniko sakanila habang marahang lumalapit. "I think... but... it's imposible. Hindi siya si Tala." Ani ni Sab. "Pero bakit natin nararamdaman ang presenya niya sa babaeng 'yan?" Tanong ni Miro. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ngunit malakas ang loob kong si Tala 'yan. Look, she's brave enough to come and stare on us." Sambit ni Ellios. "Look into her eyes. See how she looks us." Aniya ulit kaya nila ako sabay na tinignan sa mata at bahagyang lumapit saakin. Napangiti ako dahil sa mga narinig ko at biglang napayakap sakanila na nagpagulat sakanila. "I know you'll recognize me." Wika ko at marahan silang hinaplos. "Tala? Ikaw ba talaga yan? Anong nangyari?" Tanong nila kaya ako lumayo upang maharap sila. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari." "Wake up." Napatingin ulit ako sakanila James katulad ng tatlo. "She needs blood." Mahinang sabi ko sakaniya kaya siya bigla napatingin saakin. "Who are you?" "Alaine." Tipid kong sagot. "She needs your blood." Ulit ko kaya rin niya sinugat ang kaniyang sarili. Ilang segundo niyang pinatulo ang kaniyang dugo sa labi ko, o tamang sabihing labi ng katawan ko. Napaubo siya at napabangon ng marahas atsaka napatingin saakin. Ginamit ko ang buong lakas ko at hinila siya palayo kay James. "What is happening? W-w-w-w-why am I seeing my own body?" "Hindi ko rin alam. Calm down." Pagkalma ko sakaniya. ... "I need you to do something. Something really important." Seryoso kong wika sakaniya. Mabuti na lang at wala dito si James. "W-w-w-what is it?" "Do this to repay me for saving your life." Aniko at napaiwas ng tingin dahil naiilang akong tignan ang sarili kong katawan. "I need you to be me." Sambit ko. "Ano ang plano mo? Ano ang gagawin mo sa katawan ko? Paano tayo makakabalik sa dati?" Sunod-sunod niyang tanong. "I need to use your body, Alaine. Using this body can cover me. Kailangan kong magpunta sa labas ng Emperyo at malaman kung ano ang nangyayari." "I'm the Empress, Alaine. That body is the f*****g Empress of this f*****g Empire. Hindi ko magagawa ang aking plano gamit ang sarili kong katawan. So I need you to be me for a days or week." Pagdagdag ko kaya siya hindi nakasagot. "Gusto mo ng hustisya para sa iyong... whatever you call her, diba? Then do what I'm saying you to do." Madiin kong wika. "Tayong dalawa at ang alaga ko lang ang nakakaalam nito, Alaine. Wag mong ipapaalam sa mga kasama ko kung ano ang nangyari." "But I don't know how to be you. I just really admire you for being so beautiful and... sexy and... you know..... marami ang magkakagusto sa'yo dahil sa ganda mo. Pero hindi ko alam kung paano maging ikaw." Aniya kaya ako napatingin sakaniya na kunot ang noo. "Whatever. Just be me for a weeks, ok? Kailangan ko lang alamin ang nangyayari sa labas ng Emperyo." "Ngunit kinakabahan ako." Sabi niya kaya ako napairap. "Basta't huwag kang madaldal dahil hindi ako madaldal. At huwag kang tumatawa o umiiyak... wag ka na lang mag pakita ng kahit anong emosyon." Irita kong wika at napatingin sa ibaba kung nasaan ang kastilyo. "Remain calm at any cost." Sambit ko at tuluyan na kaming nakababa. "Pag ito nalaman nila, Alaine." Pagbabanta ko sakaniya atsaka nauna ng bumaba. Nakalimutan kong hindi na pala ako bampira kaya ako muntik mapahiga. Mabuti na lang at inalayan ako nila Sab. "Maraming salamat." Mahinang usal ko sakanila. "Woahh.... this is awesome. You're a vampire?" Tanong niya habang may malaking ngiti sa mga labi. "I don't do that. Stop being so childish." Seryoso kong sabi. "Mauna ka. Baka kung ano ang isipin nila kung makita nila ako. Dumiretso ka sa aking silid. Sa kanang bahagi ng kastilyo sa itaas." Tumango siya atsaka nauna. Sumunod ako sakaniya at sa pagpasok namin ay bigla siyang binati ng mga katulong. "Tala. Saan ka nanaman nanggaling?" Tanong sakaniya ni Jasper at biglang napatingin saakin na kunot ang noo. "Who's she?" Magsasalita na sana si Alanie nang bigla ko siyang tapunan ng masamang tingin. Tumingin ako saaking silid kaya na siya ulit nag umpisang maglakad. "Saan ka nanggaling? Sino ka? Saan ka niya nahanap?" Sunod-sunod na tanong saakin ni Jasper ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin kaya siya marahang napatawa. "Maybe you adapt how she stare. But there's something about her... bakit parang may nagbago sakaniya?" Tanong niya sa kawalan kaya ko na siya nilamapasan at pumasok saaking kwarto. Mabuti na lang at inayos agad ng mga katulong ang aking kama. "This is your room? Wow. Everything is so neat." Mangha niyang sabi kaya nanaman ako napairap. "This might be a little difficult to you, but as I was saying, I want you to be an Empress while I'm gone. Aalamin ko rin kung paano tayo makakabalik sa dati." Kalmado na may kahinaan kong wika atsaka naupo saaking kama. "Gagawin ko lahat ng aking makakaya. Ngunit hindi ko alam kung paano maging Emperatris. Hindi ko alam kung paano mamuno." Sagot niya atsaka rin naupo at inalis ang pagkakatali sa kaniyang buhok. "Don't ever let anyone touches my f*****g hair. Pagbibigyan kita, ngunit wag mong hinahawakan sa harapan ko." Madiin at maawtoridad kong sabi kaya niya ito biglang binalik. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at napapikit ng mariin upang pakalamahin ang aking sarili. "Subukan mo nga na itaas ang kamay mo." Utos ko kaya niya ito ginawa. Makalipas ang ilang segundo ay biglang pumasok ang espada ko saaking kwarto dahilan ng pagkasira ng aking pintuan. Bigla din siyang napatalon papunta sa likuran ko dahilan ng pagtama ng espada ko saaking salamin. Nabalot kami ng malakas na tunog na nanggaling sa pagkakabasag ng salamin kaya nanaman ako napapikit dahil sa inis. "Fucking... Damn." Sinubukan kong itaas ang kamay ko at nagulat na lamang ako nang biglang gumalaw ang aking espada. Tinitigan ko ito ng mabuti at pinilit ulit abutin ngunit gumalaw lamang ulit ito. "Damn it. Alright." Aniko atsaka pinulot ang aking espada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD