Chapter 5

1379 Words
"Kailangan na nating bumalik. Ngayon na ang pang-sampong araw, Tala." Ani ni Jasper habang kami ay umiinom. "Paano maalis ang harang sa ng dulo ng Orchian at Quindoma?" Pag iiba ko atsaka sumipsip sa aking inumin. "Tanging ang naglagay lamang ang siyang makakapag alis nito. Ngunit nasa labas ng dalawang Emperyong ito ang naglagay." Sagot ni Denver. "Paano natin ito magagawa?" Tanong ni Jasper. "Those bastards took advantage on our state.... on our Empire's state." Aniko. "Yeah. Ninanakawan at inaatake tayo nang wala tayong kaalam-alam." Wika ni kuya. "Then we should......" Hindi na natuloy ni Jasper ang sasabihin niya ng biglang pumasok si James at nagtungo saamin. "You guys are drinking? Bakit hindi niyo ako inimbit...." napatigil siya sa sinasabi niya nang bigla siyang napatingin saakin. Isang kalituhan at pilit na pagkilala ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. "W-who are...." "Alright. Jasper, Denver, we should go." Pagputol ko sakaniya at nilagok ang natitirang inumin ko atsaka na tumayo. Sila Jasper din ay tumayo na ngunit nakikita ko ang kalituhan sakanilang mga mata. "Kuya. Mauuna na kami." Pag paalam ko kaya siya tumango. "Halina tayo." Ani ni Denver at sabay na kaming hinawakan ni Jasper. Ilang araw na ang lumipas nang bumalik kami ni Chase sa matanda, upang gawin ang sinasabi niyang delikadong prosesa para sa pag alis ng koneksyon namin. Ang sabi niya'y mamimili ako kung kaninong buhay ang isasalalay sa gagawin niya. Ayokong isakripisyo ang kasiyahan at kalayaan ni James kaya't ang ibinigay ko ay ang saakin. Ako naman ang may kagustuhan dito kaya ako dapat ang mas magdusa. Ngayon ay ang hindi niya pa lang pagkilala saakin ay sobrang sakit na. Ngunit nararapat lamang ito saakin kaya kailangan kong tanggapin. Si Chase at ang matanda lamang ang nakakaalam sa ginawa ko. Ayoko nang ipaalam sakanila kuya, upang hindi na sila madamay kung malaman, man, ni James ang katotohanan. ... "Tala!" Malakas na tawag saakin ni kuya kaya ako biglang napayuko. Napatingin ako sa nilalang na sa tingin ko'y isa sa nakalaban ko upang maupo sa trono bilang Emperatris ng Emperyong ito. Biglang pumulupot sakaniya ang makinang na kadenang latigo ni kuya, kaya siya agad binawian ng buhay. Napatingin din ako sa binato niya kaninang espada na bumaon sa isang malaking puno. "Mag iingat ka, Tala. Ngayong Emperatris kana'y, palagi ng nasa panganib ang iyong buhay. Lalo na't maraming nag aasam sa iyong pwesto." Aniya. Nagpakawala naman ako ng malalim na paghinga. "Now their are so many creatures who wants me to die. Oh good, many more bullshits are arriving, soon." Irita kong sambit at napairap. Hindi lang tatlo o apat ang napatay nila kuya noong mga nakaraang araw pagkatapos sabihin na ako ang mauupo sa trono. How I hate those assholes. "Just be careful, Tala." Madiin niyang wika kaya ako tamad na tumango. "Pumasok na tayo sa loob." Sambit niya kaya na ako naunang naglakad. "Sinabi niyo na ba sa kaharian ng Bravilya na maglagay ng bantay sa hangganan ng Orchian at kanilang kaharian?" Tanong ko sakanila Valentine nang makarating ako kung nasaan sila. "Ang dulo rin ng kahariang ito? Mayroon na ba?" Pagdagdag ko. "Nasabihan ko na ang Hari." Sagot ni Denver kaya ako tumango ng marahan. "Mayroon na rin dito." Tugon din ni Valentine kaya ko rin siya tinanguan. "Ngayon. Gusto kong ang bawat isa sainyo ay magpunta sa iba't-ibang kaharian dito upang magbantay at tulungan sila. Isa iyon sa ibibigay ko sainyong gawain." Aniko. "Denver in Bravilya. Valentine in Xenia. Si Jasper sa Voreen, at ikaw kuya ay sa Ceba, dito sa kahariang ito." Sambit ko sakanilang apat. "Denver and kuya must be at each end of this Empire." Maikling paliwanag ko sa kanila Valentine. "Ngunit sino ang tatayong pinuno dito?" Tanong ni Jasper. "Si Agnes." Tipid kong sagot. "But she's still young... I mean, her mind might... she's incapable of leading this Kingdom. Don't get me wrong, Tala, I meant, your imperial majesty." Wika ni Jasper. Alam ko rin ito. Pareho kami ng iniisip. Ngunit siya lang ang maaring mamuno dito, dahil si Denver ay siguradong hindi papayag dahil sa kalagayan ni tita Clara. Masyado nang mabigat ang binigay ko sakaniyang trabaho na magbantay sa Bravilya na kung saan malayo sa kaniyang magiging pamilya. Damn. "She can and she must." Tipid ngunit madiin kong sagot. "Where's she, by the way?" "Nandoon sakanila Amara." Sagot ni Jasper kaya ako tumango ng marahan. "Now go." Sambit ko. "And..." pagkuha ko ng atensyon nilang lahat kaya sila humarap saakin. "Protect the ladies. Amara, Sandra and Agnes. Alam kong hindi pa nila kayang ipagtanggol ang kanilang sarili." Sabi ko kaya sila bahagyang tumango. "But... if you don't mind, may I ask a question?" Tanong ni Jasper. "What?" "Bakit..." bumuntong hininga muna siya. "About James." Aniya. Ako naman ang bumuntong hininga. "I don't know. None of my f*****g business." Sagot ko atsaka naunang lumabas. Dumiretso ako sakanila Sab at sinabing magpupunta kami sa Orchian. "What's the matter, Tala? Ilang araw na naming naoobserbahan na tuluyan na ngang may nagbago sa'yo." Anila. "What do you mean?" "Your presence. Your energy and... there's just something wrong going on, right?" Nagpakawala muna ako ng malim na paghinga at tumingin sa ibaba. "You look incomplete, Tala. Both of your presence and energy are incomplete. Noon ay nag uumapaw ang iyong enerhiya. Anong nangyari?" Tanong ulit nila kaya ako hindi nakasagot. "It's ok. If you can't tell us, it's ok. Just remember that we are always here for you." "Thank you." Tipid kong sagot. Biglang nakuha ng atensyon ko ang babaeng tumatakbo na sa tingin ko ay si Alaine. Samantalang ang mga kalabang humahabol sakaniya na sa tingin ko ay galing sa ibang Emperyo. "s**t. May mga nakapasok nanaman." Wala sa sarili kong sabi kaya napatingin din sila Ellios sa ibaba. "Let's help her then." Wika nila kaya ako tumango atsaka sila lumipad pababa. "Alaine!" Malakas kong tawag sakaniya kaya siya lumingon saamin habang diretso pa rin sa pagtakbo. "Grab my hand." Aniko at inabot sakaniya ang aking kamay. Inabot niya din ito atsaka ko siya hinila upang makapunta sa likuran ko. "Thank you." Aniya atsaka biglang napayakap saakin nang umikot sila Sab upang harapin ang mga kalaban. "Snacks." Sambit ni Miro at sabay-sabay nilang sinunggaban ang mga ito. "What happened?" Tanong ko kay Alaine nang makapunta na kami sa himpapawid. "I-i-i-i-i don't know. Noong pabalik na ako kay abuela ay may biglang umatake saamin. Sobrang dami nila at may.... may katulad nila...." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla siyang naluha. "They killed abuela. Pinatakas nila ako bago sila patayin, ngunit may humabol pa rin saakin. May katulad sila. May katulad ang alaga mo." Sabi niya at naluha ulit. "Anong ibig mong sabihin na may katulad sila?" Tanong ko rin. "Ang mga kasama ng kalabang umatake saamin ay katulad ng alaga mo. Ngunit hindi ahas ang kaniyang buntot. Para itong buntot ng alakdan at marami rin siyang ulo. Isang buwaya, isang parang dragon at isang may mahabang sungay. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa may mahabang sungay." Paliwanag niya at pinunasan ang kaniyang mga luha. "Another chimera." Mahinang usal ko. "May alam ba kayong katulad niyo?" Tanong ko sa tatlo ngunit wala din silang ideya. "That's what I'm talking about!" Sigaw niya kaya ako muntik mabingi at napatingin sa likod. "f**k!" Pagmura ko. "We got an accompany." Aniko sakanila Ellios at Sab. Tinapunan ni Miro ng kaniyang kamandag ang mga ito ngunit nakakaiwas sila. "Ahhhhhh!!" Sigaw ni Alaine nang siya ay biglang malaglag. "f*****g idiot." Mura ko ulit. Biglang lumipad pababa ang kalaban kaya't sumunod din kami agad. Pilit naming iniiwasan ang pagtira ng kanilang buntot saamin. "They into the girl. Lumapit pa kayo at aabutin ko siya." Sambit ko sakanila. Maaabot na sana kami ng kalaban nang biglang nagtira si Alaine ng kaniyang apoy kaya bigla silang umiwas at lumayo ng bahagya. "Fire. Your fire, Sab." Sabi ko agad kaya niya rin sila binugahan ng kaniyang apoy ngunit parang wala lang ito sakanila. Bigla silang umatake kaya ako umiwas dahilan ng pagkalaglag ko. Umungol ng napakalakas sila Ellios at sabay-sabay na sumugod sa kalaban at lumipad para abutin ako. Naramdaman ko ang pagtama ng katawan ko sa tubig at kasabay non ang pagdilim ng aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD