Bigla kong naimulat ang mata ko at napatingin sa basong nasa lamesa. Napahinga ako ng maluwag nang mapansing ganon pa rin ang ayos nito.
Napatingin ako kay James na nakayakap saakin habang ang makapal na kumot ay yumayakap naman saaming dalawa.
Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang mukha habang tinititigan ito. Pinag aaralan at tinatandaan ang bawat parte nito.
Bigla siyang nagmulat kaya ako bahagyang nabigla.
"Goodmorning, mon amour." Aniya atsaka hinawakan ang kamay ko upang halikan.
Tatayo na sana ako ng bigla akong napadaing dahil sa sakit ng nasa pagitan ng aking hita.
"Damn it." Madiin kong sambit at napakagat saaking pang ibabang labi.
"Let me help you." Natatawa niyang sabi at tinulungan akong makaupo.
Pati ang beywang ko ay masakit at hindi ko alam kung bakit. Halos ang buong katawan ko ay kumikirot at parang lahat ng enerhiya at lakas ko'y naglaho.
Napaawang ng bahagya ang bibig ko nang makita ang kinalabasan ng aking kama. Ang iba't ibang parte nito ay putol at sira-sira.
Ito pala yung narinig kong kalabog kagabi.
"You're wild." Tawang sabi ni James kaya sana ako matatawa ngunit bigla ulit kumirot ang nasa pagitan ng aking hita kaya ako napapikit ng mariin.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at pumikit ng mas mariin. Hindi na ako halos gumalaw dahil sa kaunting galaw ko'y kumikirot ito.
Bigla kong naalala yung iinumin namin kaya ako napatingin dito.
"Let's drink that. Sayang at hindi na natin ito nagawang inumin kagabi." Aniko kaya siya tumayo at kinuha ito.
Ang hubad niyang katawan ay bumungad saakin ngunit ang tingin ko'y hindi maalis sa nakangiti niyang mga mata.
"Cheers." Nakangiti niyang sambit kaya ang kumirot naman saakin ngayon ay ang aking puso.
"Cheers." Naluluhang wika ko at sabay namin itong nilagok.
Pagkabalik niya sa tabi ko ay ako na ang lumapit sakaniya atsaka siya hinalikan. Tumugon din siya at ginawa nanaman namin ang nangyari kagabi.
...
Halos mag dadalawang araw akong nakahiga at nakaupo lamang sa aking sirang kama. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari saakin kung ako ay unang beses na makikipag-isa... pangalawang beses pala.
"Does it still hurt a lot?" Tanong niya saakin habang naglalakad ako ng dahan-dahan papunta sa lagayan ko ng damit upang mag bihis.
"A little." Sagot ko at kumuha ng maisusuot. Mabuti na lang at nasa ilalim ng mga damit ko ang salamin at boteng ginamit ko kaya kahit ilantad ko sakaniya ang loob ng aking damitan ay panatag ang aking kalooban.
Kung malaman niya ang ginawa ko'y alam kong hindi niya ako mapapatawad, kaya't mas mabuting umiwas na lang ako at hindi na magpakita sakaniya kailan man.
"Sinong iiwas at hindi magpapakita?" Biglang tanong niya kaya ako hindi nakagalaw saaking kinatatayuan.
Nasa tamang katinuan naman ako. Sa pagkakaalam ko'y hindi ko ito nasabi.
"W-what are you saying?" Tanong ko at nagkunwaring naghahanap ulit ng maisusuot.
"Your thoughts are overflowing, mon amour." Aniya kaya ako napaharap agad sakaniya na agad ko ring pinag sisihan dahil sa pagkirot ulit nito.
"Slowly, Tala." Wika niya at binuhat na ako upang maihiga sa aking sirang higaan.
"What do you mean my thoughts are overflowing? You can read my mind?"
"Just your thoughts, but not whole. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang basahin ang isip mo. Sa pagkakaalam ko'y dapat nakakapag usap na tayo gamit ang ating isipan." Sabi niya kaya ako biglang kinabahan.
Siguro'y dahil ito sa ininom namin.
Damn it. Stop it, Tala.
Kailangan kong mag ingat sa mga iniisip ko dahil baka mabasa niya ang mga ito.
"Now, sino ang iiwas at hindi na magpapakita?" Tanong niya kaya ko biglang naisip ang mga kalaban.
"Ang mga kalaban. Kailangan nilang umiwas at hindi na magpakita saatin dahil maari natin silang ubusin."
"Katulad ng pag ubos ko sa'yo?" Ngiti niyang tanong kaya nanaman ako napakagat sa pang ibabang labi ko nang kumirot ulit ito, nang tatawa sana ako.
"Don't make me laugh, James." Madiin kong sambit kaya siya marahang napatawa.
"Sigurado akong umalis na ang Hari at Reyna."
"Of course. Ngayon ay hindi ko alam kung ano na lang ang iisipin nila kuya dahil sa hindi natin paglabas dito."
"Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin. Don't mind them." Wika niya atsaka ako marahang hinalikan.
"It's so unfair. Bakit ako lang ang nagkakaganito?"
"Because it's your first time.... I suppose." Natatawang sabi niya kaya ako biglang napatingin sakaniya.
"So it's not your first time?"
"Hhmm, yeah? Forget it. It's just... you're so f*****g fragile. Hindi ko ito naisip. Besides, how can I refuse my wild Queen." Sagot niya agad.
Napapikit ulit ako ng mariin dahil sa pagkirot nito. Naramdaman ko rin ang marahang paghalik niya kaya't mas natuon ko ang atensyon ko sakaniya.
"I love her. My one and only Queen."
"You're saying something?" Tanong ko agad nang marinig ko ang boses niya.
"No. I was busy with your lips, mon amour." Aniya atsaka ulit ako hinalikan.
Maaaring nagawa ko rin basahin ang ilan sa mga iniisip niya. Ibig sabihin ay siya 'yong naririnig ko noong nandoon pa lang kami sa mundo ng mga tao? Sa club?
Kasabay ng pagtulak ko sakaniya ay ang pagkirot ng nasa pagitan ng aking hita. Hindi na ganon kalakas ang kakayahan ko kaya hindi siya tumilapon.
"What's the matter?" Nagaalalang tanong niya.
"f*****g womanizer."
"What are you saying?" Natatawang tanong niya atsaka ako hinaplos sa pisngi hangang sa leeg kaya ako napapikit ngunit inalis ko rin ang kamay niya.
Pasalamat na lang siya't nawalan siya ng alaala.
"Nothing. Kailangan na nating mag ayos at lumabas." Aniko at pilit na umupo kaya niya ako inalalayan.
"Can we just stay here for a little more?"
"Magdadalawang araw na tayong nandito, James. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa labas ng silid na ito. Mamaya ay nagkakagulo na sa labas at nandito tayong dalawa na walang pakialam sakanila." Mahinahon at mahinang wika ko.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa mga damit kong nasa lapag. Bigla akong nawalan ng balanse ngunit nahila niya ako at sabay kaming napahiga sa kama.
"Shit." Mura ko at napapikit ng mariin dahil sa epekto ng pagkahiga namin.
"Mag iingat ako." Aniya habang nakangiti saakin at marahan akong ihiniga sa higaan.
Sa pangatlong pagkakataon ay inulit nanaman namin ang nangyari saamin.