Chapter 17

1189 Words
Nandito ako ngayon sa kastilyo ni Agnes dahil sa pagtitingin ko ng kanilang kalagayan. Natapos na ako sa tatlong kaharian kaya dito naman ang sinunod ko. "Where do you think Zack is?" "I don't f*****g have an idea where that punk is." Sagot ni Jasper saakin. "Natanong ko na si Mitch, kaibigan ni Luna, kung nakasama ba nila siya. Sabi nila'y oo, ngunit nagkahiwa-hiwalay rin silang lahat." "Bakit wala siya?" Tanong ni Jasper kay Amara. "Sabi niya ay noong nagkita-kita sila, wala na siya. Hindi na nila alam kung nasaan ang lalaking 'yon." Natahimik kaming lahat at nagiisip kung saan maaring nagpunta si Zack. Wala kaming ideya dahil hindi niya naman alam kung saan at ano ang lugar na ito. Maaring nawawala siya, ngunit saan siya nagpunta? "Hindi kaya'y nadakip siya?" "Sa tingin mo, sino ang dumakip sakaniya at nasaan siya ngayon?" Sagot ni Jasper kay Amara. "He is always, always pain in my head. Kung hindi siya'y ikaw din." Madiing sabi ni Amara atsaka bumuntong hininga. Si Jasper naman ay tumaas ang isang kilay bago tumawa ng bahagya. "Sa ngayon ay huwag muna tayong gumalaw dahil sa init ng laban sa pagitan ng mga Emperyo dito. Alam kong buhay pa siya at kaya niyang iligtas ang kaniyang sarili. Kung medyo umayos naman na kahit papaano ang ating estado, saka niyo na siya hanapin." "Hindi ko na siya magagawang hanapin kaya't kayo na ang bahala." "Sige." Tugon nila. "Maari ba kaming sumama sa pakikipag laban?" Biglang tanong ni Amara. "Hindi." Sagot agad ni Jasper. "Kailangan kayong dalawa ni Sandra dito. Kung may masugatan ng malala ay maari niyong magamot." Dagdag niya ngunit hindi siya tinitignan ni Amara. "Maari. Basta't kaya niyong protektahan ang inyong sarili. Hindi kayo pwedeng malagay sa alanganin dahil kayo ang may kakayahang mag gamot." Wika ko kaya niya nginisian si Jasper. "Pero sinong maiiwan sa kaharian na maaring mag gamot? Hindi sila sapat. Silang dalawa lang?" "Nasabihan ko naman na sila Baron na mag papunta ng kaniyang kasamahan sa bawat kaharian dito sa Emperyo." Tugon ko sakaniya kaya siya tumango. "Oo nga pala. Bago ko malimutan, sila tita Clara at uncle Denver ay maayos na nakapunta sa mundo ng mga tao. Gusto ko lang sabihin upang hindi ka na mag alala." Sambit ni Amara kaya ko siya tinanguan. Nagpaalam na ako at iniwan silang nag uusap. Nadaanan ko ang babaeng may kulot na buhok na kaibigan ni Luna. Tinapunan niya ako ng parang pinag aaralang tingin kaya ko siya binawian. Sa palagay ko'y halos kaedad niya si Sandra o magkaedad talaga sila. Pansin ko rin kasi na sakanilang magkakaibigan ay siya ang may panganay na presensya katulad ng lalaking kasama nila. Maliit siya, ngunit mas maliit yung kaibigan nilang Charlie ang ngalan. Tinignan niya ako sa baba hanggang taas bago nginisian atsaka lumakad palayo. Biglang nagsalubong ang aking kilay atsaka umirap bago rin umalis. She's good. I like her. Pagkarating ko sa labas ng kastilyo ay binati ako agad ni Sandra atsaka hinila papasok. Para siyang nagmamadaling maglakad hanggang sa narating namin ang lugar na halos walang nagpupunta. "I know this isn't good but you need to know what I'm about to say to you." Aniya atsaka tumingin sa gilid gilid. "Ako ang unang nakapansin na hindi ikaw si Tally noon. Hindi ko ito pinansin dahil baka nasa plano mo ito. Ngunit ang pumalit sa'yo na si Alaine ay hindi alam ang kaniyang ginagawa." "Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong. "Alam kong pag malaman mo ito'y mag aaway kayo at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya saakin." "Ano nga?" Irita kong tanong. "I saw her and Hiro having sex." Sambit niya kaya parang lahat ng dugo ko'y nagpunta saaking ulo. Para rin akong nabingi. "H-hiro won't do that. He can't do that." "I know you trust him much, Tally. But it is the truth." "Hindi ko naman ito sasabihin sayo kung hindi ito importante. Atsaka bakit ako gagawa ng ikasisira niya? Wala naman siyang ginawa saaking masama." "I just think that you should, must know the truth." "Kung hindi ako ang magsasabi, sino? Sino sa tingin mo ang magsasabi?" "No." "Alam kong hindi ito kapani-paniwala." Sabi niya. "If you want to know the truth, just ask them. Pero hindi natin masisiguro kung aamin sila." Bigla kong naisip si Alas kaya ko siya tinawag. Ilang minuto ang lumipas at bigla siyang lumitaw sa gilid naming dalawa ni Sandra. Bahagya namang napatalon si Sandra dahil sa pagkakagulat. "Ikinagagalak kong makita kang muli, binibini. Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?" "Magagawa mo bang papuntahin dito si Kanlura? Kailangan ko siya dahil may kailangan akong malaman. Tungkol sa katotohanan." Aniko. "Hindi ko ito kayang gawin, binibini. Ngunit may ibang paraan." Tugon niya. "Ano ito?" "Ang tubig sakaniyang balon. Uminom ka rito at siya ang magpapatunay sayo kung may katotohanan ba ang iyong isang tanong." "Saan ako maaring kumuha non? Hindi mo ba ako mabibigyan?" "Maari ngunit may kapalit, binibini." "Ano?" "Hindi ko maaring sabihin dahil ito'y pinag sumpaan namin." "Naiintindihan ko. Kung gayon, maari mo ba akong bigyan ng kaniyang tubig?" Ngumiti muna siya saakin atsaka biglang nagkaroon ng maliit na lalagyan sa kaniyang kamay. Pagabot ko nito'y nagpaalam siya atsaka naglaho. Ininom ko naman ito agad at napatingin kay Sandra. Kumikislap siya ng kulay puti ngunit sa palagay ko'y ako lamang ang nakakakita non. Paano nila ito nagawa saakin? Why Hiro? Bakit siya? Bakit mo ito nagawa saakin, Hiro? "Wait, wait, wait. Pasensya na dahil wala akong ginawa." Pagpigil niya saakin nang ako'y aalis na sana. "Nalaman ko ito dahil sa malakas na pagkulog at pagkidlat pati ang malakas na ulan kasama ng iyong usok na bumabalot sa kaharian ni Hiro." "I'm really sorry Tally. You know that I am more afraid to you than them. At sa palagay ko'y kailangan mo itong malaman dahil karapatan mo ito." "Sinabi ko naman na ito sakaniya, sakanilang lahat na hindi ikaw ang kasama namin. Katawan mo lamang iyon. Ngunit hindi ko alam na magagawa nila itong dalawa." Kaya pala noong nag usap-usap kami'y hindi siya halos magsalita. Hindi niya rin ako halos kibuin at matignan diretso saaking mga mata. How could he do this? How could they do this? They didn't respect my body? How could they do that? "f**k!" Sigaw ko atsaka lumabas. Nasalubong pa ako nila Jasper, Agnes ngunit hindi ko sila lahat pinansin. Nandidilim na rin ang aking paningin at nawawala ang aking pakiramdam. . "f**k!" "Damn you Hiro! Damn you Alaine!" "Shhhh. Calm down. Calm down Tala." Pagtigil saakin ni James habang diretso parin saakin sa pagyakap. Nagpumiglas ulit ako ngunit hindi niya ako bitiwan. "Damn you all!" Sigaw ko ulit at napahagulgol. Napaupo na rin ako pero yakap-yakap niya parin ako. "How could they do this to me? How could they do that to my body?" "Sshhh. I'm here. I'm here." "Anong nagawa ko? Bakit nila ito nagawa saakin?" "How could they do this, James? How could he do it?" "Pinagkakatiwalan ko siya, James. I trust him. I f*****g trust him." Sambit ko at muling napaiyak. Naibaon ko na lang ang mukha ko sakaniyang dibdib. "I trusted him."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD