"Sige na. Kailangan niyo ng umalis habang hindi pa gumagawa ng galaw ang mga kalaban. Hindi magiging maganda ang mangyayari kung magpapatuloy kayong dalawa dito." Wika ko kaya hindi sila agad nakasagot.
"We're many here, Denver, tita Clara. No need to think because it is on my hands. Ang isipin niyo na lang ay ang kaligtasan ng inyong magiging anak."
Ang mga binibitiwan kong salita'y alam kong sobrang bigat. Ngunit kailangan ko itong sabihin upang hindi na sila magalala dahil mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng kanilang supling.
Nagpakawala muna sila ng malalim na paghinga.
"Ayos lang ito. Magiging maayos kaming lahat dito. Basta't mag iingat kayo sa mundo ng mga tao. Marami pa ring mga nilalang na nagpupunta doon upang manggulo, tita Clara."
"Denver, sige na. Umalis na kayo. Protektahan mo sila."
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni tita Clara habang siya ay umiiyak.
"Katulad mo talaga ang iyong mga magulang, Tala. Please, look on to yourself also. Huwag palaging iba."
"I will. Thank you, tita, for everything. Mag iingat kayo. Kung umayos man ang lugar dito'y hahanap ako ng oras upang mahanap kayo't makamusta doon." Aniko atsaka kumalas.
"Just like your father." Sambit ni Denver habang nakatingin saakin.
"Let me just give you a hug." Aniya atsaka ako niyakap ng mahigpit ngunit mabilis lamang.
"Sige na. Umalis na kayo. Ano mang oras ay maari silang sumugod dito. Ipahahatid ko na lang kayo sakanila kuya."
Tinanguan nila ako atsaka na umalis. Pinuntahan ko naman sila kuya at Valentine upang samahan sila. Pagkaalis nila'y dumiretso ako sa may parteng kusina atsaka naghanap ng alak.
Pagkainom ko'y nasuka ko rin ito sa hindi ko malamang dahilan. Naupo na lamang ako dahil sa pagkadismaya.
Bigla kong naisip ang salamin kaya ito nilabas.
Para kanino ka ba talaga? Saan kita ibibigay? Paano ko malalaman na karapat dapat na mapasakamay ka niya?
"Agnes"
Pagkatapos siyang koronahan mamaya ay ipagkakaloob ko na lamang ito sakaniya. Hindi ko na magagawang maharap ito dahil mas kailangan kong pagtuonan ng pansin ang Emperyo.
.
"Goodevening, your Majesty." Nakangiting bati ko sakaniya pag pasok niya saaking silid.
"Ate naman." Wika niya atsaka tumawa ng marahan.
Kahit hindi na ganon ang kaniyang buhok katulad ng dati'y napakaganda niya pa rin. Napakaganda ng kapatid ko.
"Ano nga pala ang kailangan mong ibigay saakin? Bakit kailangan pang tayong dalawa lang ang makakaalam?" Pagupo niya saaking kama.
"Here. This mirror is not just a typical mirror you know. This is a map, Agnes."
"Map?"
"Yes. Ito ang makakapag sabi kung nasaan ang espada ng namuno dito dati."
"Oww. I know something about that. Minsan ay napag-uusapan nila Emperador Henry tas Haring Deven 'yan dati. Pero wala silang nabanggit na mapa o salamin."
"Ang pinuno- ang magiging pinuno? Ang uupo sa trono upang mamuno sa mundong ito? Meron ba silang napag usapan?"
"Dating pinuno lamang, ate. Wala silang napag usapang mamumuno. Tungkol lamang sa kaguluhan ng mga Emperyo dahil sa wala ng namumuno sa mundong ito."
"Ganon ba? Sige. Itong salaming ito'y sobrang daming may gustong umagaw saakin dati. Dahil alam mo naman, gahaman sila."
"Gahaman." Pagsabay niya rin saakin kaya kami bahagyang natawa.
"Ok. You can imagine how much chase, battles and wounds I've got just to protect this f*****g thing, Agnes. Dahil noong nalaman ko ang tungkol sa espada ay prinotektahan ko na ito, kasi ayokong mapasakamay ang mundong ito ng isang walang kwentang pinuno."
"Ipagkakaloob ko sa'yo ito, Agnes." Pagkasabi ko non ay napalunok siya at napatingin sa salaming hawak ko.
"Hindi ko na magagawang haraping protektahan iyan dahil mas maraming may gusto akong mamatay. Kung malaman pa nilang nasa saakin ang salamin na iyan, hindi ko na lang alam kung ano na ang mangyayari."
"Kailangan mo lang itong pag ingatan, Agnes. Huwag na huwag mong ipapakita sa kahit na sino. Kahit na sino, Agnes. Kahit na sino." Madiin kong wika pagabot niya nito.
"Paano ba malalaman kung ang isang nilalang na iyon ang pagbibigyan ko nito?"
"Pati ako'y walang ideya. Gusto ko mang hanapin ay mas kailangan kong pag tuonan ng pansin ang Emperyo, Agnes. Wala na akong ibang mapag sasabihan sa mga kasama natin, tanging ikaw lang."
"Maraming salamat, ate."
"Sa palagay ko'y mas may oras kang pag aralan ang salamin kaysa saakin. Siguro ay makakakuha ka ng paraan upang mahanap ang karapat-dapat na humawak niyan."
"Kahit pagtingin diyan ay hindi ko na halos magawa. Palagi rin ako sa pakikipag away kaya maari iyang mabasag."
"I'll protect it just like you did, ate." Sambit niya kaya ko siya nginitian ng bahagya.
"I know I can count on you, Agnes."
Pagkatapos ng usapan namin ay nagtungo ako sa silid kung nasaan sila Luna.
"Luna." Pagbati ko ngunit tinignan niya lamang ako ng walang emosyon.
Her physical appearance did mature. Hindi na siya katulad ng dati na inosente ang itsura.
"Kamusta na siya?" Tanong ko sakanila habang nakatingin sa maliit na babaeng may makulay na buhok.
"Sabi nila ay maayos naman na po siya. Kailangan niya lang po ng pahinga." Sagot ng babaeng sa tingin ko ay mahinhin.
"Can we talk, Luna?" Tanong ko ngunit hindi ko inasahan ang kaniyang pag irap.
May nagawa ba akong masama?
Tamad siyang tumayo atsaka lumabas.
"Kamust ka na?" Pag uumpisa ko.
"Ayos lang... po." Sarkastiko niyang sagot.
"Is there anything I need to know, Luna? Bakit ganiyan ka sumagot? May problema ba tayo?" Tanong ko ngunit may awtoridad na tono.
"You said, you're going to abroad, ate. Bakit ka nandito? Tapos ang dami pang humahabol saakin-saamin, dati. Tapos ikaw? Nandito ka at namumuno't nagpapakasarap sa posisyon? Ano iyon? Iniwanan mo na lang kami basta-basta? Tapos naghanap ka pa ng panibagong kapatid? Para ano? Pamalit saakin kasi nandoon ako sa mundo ng mga tao't hinahabol ni kamatayan?" Mahaba niyang sabi habang ang mga luha ay tumutulo.
"Hindi ka man lang bumalik o nagparamdam. Siguro ay napilitan kang iligtas kami, ako na kapatid mo. Bakit mo nga ba nalaman na nadoon kami? Kasi sinabi nila?"
"Yung tungkol sa eskwelahan? Alam mo pala iyon, ate. Wala ka talagang balak sabihin saakin? Kung hindi ko nabasa yung librong tinago mo, hindi ko rin malalaman."
Para akong nabibingi sa kaniyang mga sinasabi.
"Masyado kang makasarili, ate. Napaka makasarili m-" hindi na niya natuloy ang sinasabi nang bigla siyang sampalin ni Agnes.
"Wala kang alam sa napagdaanan niya. Umayos ka ng sagot sakaniya, Luna. Tandaan mo, Emperatris siya. O kahit hindi mo na isipin ang rangko niya, isipin mo na lamang na kapatid natin siya. Panganay na kapatid." Aniya.
"Umayos ka nga." Madiin niyang dagdag.
"Mag pasalamat ka na lang na may nakasama kang kapatid simula noong bata ka hanggang yung araw na sinakripisyo niya ang kaligtasan niya para sa'yo. Bakit ka ba nag kakaganito? Naiinggit ka ba? Kasi ano, Emperatris siya? Ano?" Medyo may kalakasang wika niya ulit.
"Hindi ko man kayo nakasama. Hindi ko man siya nakasama dati ay alam kong kaya niyang isakripisyo ang kaniyang buhay para saatin, Luna. Tapos ganiyan ang mga sinasabi mo?"
"Ito ba ang tinutukoy niyong kapatid ko? Natin?" Pagturo niya kay Agnes ngunit marahas niya itong tinabig.
"Wala kang alam... mahal na Reyna, kaya't manahimik ka na lang. Huwag mo kaming pinakikialaman."
"Kapatid ko rin siya, Luna. Kapatid-"
"Wala akong kapatid na katulad mo." Sabi niya agad kaya sasampalin na sana ulit siya ni Agnes nang patigilin ko sila.
"Ayusin mo ang pananalita mo, Luna. Kung hindi ka masayang makasama kami, umalis ka na." Madiin at walang emosyon kong sambit habang nakatitig sakaniyang mga mata.
"You were never really been on my side. Ang mga nangyari dati ay isang panaginip lamang lahat." Iyak niyang wika atsaka tumakbo palayo.
Why is this happening?