SEDUCTION 4: OFFICE

1756 Words
EPISODE 4 OFFICE ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Ano ba ang magandang way para patayin ang isang salut sa lipunan, Phoebe?” Nanlaki ang kanyang mga mata at humarap siya sa akin. “Anong pinagsasabi mo diyan?! Hoy, Alessandra Marie Coleman! ‘Wag na ‘wag kang mag isip na barilin mo ang lalaking ‘yun! Baka makulong ka nyan,” sabi niya sa akin. Sumimangot ako at sumandal sa aking kinauupuan at muling nag isip kung paano ko maililigpit at maalis sa buhay ko at sa security agency namin si Alonzo Altimari. Nag iinit talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya lalo na kapag naglalakad siya sa hallway habang nakasuot ng uniform ng team namin at pati na rin ang suot niya na ID. Ang yabang niya! Hindi porket siya na ang ginawang leader ng team ay mas mataas na siya sa akin. “Alex, kumalma ka nga!” rinig kong sab ni Phoebe at hinawakan niya ang aking balikat kaya napatigil na ako sa aking pag iisip at bumuntong-hininga. “He’s getting on my nerves, Phoebe! Pati ang pag kausap ko sa mga dati kong kagrupo sa team ay ipinagbabawal na niya rin! Napapalayo na sila sa akin at kitang-kita ko ang lungkot sa kanilang mga mukha kapag nagkikita kami sa may hallway ng agency. Wala siyang karapatan para pagbawalan sila na kausapin ako!” inis kong sabi at muli akong napahilot sa aking sintido. Argh! Akala ko ay magiging masaya at mapayapa ang pag uwi ko rito sa Pilipinas pero mas lalo pa palang gumulo ang lahat at mas lalo pa akong nagkaroon ng maraming problema. “Pwede mo pa namang pakiusapan ulit si Tito Alec, diba? He loves you, Alex. Ikaw lang ang nag iisang anak nilang babae kaya hindi ka pa rin nila matitiis. Hahayaan ba ng mga magulang mo na makita kang hindi masaya sa ginagawa mo habang buhay?” sabi ni Phoebe sa akin. Napatingin ako sa kanya at tinignan siya ng malungkot. “Yeah, they love me, Phoebe. Sa labis nilang pagmamahal sa akin ay hindi na ako masaya. Bumalik na lang kaya ako sa pagiging sundalo ko?” I’m so frustrated right now! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay. Napamahal na ako nang sobra sa trabaho ko ngayon kahit alam ko na delikado ito, but I can protect myself! Nakailang involve na ako sa mga pagsabog at kung anu-ano pa diyan na mga putokan pero hindi pa rin ako namamatay dahil kaya kong proteksyunan ang sarili ko. Pero hindi ito makita ng aking mga magulang—lalo na si Mommy. They never trusted me! They still think that I need protection because my life’s in danger—my life is always in danger. Matagal ko nang alam na hindi normal ang buhay ko kagaya ng ibang mga kaedaran ko noon na makikita sa mga parke. I am the granddaughter of the President of the Philippines. My Dad is the owner of a famous and well trained security agency, and I am part of the Coleman Family who is famous in the business world and also in the showbiz industry because of my Tito Trevor and my cousins. That’s why I trained myself to be a strong person at a very young age. I joined a taekwondo class, and I also do boxing even until now. Marami akong alam na mga martial arts para sa aking self-defense dahil ayaw ko na matulad ako noon kay Mommy na palagi na lang na kikidnap at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi ako takot na makidnap dahil alam ko kung paano ko ililigtas ang aking sarili and I trust myself. “Alex, alam mo naman na hindi ka pa rin papayagan nila na bumalik sa military,” seryosong sabi ni Phoebe habang nakatingin sa akin. Napapikit ako sa aking mga mata at sumandal sa kinauupuan ko na couch. Bumuntong-hininga ako at minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa may kisame. “He took what’s mine….” “Huh? Anong sabi mo, Alessandra?” Naningkit ang aking mga mata at muli akong napaupo ng maayos at napahawak din ako sa aking baba at nag isip. “Hindi ko siya pwedeng patayin dahil sigurado akong malalaman at malalaman ng mga magulang ko ang katotohanan kapag ginawa ko ‘yun, at ako ang magiging prime suspect kung sakali,” sabi ko at muling humarap sa aking kaibigan. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. “Tama! At ayaw ko rin na maging criminal ka dahil sa lalaking ‘yan, Alex.” Ngumiti ako kay Adele at muling nagsalita. “I will start my seduction game tomorrow, Phoebe.” Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang nagulat sa aking sinabi. “H-Huh? Itutuloy mo talaga iyong sinabi mo sa akin noong nakaraan? At nakaka sigurado ka talaga na magagawa mo ito sa kanya—na bibigay rin siya sayo?” tanong sa akin ni Phoebe habang naguguluhan. “Of course bibigay siya! Walang makakatanggi sa kagandahan at ka-sexy-han ko, Phoebe. He will fall for me, and he will give me the team again willingly,” sabi ko at ngumiti ng napakatamis sa aking kaibigan. Bumuntong-hininga siya at umiling habang nakatingin sa akin. “Tingnan lang talaga natin ‘yang kalokohan mo.” Yes, tingnan lang natin. Alam ko na mahuhulog at mababaliw din sa akin si Alonzo Altimari. Nang sumunod na araw ay hinanda ko na ang aking sarili upang gawin ang aking pinaplano. Sa loob ng aking kwarto ay meron akong isang notebook kung saan nakalagay doon ang mga gagawin at ginawa ko sa aking pinaplano ang seduction game. May nakalagay rin sa unahan ng aking notebook na Mission: Seducing Alonzo Altimari. Nagawa ko na ito dati kaya alam ko na magagawa ko ulit ito ngayon. He’s still a man, maapektuhan pa rin siya sa akin. “Good morning, Miss Alessandra!” “Good morning, Ma’am!” Binati ako ng mga empleyado sa loob ng security agency at dahil good mood ako ngayon, binati ko rin sila pabalik habang nakangiti at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad papunta sa aking dating office—ang office ko noon sa Jaguar Team na pagmamay-ari na ngayon ni Alonzo Altimari. Pupunta ako ngayon doon upang simulan ko na ang aking seduction game. Paano ko gagawin ang pinaplano ko kung hindi ako lalapit at hindi ko lalandiin ang lalaking ‘yun diba? I need to flirt with him at kailangan ko rin na maging pasensyoso kahit gustong-gusto ko na siyang balibagin at barilin sa aking nakatagong baril sa may hita ko. Alam ko na working day ko ngayon pero wala silang magagawa sa aking susuotin dahil anak ako ng may-ari ng security agency na pinagtatrabahuhan nila. Nakasuot ako ngayon ng Cowl Heavy Satin Silk Dress With Slit and Rhinestone strips. Inilugay ko lang ang waivy ko na buhok at naglagay ako ng makeup sa mukha at tinirnohan ito ng pula na lipstick. Para akong a-attend sa party ngayon pero ang totoo ay lalandiin ko lang ngayon si Alonzo Altimari. I will welcome him here in our agency with my charm. Mabilis akong nakapasok sa loob ng dati kong opisina na pagmamay-ari na ngayon ni Alonzo. I still have the key to the office even though it’s locked. Pumasok na ako sa loob at sinirado ko ito. Nakatingin ako sa paligid at hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot dahil namiss ko ang office ko kung saan ko ginagawa ang aking mga trabaho at kung saan ako nagpapahinga. Naglakad ako palapit sa may table at umupo ako sa may swivel chair at bahagya itong pinaikot-ikot. Tingnan mo nga, kay bago pa lang niya sa trabaho pero late na siyang dumating! Pwede ba ‘yun?! Hindi pwede! Paano kung may emergency? Ma lalate siya palagi?! My gosh! Minus points kaagad. “What the f*ck?!” Bumukas ang pinto ng office at nakita ko sa harapan nito ang gulat na pagmumukha ni Alonzo habang nakatingin sa akin. Tumayo na ako at pinakita ko ang kabuohan ng aking katawan ngayon, pinakita ko sa kanya ang sexy ko na damit na bakat na bakat ang aking katawan at malaking dibdib. Tingnan lang natin kung hindi pa ba siya maakit sa akin. “Hi, Alonzo! Bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na kanina pa kita hinihintay?” malumanay kong sabi at bahagya akong ngumuso habang nakatingin sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng office at sinira niya na rin ang pinto. Humakbang siya palapit sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi ba marunong mag appreciate ang lalaking ‘to?! Hindi niya napansin ang makeup at ang ayos ko?! Ang kaseksihan ko?! Grabe! “Get out of my office. Why are you here? Hindi ka pwede rito!” sigaw niya na ikinagulat ko. Napakurap ako sa aking mga mata habang gulat pa rin sa kanyang sinabi. “I’m here for you! Hindi mo ba nakita ang ayos ko ngayon? I’m here to welcome you and tour you in your office. Marami ka pang dapat malaman dito sa office mo at tutulungan kita,” sabi ko sa kanya at muli siyang nginitian. Umiling siya at hinawakan niya ang aking braso. Nagulat ako nang bigla niya akong hilain para mapalabas ako sa kanyang office pero nanlaban ako. “A-Ano ba! Wait lang—wait lang naman, Alonzo!” Tuluyan na niya akong nailabas sa opisina at muntik na akong tumilapon sa labas sa sobrang lakas ng impak ng pagtulak niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit sa kanyang ginawa. “Tangina ka ah! Ang kapal ng mukha mo para eh reject ang beauty ko!” malakas kong sigaw. Tinignan niya rin ako ng masama at sinagot ang aking sinabi. Sumigaw din siya. “Hindi mo ako maaakit, Alessandra Coleman. Tigilan mo na ang kahibangan mo! Hinding-hindi ka na makakabalik sa Jaguar kaya tanggapin mo na lang ang katotohanan!” sigaw niya at muling pumasok sa loob ng kanyang opisina at sinirado niya ng napakalakas ang pinto nito na parang yayanig na ang buong building. Sa sobrang galit na aking nararamdaman ngayon ay napasigaw na ako nang malakas. “BAKLA KA! TANGINA MO! MAGHIHIGANTI AKO SAYO! BABARILIN KITA MAMAYA! BWISIT KA!” malakas kong sigaw habang nakaharap ako sa office niya. Hindi pa ako tapos—hindi pa tayo tapos, Alonzo Altimari. Nagsisimula pa lang ako sa laro ko. Mahuhuli rin kita. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD