SEDUCTION 1: THE SECRET AGENT
EPISODE 1
THE SECRET AGENT
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
“Anak, nandito ka na ba sa Pilipinas? Kanina pa kami naghihintay rito ng Daddy mo sa mansion!” Sabi ni Mommy habang kausap ko siya sa phone.
Kalalapag lang ng sinasakyan kong eroplano at kararating ko lang din dito sa airport, and yes, nasa Pilipinas na nga ako.
“Yes, Mom. Kailangan ko na rin magmadali dahil may trabaho pa akong gagawin sa headquarter,” sagot ko kay Mommy.
“Alessandra Marie Coleman!” banggit ni Mommy sa aking buong pangalana.
Napatigil ako sa aking paglalakad at napahawak sa aking noo. Huminga ako ng malalim bago kalmang sinagot ulit si Mommy habang katawag ko siya.
“Okay, Mom, got it! Di-diretso ako diyan sa mansion at makikipag bonding ako sa inyo,” pilit kong wika sa gustong ipagawa sa akin ni Mommy.
Humagikhik siya sa kabilang linya na para bang tuwang-tuwa sa aking sinabi.
“Great! Faster, Alex, baby! Miss na miss ka na ni Mommy!”
“Okay, Mommy. I love you!”
“I love you more, Baby ko!”
Nang matapos ko ng kausapin si Mommy sa phone ay muli na akong naglakad habang dala ang aking luggage. Ang kausap ko kanina ay ang aking Mommy na si Naime Jean Villa Coleman. Tatlong taon din akong hindi nakauwi rito sa Pilipinas dahil naging busy ako sa mission ko sa Germany at sa Italy.
Isa akong secret agent at ako ang namumuno sa Jaguar team ng Coleman Security Agency. Nang dahil sa madaming demands na mas palawakin pa namin ang aming services sa Coleman Security Agency ay naisipan ni Daddy ko na si Alexander Oren Coleman na mag tayo ng isang secret headquarter at secret team kung saan kami tumatanggap ng mga missions about killing most wanted people, drug lords, mafia leaders at iba’t iba pang mga salot sa lipunan. Naging partner na rin ng aming kompanya ang gobyerno kung saan si Grandpa Raoul na ang Presidente ng Pilipinas.
Sa tatlong taon kong nawala sa Pilipinas ay marami akong ginawa sa ibang bansa. May isa kasi kaming mission at ito ay patumbahin ang Mafia boss na si Tomaso Luigi Brioschi, ang founder ng most wanted criminal organization na Brioschi Mafia. Palipat-lipat ito ng lugar na pinagtataguan. Una ay pumunta itong Germany kaya napunta rin kami roon ng team ko hanggang sa Moscow na namin ito na corner at napatay ko si Tomaso.
That was my greatest achievement as a secret agent! I killed the most notorious leader in the whole world and I must be promoted in the higher rank in our agency. Hindi madali ang ginawa ko dahil umabot ako ng tatlong taon para mapatay lang ang leader na si Tomaso. Pero hindi pa roon natatapos ang laban dahil ayon pa sa sources na natanggap namin sa aming team, may anak na dalawa si Tomaso at maghihiganti ito sa amin sa pagpatay ko sa kanilang ama, pero habang hindi pa ito nangyayari ay kailangan naming mag handa. Hindi pwedeng maging tanga na kami pag uwi namin dito sa Pilipinas. Kailangan rin naming maging alerto palagi.
Bata pa lang ako ay pangarap ko na talaga ang ganitong trabaho. Simula noong nakita ko si Daddy na tinuturuan si Kuya Nik sa pag gamit ng baril, naisip ko rin na gusto kong matuto na gumamit nito. Suportado naman ako ni Daddy dahil sabi niya ay ganoon din siya noong bata pa at magkatulad kaming dalawa. Pero nahirapan lang ako dahil ayaw ni Mommy na pumasok ako sa ganoong bagay, natatakot kasi siya na baka raw ay mapahamak ako. Naintindihan ko naman si Mommy dahil maraming beses na rin siyang na kidnap noon kaya nga naging bodyguard niya si Daddy, pero kaya ko naman ang sarili ko at dito ako magaling at dito ako masaya.
“Alessandra anak!”
Umiiyak na lumapit sa akin si Mommy at agad niya akong niyakap ng mahigpit nang magkalapit kaming dalawa. Umiiyak siya sa aking balikat at paulit-ulit niyang hinahalikan ang aking pisngi. Nakita ko rin sa may pintuan ng aming bahay ang aking dalawang Tita na si Tita Kira at Tita Isabelle. Mukhang kompleto ang Coleman Family ngayon ah! Maliban nga lang sa aking Grandpa Louis at Grandma Rachel na mapayapang pinili na mamuhay sa Switzerland.
“Mom, I’m finally here. Please, don’t cry na,” malambing kong sabi at hinalikan ang pisngi ni Mommy at inakbayan siya.
“Welcome home, Alex.”
Napangiti ako nang lumapit sa amin si Daddy. Yumakap ako sa kanya at naramdaman ko rin na hinalikan ako ni Daddy sa tuktok ng aking ulo.
“I’m so proud of you, my daughter,” rinig kong sabi ni Daddy.
Labis ang tuwa ko nang marinig ko iyon galing kay Daddy. Alam kong nasabi na niya ito sa akin noong tumawag ako sa kanya pero mas masarap pa rin talaga na marinig ang mga salitang iyon galing sa taong labis mo talagang hinahangaan at naging inspirasyon mo kung bakit ka nandito sa iyong posisyon ngayon.
Si Dad ang naging dahilan kung bakit ako naging isang secret agent at pati na rin si Grandpa Louis na tinulungan ako sa mga secret codes sa isang secret agent at binigyan niya rin ako ng mga advices. Bago ako naging isang agent sa aming agency ay nag training muna ako at naging parte ng Philippine Army. Hindi naging madali ang naging mga trainings ko noon at sa mga experiences ko dahil muntik na rin akong mamatay nang dahil sa isang ambush. Pero hindi ako sumuko at ginawa ko itong motivation para mas maging magaling pa at mag improve. Proud ako sa sarili ko ngayon dahil masasabi ko na talagang magaling ako at hindi ako takot kung sino man iyang pinaka nakakatakot na tao sa buong mundo dahil kaya ko itong patayin at matatalo ko ito, kagaya sa ginawa ko kay Tomaso.
“Hija, dahil nandito ka na ulit sa Pilipinas, anong plano mo? Hindi ka na ba aalis? Kasi itong Mommy mo ay araw-araw ka na lang talagang bukam-bibig,” tanong sa akin ni Tita Kira.
Kumakain na kami ngayon at masaya ako dahil kompleto kami rito maliban kay Grandpa at Grandma. Matagal nang ibinigay nila Grandma Rachel ang mansion at sila Daddy at Mommy na ang nakatira rito. May tradisyon kasi ang mga Coleman na kung sino raw ang unang anak ay iyon ang magmamana sa mansion at bilang si Daddy ang unang anak ni Grandpa Louis, siya ang nag mana sa mansion at dito kami nakatira.
Bago ako makasagot sa tanong ni Tita Kira ay naunahan na ako ni Mommy.
“Ano ba, girl! Baka maisipan na naman niyang iwan ako,” nakasimangot na sabi ni Mommy na mukhang nag tatampo.
Bahagya akong napayuko dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Ayoko rin naman na umalis pero parte na ito ng trabaho ko lalo na kapag ang mission namin ay mga bigating drug lords.
“’Wag na muna natin iyang pag usapan dito, ang importante ay nakauwi na rito sa Pilipinas si Alex,” rinig kong sabi ni Tita Isabelle.
Nang sumunod na araw ay pumunta na ako sa aming security agency at binati nila ako roon dahil sa safe kong pagbabalik dito sa Pilipinas. Nag taka ako dahil pinatawag ako ni Daddy dahil may importante siyang i-a-announce at hindi ko rin mapigilan na kabahan. Ako na ba ang ipapahawak niya sa buong Coleman Security Agency? Ito ba iyong hinihintay ko na araw? I’m so excited!
Nang makapasok ako sa conference room ay agad kong nakita ang aking ama na prenteng nakaupo sa harapan at nagtaka ako nang makita ko rin ang mga kasamahan ko sa jaguar team. Ngumiti sila sa akin at binati ako. Umupo ako sa may gilid at hindi na napigilan ang sarili na mag tanong kay Daddy.
“Dad, bakit mo kami pinapunta rito?” tanong ko sa kanya na may halong kaba. Feeling ko kasi na hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.
Ngumiti sa akin si Daddy at hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pag ngiti niya o mas lalo akong kabahan.
“Alessandra Marie Villa Coleman, and the rest of the jaguar team, I want to congratulate you for killing the mafia lord Tomaso Luigi Brioschi. Alam kong hindi madali ang ginawa niyo at umabot kayo ng tatlong taon para lang mapabagsak ang taong ito. I am very thankful of all your dedications of this mission,” nakangiting sabi ni daddy sa amin.
Nagpalakpakan ang lahat ng taong nandito sa conference room. Malawak ang ngiti ko habang nakatingin kay Daddy. Naiiyak din ako nang maalala ko lahat ng paghihirap ng team habang ginagawa namin ang mission na iyon.
Muling nagsalita si Daddy. “Sa araw na ito, gusto ko sanang makilala ninyo ang bagong leader ng Jaguar team, Alonzo Altimari!”
Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha at napatulala nang sabihin iyon ni Daddy. Wait—new leader? Papalitan niya ako?
Napalingon kami lahat nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng salamin. Malamig ang kanyang ekspresyon at malaki rin ang kanyang katawan na para bang nag wo-work out siya araw-araw. Who the hell is he?!
Bahagya siyang yumuko at nagsalita.
“I’m Alonzo Altimari, and I am the new leader of Jaguar team,” malamig nitong sabi.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na mapigilan na mapatayo at humarap kay Daddy na malamig din na nakatingin kay Alonzo.
“This is insane! Daddy, what the hell?!” sigaw ko.
“Your mouth, Alessandra!” saway ni Daddy.
Napayukom ako sa aking kamao at pinipigilan na hindi maiyak sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
“Dad! Bakit ninyo ako papalitan?! Hindi pa ba sapat ang pagpatay ko sa mafia leader na si Tomaso?! Kulang pa ba para maging proud kayo sa akin?! Bakit niyo ako aalisin bilang team leader ng jaguar?!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak.
“Anak, I am so proud of you! Ang saya-saya ko sa achievements na nagawa mo at sa mission nan a-accommplished mo at hindi kami makapaniwala na kaya niyo kahit umabot kayo ng tatlong taon. Delikado na ang buhay mo at gusto kong malayo ka sa kapahamakan! Napag-usapan na namin ito ng Mommy mo at sang-ayon din siya dahil ang safety mo ang iniisip naming, Alex,” wika ni Daddy.
Umiiling ako at hindi pa rin matanggap ang katotohanan.
“Dad, this is my job! This is my happiness! Hindi ako mapapahamak dahil kaya kong proteksyonan ang sarili ko!” umiiyak kong sabi sa aking ama.
Wala na akong pakialam kung nakikinig man ang mga ka-team ko ngayon at pati na rin si Alonzo.
“At nag-iisang babaeng anak ka rin namin, Alessandra Marie Coleman! Hindi na kami makakapayag na mapahamak ka ulit at pumunta sa mga delikadong lugar! You can still work here in the agency but you will work in the office, not in the field.”
Umiling ako at malamig na tinignan si Daddy.
“Patayin niyo na lang ako,” malamig kong sabi at padabog na naglakad paalis.
Bago ako makalabas sa conference room ay tumigil na muna ako sa harapan ni Alonzo Altimari at matalim siyang tinignan. Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo habang nakatingin din sa akin. Ngumisi siya sa akin na mas lalong nagpa init sa aking ulo. Muli akong naglakad paalis at iniwan sila roon.
Babawiin ko ang posisyon ko! Ipapakita ko kay Daddy na malakas ako at hindi ko kailangan ng proteksyon. Alam kong natatakot lang sila sa mangyayari sa akin dahil ako lang ang babaeng anak nila, pero marami na akong napagdaanan at hindi ako takot.
Hindi ako makakapayag na makuha na lang bigla ng isang Alonzo Altimari ang posisyon ko sa aking team. Babawiin ko ang lahat at lalaban ako dahil ako si Alessandra Marie Villa Coleman, hindi ako susuko kaagad.