EPISODE 5
THE BODYGUARD
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
Dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon kay Alonzo ay umuwi ako sa mansion upang hanapin si Daddy. Pinuntahan ko siya sa kanyang opisina doon sa security agency pero hindi ko siya mahanap doon, nasa bahay raw ito kaya ngayon ay sumugod ako dito sa mansion dahil gusto siyang makausap. Gusto kong malaman niya na hindi ko deserve na maalis sa posisyon ko bilang isang secret agent, that's my job!
“Good afternoon, Miss Alex! Welcome back po sa mansion,” bati ng isa sa aming kasambahay nang makapasok ako sa loob ng mansion.
Dahil wala ako sa mood, tumango lang ako bilang sagot at ang diretso ako sa aking paglalakad papunta sa itaas upang makapunta ako sa opisina ni Daddy. Hindi na ako kumatok at agad na akong pumasok sa loob. Agad ko siyang nakita sa kanyang table habang may pinirmahan na mga papeles.
Naramdaman niya ang aking pagdating kaya nag angat siya ng tingin sa akin at itinigil niya ang kanya ginagawa at inalis niya ang eyeglasses na suot niya.
“Alessandra, I’m glad that you visit me here in the mansion,” wika ni Daddy at bahagya siyang ngumiti sa akin.
Hindi ko siya nginitian pabalik, malamig pa rin ang tingin ko sa kanya at pinipigilan ko ang sarili ko na masigawan siya dahil ama ko pa rin siya.
“I want you to give my position back in the team, Daddy,” seryoso kong sabi sa kanya.
Sumandal siya sa kanyang inuupuan na swivel chair at seryoso ako tiningnan.
“We already talked about that, Alessandra Marie.”
Tuluyan na akong nagalit at hindi ko na ito napigilan.
“You took the only job that I wanted in my whole life, Daddy! Akala niyo ay napoproteksyonan niyo ako sa ginagawa ninyo? No! Hindi na ako bata, Daddy. I can protect myself, at hindi ako pumasok sa military noon para tratuhin niyo lang akong baby ngayon!” galit kong sigaw kay Daddy.
Huminga siya ng malalim at tumayo.
“Alessandra, you don’t understand—”
“No! You don’t understand, Daddy! I work hard for this job and then you took it from me that easily?! At binigay mo na lang ito ng basta basta sa lalaking hindi naman natin kilala?!”
“Alessandra, I know Alonzo. Alam ko na hindi niya pababayaan ang team. He’s good at nasa maayos na kamay ang team, kung iyan man ang iniisip mo ngayon.”
Nanahimik ako sa sinabi ni Daddy at mas lalong nasaktan. Parang pinapamukha pa ngayon ni Daddy na hindi ko deserve na mamuno sa team at mas magaling pa sa akin si Alonzo kaya pinalit na lang ako sa lalaking iyon nang basta-basta.
“Alessandra—”
“Daddy, stop… ‘wag ka nang magsalita ulit dahil hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko alam kung bakit niyo ito nagagawa sa akin ngayon at kung may dahilan man kayo kung bakit niyo ito ginagawa sa akin, sigurado sa ngayon ay hindi ko pa ito matatanggap. Aalis na po ako at hindi ko alam kung kailan ako ulit magpapakita sa mansion—siguro kapag natanggap ko na ang katotohanan? Thank you, Daddy.”
Tumalikod na ako sa kanya at lumabas sa kanyang opisina. Mabilis ko na pinunasan ang luhang pumatak sa aking luha at nagmamadali akong umalis dahil natatakot ako na makita ako ni Mommy. Nang makababa ako sa may hagdan, nakasalubong ko ang nakakabata kong kapatid na si Alexis na may dala pang bola ng basketball at nakasuot din ito ng uniform. Sigurado ako na kauuwi lang nito galing sa laro o practice dahil isa siyang varsity player ng university na pinag-aaralan niya ngayon.
“Hey, Ate Alex! Himala at napadalaw ka dito ulit. How was your work?” nakangisi niyang sabi.
Inirapan ko si Alexis at hindi sinagot ang kanyang tanong. Aakmang lalabas na ako ng mansion nang muli siyang magsalita na ikinatigil ko.
“Don’t get mad at them, Ate. They were just protecting you.”
Humarap ako kay Alexis at tinignan ko siya ng seryoso.
“Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Alexis. Nasasabi mo lang ‘yan dahil wala kang problema sa buhay mo at wala kang iniisip na responsibilidad at wala kang pangarap sa buhay mo. Magkaiba tayong dalawa kaya ‘wag kang mag marunong diyan,” malamig kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ng sabihin ko iyon sa kanya.
“Ouch! Ang sakit mong magsalita, Ate. Pero sige, pagbibigyan kita ngayon kasi malaki ang problema mo at mahal kita. Pero maintindihan mo rin si Mommy at Daddy sa ginawa nila para sayo, ‘wag masyadong galit,” sabi ni Alexis at naglakad na siya palayo sa akin.
Bumuntong-hininga ako at napagpasyahan ko na rin na umalis sa mansion at bumalik na sa condo unit ko. Ayoko nang bumalik ulit ngayon sa agency dahil pinahiya na ako ni Alonzo at baka masugod ko na naman siya doon sa opisina at tuluyan ko na siyang mabaril, ayoko pa naman na maging kriminal ako nang dahil sa kanya.
Nakarating na ako sa condominium na pagmamay-ari ng pamilya ko at dito rin ako nakatira, sa may penthouse. Sumakay na ako sa elevator at habang naghihintay ako na bumukas ang pinto at makarating ako kung saan ang floor ng unit ko, narinig kong tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito at tingnan kung sino ang nag text. Bahagyang kumunot ang aking noo nang makita kong galing ito sa unregistered number, pero dahil sa curiosity ko ngayon ay binuksan ko pa rin ang text message na aking natanggap.
From: Unregistered Number
Hello, Miss Alessandra Marie Coleman. How was your day today? I hope it’s great, like what I have felt right now. Where are you? Are you going home? I have a present for you, and it’s in front of your door in your condo unit. Open it, and you will know my gift for you.
Tamang tama ng bumukas ang elevator ay natapos din ako sa pagbabasa sa message na sinend sa akin ng hindi ko kilalang tao. Nakaramdam ako ng kaba kaya nagmamadali akong lumabas sa elevator at patakbo akong pumunta sa aking condo unit. Unti unti akong napatigil sa aking pagtakbo at hinay hinay na lumapit sa harapan ng aking unit at may nakita akong isang gift box sa harapan ng pintuan ko. Napalunok ako sa aking laway at napatingin ako sa paligid, pero wala kong nakita ni isang tao.
Huminga ako ng malalim at matapang ko itong kinuha at binuksan, hindi ko na inisip kung bomba pa ito o kung anumang klase na pagsabog. Nang mabuksan ko ang gift box ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking litrato na kuha kanina palabas sa agency at may nakalagay dito na mga mensahe gamit ang isang pula na tinta ng ballpen.
You will pay for what you did to Tomaso Luigi Brioschi, Alessandra. We will come for you. We will kill you! We are not done yet.
Mabilis kong nabitawan ang gift box na hawak ko nang mabasa ko ang mensahe na iyon at narinig ko rin ang pagtunog ng aking phone. Mabilis ko itong kinuha at nakita ko na si Dad ang tumatawag sa akin. Huminga ako ng malalim at walang magawa kundi ang sagutin ang kanyang tawag kahit na galit at nagtatampo ako sa kanya.
“Yes, Dad?” sagot ko sa kanyang tawag sa akin.
“You come here to the agency, Alessandra. Alam namin na may natanggap kang death threat from unknown person. Come here and let us discuss that with Alonzo’s team.”
Umigting ang aking panga at kinalma ko ang aking sarili.
“Dad, kung ang iniisip niyo ngayon ay bigyan ako ng proteksyon dahil nakatanggap ako ng death threat, ‘wag na. Kaya kong ipagtanggol ang aking sarili,” malamig kong sabi.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Daddy at makalipas ang ilang segundo ay isinigaw na niya ang buo kong pangalan kaya bahagya kong inilayo ang aking cellphone sa may tainga.
“Alessandra Marie Villa Coleman! Don’t be stubborn, please. Pumunta ka dito sa agency as soon as possible!” sigaw ni Daddy sa kabilang linya at pinatay na niya ang tawag.
Hindi ko mapigilan na mapairap at muli akong bumalik sa aking nilalakaran kanina upang makabalik ako sa agency.
F*ck! Mukhang alam ko na kung saan ito patungo at ayaw kong mangyari ito. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko—kaya kong iligtas ang sarili ko. Hindi na bago sa akin ang makatanggap ng mga death threats. Ang dami ko nang natanggap noon kaya nasanay na ako at hindi ako takot sa mga ganung bagay pero dahil isinigaw na ni Dad ang buo kong pangalan, wala na akong magagawa kundi ang pagbigyan siya at muling bumalik sa agency.
Nang makabalik na ako sa agency ay agad akong pumunta sa opisina ni Dad dahil nandoon sila ngayon. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko mapigilan na mas lalong mainis dahil nakita ko si Dad na kasama ngayon si Alonzo. Kami lang ang nandito ngayon sa office ni Daddy.
“Alessandra, maupo ka,” seryoso na sabi ni Dad.
Bumuntong-hininga ako at umupo na rin sa may couch, na nakaharap ngayon kay Alonzo. Nang mag salubong ang aming tingin ay inirapan ko siya at humarap na ako kay Daddy.
“What, Daddy? Kung tungkol iyon sa paghahanap ng kung sino ang nagpadala sa akin ng death threat ngayon, handa akong makipag tulungan sa mission at sisiguraduhin ko na mahahanap natin iyan,” sabi ko kay Daddy at nginitian siya.
Hindi siya ngumiti pabalik sa akin, nakatingin lang siya ng seryoso sa akin at umiling.
Kumunot ang aking noo at tinignan siya at sinulyapan ko rin si Alonzo at nakita ko siya na seryoso rin ang ekspresyon sa mukha.
“Bakit? Kung hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nandito… ano? Oh my gosh! Kung ang iniisip niyo ngayon ay bigyan ako ng proteksyon, I can protect myself, Daddy!” sabi ko sa kanya.
Hindi siya nakinig sa akin. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin at nagsalita na si Daddy.
“Habang hinahanap pa namin kung sino ang nasa likod ng death threat na nagpadala sayo ngayon at sa paggamit ng pangalan ni Brioschi, magiging personal bodyguard mo muna si Alonzo.”
Nanlaki ang aking mga mata sa sobrang gulat at napatayo na ako. Tinignan ko ng masama si Alonzo at umiling.
“W-What? No! Are you crazy, Daddy?!”
“Wala ka nang magagawa, Alessandra. This is for your own safety at para mapanatag din ang mommy mo,” muling sabi ni Daddy.
“N-No! Hindi ako makakapayag!” galit kong sabi.
“‘Wag ka nang magmatigas ng ulo, Miss Coleman. If you want to help the agency and the mission, you will listen to your dad.”
Napatingin ako kay Alonzo nang sabihin niya iyon sa akin. Matalim ko siyang tinignan at humakbang ako palapit sa kanya at sinapak siya sa kanyang mukha. Malakas ang pagsapak ko sa kanyang mukha kaya nakita kong namula ito kaagad.
“Alessandra!” rinig kong sigaw ni Daddy.
“I don’t need you to be my bodyguard, asshole!” galit kong sigaw at padabog na lumabas sa opisina ni Daddy.
TO BE CONTINUED...