EPISODE 3
MAD ALEX
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
“I’m glad that you finally accept your dad’s decision, Alex. All we want is your safety—-that’s all and nothing more. We know that being a secret agent is what you want in your whole life, but we can’t afford to lose you, our only princess,” seryosong sabi ni Mommy habang nakahawak sa aking kamay.
Umiwas ako ng tingin kay Mommy para maiwasan na hindi ako mapairap sa kanyang harapan. Do I have a choice? No. Kahit anong pagmamakaawa ko pa sa harapan ng mga magulang ko ay hindi pa rin nila ako papayagan.
“Isa pa, you’re the President’s granddaughter, Alex. Mainit ka sa mga mata ng mga kalaban ni Daddy. Palagi na nga akong napapahamak noong senator pa siya, paano na lang na presidente na siya ng Pilipinas ngayon? Mas delikado na ang buhay mo, Alex,” muling sabi ni Mommy.
Muli akong tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.
“Okay, Mom,” tangging nasabi ko lang sa aking ina.
Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.
“Thank you, Alessandra.”
Hindi ko kayang makipagsagutan sa aking ina dahil mahal na mahal ko siya. Kahit anong pagdadabog ko ngayon ay sigurado ako na mas lalo lang nila akong paghihigpitan kaya mas mabuting patago akong gagawa ng paraan para maibalik ang nawala sa akin.
“Oh, bakit nakasimangot ka diyan?”
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang nakakabata kong kapatid na si Alexis na nasa aking harapan. Sabado ngayon kaya nasa mansion lang ako at tinatamad din akong lumabas dahil may ginagawang school works si Phoebe, professor kasi ang best friend ko sa isang university rito sa Manila at malapit na rin ang midterms nila kaya gumawa siya ng mga exams para sa kanyang mga estudyante.
“Bakit ka nandito?” tanong ko pabalik sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay at umupo siya sa couch na kaharap lang sa akin.
“Kasi dito rin ako nakatira?” pabalang niyang sagot sa akin.
Inirapan ko siya at hindi na muli nagsalita. Wala ako sa mood makipag sagutan kay Alexis dahil nag-iisip pa rin ako kung paano ko mababawi kay Alonzo ang posisyon ko na nakuha niya sa Jaguar. Kailangan kong makabalik sa pagiging secret agent dahil baka manghina ako at hindi ko na gustuhin na mabuhay pa. Alam kong ang over acting pakinggan ang aking sinabi para sa ibang tao pero simula bata pa ako ay ito na ang pinapangarap kong trabaho sa buhay kaya ang hirap bitawan at nasasaktan ako nang sobra.
“Balita ko ay naalis ka raw sa Jaguar,” rinig kong sabi ni Alexis.
Napaismid ako. Ang chismoso rin ng isang ‘to. Sabi pa ni Mommy ay kay Tito Trevor daw namana ni Alexis ang pagiging pasaway dahil ganoon din ito noong kabataan pa. Nagtaka nga sila dahil wala sa kambal pati na rin kay Chantal ang namana ang pagiging happy go lucky ni Tito Trevor. Masyado kasing seryoso sa buhay ang kambal at pati na rin si Chantal at namana nila ito kay Tita Kira. Ang kahiligan lang siguro sa musika ang namana ng kambal sa kanilang ama dahil parte sila sa isang banda.
Ako naman ay halatang nagmana kay Daddy kaya nakahiligan ko ang mga baril. Sa condo unit ko ay may collection ako roon ng iba’t ibang klase ng baril kagaya ng rifles, shotguns, pistols, revolvers and even machine guns, ganiyan ako ka-adik sa mga baril. Bata pa lang ako ay tinuruan na ako ni Daddy pati na rin ni Grandpa kaya madaling-madali na ito sa akin.
“Yeah. Saan mo narinig ‘yan?” tanong ko kay Alexis.
Napanguso siya at humalukipkip.
“Narinig ko kasing nag-uusap si Mommy at Daddy kagabi sa may office rito sa mansion. Hindi ko naman intensyon na marinig ang pag-uusap nila kaso ang lakas ng boses nila at mukhang nagtatalo pa eh,” wika ni Alexis.
Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi.
“Paanong nagsisigawan? Ano pa ang narinig mo?” tanong ko sa kanya habang seryosong nakatingin sa aking kapatid.
Napakamot siya sa kanyang ulo at sumimangot.
“Ewan! Iyon lang narinig ko eh. Hindi naman ako chismoso! Bahala ka nga diyan,” inis nitong sabi at tumayo. Naglakad na ito paakyat sa hagdan upang makabalik sa kanyang kwarto.
Nakaka-bwesit talaga ang isang ‘yon! Mas lalo tuloy akong na-curious. Baka si Mommy lang ang may gustong umalis ako sa pagiging secret agent ko samantalang si Daddy ay okay lang sa kanya. Pero dahil under si Daddy kay Mommy ay wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos ng kanyang asawa at mas piliin na masaktan ako.
Napahilamos ako sa aking mukha.
Nakakainis!
Hindi talaga ako makakapayag na ganito na lang ako. Babalik ako sa dati kong trabaho at pinapangako ko iyon.
“Ma’am Alex…”
Napatigil ako sa aking paglalakad ng may tumawag sa aking pangalan. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Jessie, isa sa member ng Jaguar. Hindi ko mapigilan na malungkot dahil nakita kong suot-suot niya ang uniform ng Jaguar at ibang iba ito kaysa regular worker dito sa security agency namin. Hindi ko na suot ang uniform ko, pati na rin ang aking ID. Hindi ko alam kung saan ako ilalagay ni Daddy rito sa agency, baka ilagay niya ako sa investigation team pero hindi pa ako sure.
“Jessie, ikaw pala.” Pinilit kong pasiglahin ang aking boses sa pagbati sa kanya dahil ayokong malungkot sila para sa akin.
“Ma’am, hindi ka na po ba talaga babalik sa team?” tanong niya sa akin.
Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi at huminga ng malalim.
“I-I don’t know. Kakausapin ko pa si Daddy about that,” sagot ko sa kanyang tanong.
Napatango naman si Jessie. “Sana po bumalik po kayo sa team. Ang lungkot pala kung wala kayo, Ma’am.”
Bahagya akong ngumiti sa kanya.
“Jessie.”
Pareho kaming napatingin ni Jessie sa aming likuran nang may biglang magsalita na lalaki. Napataas ang kilay ko at hindi mapigilan ang sarili na muli na namang mainis nang makita ko si Alonzo.
Nakita kong bahagyang yumuko si Jessie at binati ang lalaki.
“Sir, ikaw po pala,” nakangiting sabi ni Jessie.
Tumango si Alonzo.
“Bumalik na muna kayo sa office. May bago tayong mission at eh di-discuss ko ito sa inyo,” malamig na sabi nito.
Mabilis na tumango si Jessie at nagpaalam na rin ito sa akin at nauna nang umalis. Aakmang aalis na rin si Alonzo nang tawagin ko ito kaya muli siyang napalingon at humarap sa akin habang malamig pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.
“Anong mission iyan? May bago bang binigay sa inyo si Daddy? Tungkol ba ito sa mga drug lords na nagtatago rito sa Pilipinas? O baka naman ay tungkol sa mga sindikato?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Hindi ko mapigilan na ma-curious sa bago nilang mission at kung sagutin man ni Alonzo ang tanong ko sa kanya, baka may alam ako at makakatulong ako sa kanilang mission. Pwede akong maki-usap kay Daddy na sumali na muna ako sa mission dahil marami akong alam.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya natigilan ako.
“It’s none of your business, Miss Coleman. Hindi ka na kasali sa Jaguar Team kaya wala ka nang karapatan na magtanong tungkol sa mga mission na gagawin namin,” malamig niyang sabi.
Natigilan ako at napanganga sa gulat sa kanyang sinabi sa akin.
“H-How dare you!”
He smirked. “Miss Coleman, accept that you are not the leader of the Jaguar team anymore. Adjust to your new life and don’t meddle in others’ business.”
Napatulala ako sa sinabi ni Alonzo at hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya sa aking harapan.
Napatakip ako sa aking mukha at tahimik na sumigaw sa sobrang galit. Nararamdaman ko na rin ang pamumula sa aking mukha at panginginig sa aking buong katawan. Susuntukin ko siya sa mukha! Ang kapal ng mukha niya! Sino siya para pagsabihan ako nang ganoon?!
Ang kapal ng mukha niyang banggain at kalabanin ang isang Alessandra Marie Villa Coleman. Magbabayad ka sa akin Alonzo Altimari! Luluhod ka rin sa aking harapan at magmamakaawa.
TO BE CONTINUED...