EPISODE 6
ENEMIES
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
“Alessandra Marie Villa Coleman! Kailan ka pa natuto na magmatigas?! Hindi porket na matanda ka na at binigyan ka na namin ng Daddy mo ng kalayaan na gawin kung ano ang gusto mo ay susuway ka na sa amin?! This is for your own safety, Alessandra! Alam mo kung gaano ka delikado ang buhay natin tapos mag gaganyan ka lang?!”
Hinayaan ko lang ngayon si Mommy na pagsabihan ako at hayaan siya na magsalita ngayon kung ano ang kanyang nararamdaman. Alam ko na galit ngayon si Mommy sa ginawa kong pagsapak kay Alonzo at labis siyang nag-aalala dahil sa natanggap ko na death threat. Ngayon ay nandito kami sa mansion—sa loob ng office ni Daddy at kompleto kaming magkakapatid ngayon ang nandito, si Kuya Alessandro at pati na rin na si Alexis.
“Alam mo na ikaw lang ang nag iisa naming anak na babae, Alessandra! Syempre ay mag-aalala kami nang sobra sayo, kahit sabihin mo pang kaya mong proteksyunan ang sarili mo ay kailangan mo pa rin ng dagdag na seguridad. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Saan ka ba nagmana, ah?!” muling galit na sigaw ni Mommy habang nakatingin siya sa akin habang nakapamewang.
Napasulyap ako kay Daddy na nakaupo ngayon sa kanyang swivel chair at bahagya siyang nakayuko ngayon habang nakahawak sa kanyang noo. Pati siya ay wala nang magagawa kapag si Mommy na ang nagsalita at nagalit. Si Mommy ang kinatatakutan namin dito sa mansion at ayaw na ayaw namin na nagagalit siya at ngayon ay nangyari na ito.
“Sige nga, paano kung may mangyaring masama sayo, Alessandra? Anong mangyayari sa akin ah? Hihimatayin ako! Baka ako pa ang unang mamatay sa sobrang pag-aalala sayo!”
Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin kay Mommy.
“Mom, hindi mangyayari ‘yang iniisip mo, okay? I’ll be fine,” malumanay kong sabi.
Matalim niya akong tinignan at hindi siya kombinsido sa aking sinabi.
“Bakit, alam mo ba ang mangyayari sa hinaharap? May kapangyarihan ka ba na malaman ang mangyayari sayo sa hinaharap? Wala! Ngayon, sa ayaw at sa gusto mo ay magkakaroon ka ng personal bodyguard at si Alonzo iyon. Bakit ba ayaw na ayaw mo sa lalaking ‘yun? Dahil binigay ng daddy mo sa kanya ang dati mong posisyon sa team ninyo? Alessandra, kailangan mong umalis sa team na iyon dahil delikado ang buhay mo! Naintindihan mo ba ako, anak?!”
Napatingin ako kay Daddy at nakita ko na nakatingin na rin pala siya sa akin at sinenyasan niya ako na sumang-ayon na lang kay Mommy para walang gulo.
“Alessandra! Nakikinig ka ba sa akin?”
Muli akong nag-angat ng tingin kay Mommy at nginitian siya.
“Yes, Mom. I’m sorry for being stubborn. Naintindihan ko naman ang sinabi mo sa akin at hindi na ako susuway,” sabi ko sa kanya.
Hindi na ulit sumigaw si Mommy at nakita ko na bahagya na rin siyang kumalma kaya nakahinga na ako ng maluwag. Buti naman at kumalma na si Mommy.
“Ipangako mo sa akin na ilalayo mo na ang sarili mo sa kapahamakan, Alessandra.”
Tumayo ako at hinawakan ang magkabilang balikat ni Mommy at nginitian siya.
“I promise, ilalayo ko na ang sarili ko sa kapahamakan,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Bumuntong-hininga si Mommy at niyakap ako.
“Buti naman at nagkakaintindihan tayo, Anak.”
DAHIL sa naging pangako ko kay Mommy, pumayag na ako na maging personal bodyguard ko si Alonzo—ang lalaking kinaiinisan ko. At dahil ako ang pinapadalan ng mga death threat tungkol sa ginawa kong pagpatay kay Tomasa, kakailanganin pa rin ang aking presensya sa mission kaya pumunta ako ngayon sa agency at agad na dumiretso sa underground headquarters ng Jaguar team at nang makapasok ako sa loob ay agad kong nakita si Dad sa may unahan at nandoon din ngayon si Alonzo. Nandito rin ang ibang miyembro ng Jaguar at masaya ako na makita silang lahat at nakita ko rin na masaya silang makita ako.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alonzo at ang ginawa ko na lang ay tinaasan siya ng kilay at dumiretso ako sa aking kinauupuan.
“Dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagpapadala ng death threat sa iyo tungkol kay Tomasa, Miss Coleman, kakailanganin nang doublehin ang trabaho upang mas mapadaling malaman kung sino ang nasa likod ng mga sulat na ito,” seryosong sabi ni Alonzo habang nasa harapan siya.
Nagtaas ako ng kamay kaya lahat sila ay napatingin sa akin, kabilang na dito si Daddy. Napatigil din sa pagsasalita si Alonzo at tinaasan niya ako ng kanyang kilay.
“Sigurado ka bang mapapadali ang paghahanap mo diyan, Mr. Altimari? Kasi habang tinitignan kita ngayon ay para kang nangangapa. Kung ako pa siguro ang nasa posisyon mo ngayon ay baka nahanap ko na kung sino ang nasa likod ng pagpapadala ng death threats sa akin,” mayabang kong sabi habang nakangisi na nakatingin sa kanya.
“Alessandra!” rinig kong saway ni Daddy sa akin, pero nakatingin pa rin ako ngayon kay Alonzo.
Nakita ko na umigting ang kanyang panga at may nakita rin akong inis sa ekspresyon sa kanyang mukha. Bahagya niyang inayos ang suot niyang eyeglasses at seryosong tumingin sa akin ulit.
“You’re so full of yourself, Miss Coleman. Akala ko ba ay naubos niyo na ang lahat ng nasa Brioschi Mafia? Pero bakit parang may nakatakas at ngayon ay ito ang nagpapadala ng mga death threats sayo?” may halong pagyayabang na tanong niya sa akin.
Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin at nginisihan niya ako.
Nakaramdam ako ng matinding galit sa kanyang sinabi kaya napatayo na ako at tinignan siya ng masama.
“How dare you say that?!” galit kong sigaw.
Nagkagulo na ang lahat ng nandito sa loob ng headquarters at nakita kong lumapit si Jessie at pinakalma ako.
“Miss Alex, kumalma po kayo,” malumanay na sabi ni Jessie sa aking tabi.
“Alessandra, what is this behavior?! Stop arguing with Alonzo and listen to him!” sabi ni Daddy habang nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim at muli akong umupo sa aking upuan at kinuha ko ang bottled of water na nasa aking tabi at binuksan ko ito at ininom. Hindi na ulit ako nagsasalita pero matalim ang tingin ko kay Alonzo ngayon habang pinagpatuloy niya ang kanyang pagsasalita.
f*ck this man! Kapag siguro ay nakulong kami sa isang kwarto ay hindi na sisikatan ng araw ang lalaking ‘to dahil papatayin ko na siya kaagad. F*ck! Kung hindi lang dahil kay Mommy ay hindi ako papayag na maging bodyguard itong lalaking ‘to at lalo nang maguna sa misyon para mahanap kung sino ang nagpapadala sa akin ng death threats. Baka maunahan ko pang maghanap ang isang ‘to.
Ang yabang niya!
TO BE CONTINUED...