EPISODE 7
KISS
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
“I want to go out.”
“Bawal.”
“Why?!”
“Delikado, Miss Coleman.”
“Stop calling me Miss Coleman! It’s annoying!” inis kong sabi kay Alonzo at inirapan ko siya.
Muli na naman akong nakatanggap ng death threat kahapon at muntikan pa akong mabaril, buti na lang at naiwasan ko ito at hindi ako nagalusan man lang. Nang dahil sa pagkataranta at agad din nalaman ni Mommy ang nangyari sa akin, pinagbabawal niya muna akong lumabas sa condo unit at kasama ko ngayon sa loob ng aking unit ang nag-iisa kong personal bodyguard na si Alonzo. Kanina pa siya nakatutok sa kanyang cellphone at makalipas ang ilang minuto ay bigla itong tutunog dahil may tumawag sa kanya at agad niya naman itong sasagutin.
He’s not paying attention to me! He’s working inside my condo unit, and I’m so bored right now! I want to go out and have some fun with my best friend Phoebe na hindi ko rin pwedeng makita ngayon. Pati ang pagpunta ni Phoebe dito sa loob ng unit ko ay ipinagbabawal na rin ni Mommy at Daddy, for safety purposes daw. Argh! Masyado silang paranoid na may mangyayaring masama sa akin. Kaya ko ngang proteksyonan ang sarili ko!
“Bakit, ano ba ang gusto mong itawag ko sayo? Hmm, brat?” tinaasan niya ako ng kanyang kilay at ngumisi siya.
Tinignan ko siya ng masama at kinuha ko ang throw pillow na nasa aking tabi at hinagis ko ito sa kanya, pero hindi ito masapol sa kanyang mukha dahil mabilis niya itong nasalo. Hambog!
“Alam mo, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding galit at gigil sa isang tao at sa iyo ‘yun! Nakakabwisit ka, alam mo ba ‘yun?!” sabi ko sa kanya habang matalim siyang tinignan.
Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo habang nakatingin pa rin siya sa akin at hindi rin mawala ang ngisi sa kanyang mukha ngayon na para bang inaasar ako.
“Hmm, the feeling is mutual, Miss Brat.”
“Stop calling me brat!” sigaw ko sa kanya.
Tuluyan na akong napatayo at padabog akong umalis sa may living room at pumasok ako sa loob ng aking kwarto at nagkulong. Hinanap ko ang aking phone at mabilis ko na tinawagan si Phoebe. Alam ko na busy siya ngayon sa kanyang mga papers dahil malapit na rin ang exam date sa university na pinagtatrabahuhan niya, pero mabilis lang naman itong tawag ko sa kanya. Kailangan ko lang na kumalma ngayon.
Nakailang ring ang phone bago sagutin ni Phoebe ang aking tawag. Nakahinga ako ng maluwag at umupo ako sa gilid ng aking kama.
“Phoebe, help me! Nababaliw na ako dito sa loob ng unit ko habang kasama ko si Alonzo. Gusto kong lumabas at umalis pero bantay sarado ako ng bwisit na ‘to at sigurado rin ako na maraming mga bantay sa labas kaya hindi talaga ako makakaalis. Phoebe, tulungan mo ako!”
Tumili ako at nahiga sa aking kama at napatingin sa may kisame. Bahagya akong napakunot sa aking noo nang marinig ko na parang hinihingal si Phoebe sa kabilang linya. Galing ba sa pagtakbo ang babaeng ‘to? Imposible naman na nag jogging siya sa labas ng apartment nila kasi mag gagabi na rin ngayon.
“Hello, Phoebe, okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya sa kabilang linya.
“H-Huh? Ah, yes! S-Sorry, Alex, may ginawa lang kasi akong importante dito sa apartment… naglilinis ako. Ano nga ulit ang problema mo?” nauutal niyang sabi.
Mukhang may ibang ginagawa ang best friend ko ngayon at mukhang naistorbo ko pa talaga siya sa kanyang kaligayahan.
“Nothing, Phoebe. Sorry kung naistorbo kita—but it’s fine. I can handle myself. Na Bwisit lang talaga ako ngayon kay Alonzo kaya napatawag ako sayo,” sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim niyang pag buntong-hininga.
“Gawin mo na lang iyong pinaplano mo noon na akitin siya. Pagkakataon mo na ngayon, Alex, nandiyan siya sa loob ng unit mo at kayo lang dalawa. Sigurado ako na hindi ka na niya mahihindian,” rinig kong sabi ni Phoebe sa kabilang linya.
Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga sa aking kama at ngumiti ako. Sumang-ayon ako sa sinabi ni Phoebe at may naisip kaagad ako na kalokohan.
“Oh my Gosh! You’re so brilliant, Phoebe. Thank you and I love you! Ituloy mo na ‘yang kaligayahan mo ngayon kung sino man ‘yang kasama mo. bye!”
“H-Huh? Anong kaligayahan ang pinagsasabi mo—”
Mabilis kong pinatay ang tawagan naming dalawa ni Phoebe at nagmamadali akong pumunta sa walk in closet ko at naghahanap ako ng aking bagong susuotin. Ngayon ay aakitin ko na naman si Alonzo. Tama ang sinabi ni Phoebe, naghahanap ako ng gagawin ngayon at bored ako… bakit hindi ko na lang akitin si Alonzo?
Napangisi ako at tumawa ng malakas, hindi niya naman ako maririnig.
Dahil nasa loob lang ako ngayon ng aking unit, ang sinuot ko lang ay isang maiksing sando na hapit na hapit ang aking katawan at isang maikli rin na short. Tinali ko ang aking buhok upang mas makita ang aking leeg.
Naglagay ako ng light makeup sa aking mukha at liptint lang ang nilagay ko sa aking labi upang mag mukha akong mabait ngayon.
Tinignan ko muna ang kabuohan ko sa salamin at nang magustuhan ko ang resulta ay napagpasyahan ko nang lumabas ngayon sa aking kwarto. Agad kong hinanap sa aking paningin si Alonzo at agad ko siyang nakita sa may living room habang may ginagawa sa kanyang laptop. Nakasuot pa rin siya sa kanyang eyeglasses at may suot din siya na earphone ngayon.
Umirap ako at naglakad palapit sa kanya.
“Gusto kong uminom,” sabi ko nang makalapit ako sa kanya.
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at nag angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko na para siyang nagulat nang tingnan ako kaya hindi ko maiwasan na mapangisi.
“Hmm, nasexyhan ka sa suot ko, ‘no?” mapang-akit kong tanong sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
Bilang lumamig ang ekspresyon sa kanyang mukha at umiwas siya ng tingin sa akin.
“Tigilan mo ako, Miss Brat,” malamig niyang sabi.
Muli namang umatake ang inis ko sa kanya ngayon.
“Bakit ba hindi ka naaakit sa akin?! Umamin ka nga, bakla ka ba?! Parang wala akong epekto sayo kahit na maghubad pa ako sa harapan mo, ah?!” inis kong sabi kay Alonzo.
Muli siyang napatingin sa akin at inalis niya ang suot niyang eyeglasses at nilapag niya ito sa may lamesa. Napalunok ako sa aking laway nang tumayo na si Alonzo at hinarap ako.
“I’m not gay,” seryoso niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng aking kilay at inasar siya.
“Talaga? Weh? Hindi ako naniniwala dahil kabaliktaran ito sa pinapakita mo sa akin ngayon!” sabi ko sa kanya.
Humakbang siya palapit sa akin at napatili ako nang bigla niya akong hapitin sa aking bewang at dinikit ako sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib at napatingin sa kanyang mukha.
Seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon at para akong kinakapusan ng hangin dahil sa lapit ng aming mga mukha.
“Bakit mo ba ako inaakin, Miss Brat? Hmm, may gusto ka ba sa akin?” paos niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata.
Ang lakas ng t***k ng aking puso sa sobrang kaba.
Napalunok ako sa aking laway at sinubukan kong sumagot sa kanyang tanong.
“I-I just want to flirt with you,” mahina kong sabi.
Ngumisi siya at hinaplos ang aking pisngi kaya bahagya akong napatalon sa gulat.
“I’m not into flirting, Miss Brat, but for you… hmm, maybe I’ll try,” bulong niya sa akin at hinalikan niya ang gilid ng aking labi bago muling tumingin sa aking mga mata at ngumisi.
Nanghihina na ako ngayon at namumungay na rin ang aking mga mata. Napatingin ako sa labi ngayon ni Alonzo at hindi ko na nakayanan ang aking sarili…. Hinalikan ko na siya.
I kissed him on his lips, and he kissed me back!
TO BE CONTINUED...