"Farrah?" Tawag mula sa labas kasabay ng dalawang katok sa pinto ng aking kwarto. "Farrah? Gising ka ba?" Bumalikwas ako ng bangon sa aking kama nang maulinigan ko na boses ito ni Nanay. Binitiwan ko ang hawak kong notebook na aking binabasa at mabilis na tinungo ang pinto at binuksan ito. "Bakit po, Nay? May kailangan po ba kayo?" tanong ko pagkabukas agad ng pinto. "May ginagawa ka ba? Hindi ka na lumabas pagkagaling mo sa pamimitas ng bulaklak," wika ni Nanay habang sinisilip ang loob ng aking kwarto. Niluwagan ko naman ito at inaya siya na pumasok sa loob. "Pasok po kayo." Hindi na talaga ko lumabas ng aking kwarto pagkatapos ng inaidente na aking na-encounter kanina. Dahil baka makasalubong ko sa daan si Senyorito Devin at ang mga kaibigan niya ay baka matunaw ako sa hiya. Hi