Kabanata 21: Papakipot ng konti (Devin's POV)

1604 Words

"Pare, bumalik ang iniirog mo. Pormahan mo na ulit. Galingan mo huwag mo ng takutin." Pagbabalita ni Blue sa akin na may kasama pang panunukso sa kanyang tono. Lumingon sa amin sina Erwin at Storm na kahilera namin ng upuan na nagulat yata sa bigla niyang pagsasalita. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi niya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtitipa sa aking laptop kaysa makinig sa mga panunudyo niya. Nang takbuhan ako at iwan ni Farrah kanina ay grabe ang panunukso sa akin ng mga ito ng bumalik ako sa loob. "Takot na takot sa iyo 'yong bata, pare. Hindi mo man lang kasi dahan-dahanin sa mga salita mo hayan tuloy, tinakbuhan ka," kantiyaw ni Blue sa akin na siyang nanguna sa pang-aasar. Sinegundahan naman ito ni Zeke na lumapit pa sa akin at umakting na siya si Farrah sabay takbo kunwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD