bc

My Possessive Master Is My Stalker (SPG)

book_age18+
53.6K
FOLLOW
265.6K
READ
billionaire
possessive
age gap
pregnant
dominant
sweet
humorous
lighthearted
coming of age
secrets
like
intro-logo
Blurb

Stalker niya ako noon pa. Fifteen years old pa lang siya gusto ko na siya. Lumayo ako para hintayin siyang mahinog, ngunit hindi na ako nakatiis na makatapos ng pag-aaral para muli siyang balikan at anihin ang kanyang kasirawaan.

Pagbalik ko, hindi pa pala siya pwedeng anihin. Bubot pa rin siya at hindi ko alam ang aking gagawing pagkontrol sa aking sarili lalo na at natikman ko na ang kanyang mga labi.

Ano'ng gagawin ko? Pipitasin ko na ba o hihintayin ko munang mahinog?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: May I know your name.
"Nay, sigurado po ba kayo na darating ngayong gabi ang anak nina Senyor Dennis at Senyora Venice?" tanong ko sa nanay ko na abala sa pagbabad ng karne sa tinimplahan niyang toyo na may kalamnsi, bawang, paminta at iba pang pampalasa. Ako naman ay abala sa paghihiwa ng mga rekado na kailangan ni Nanay sa mga lulutuin niyang iba pang putahe mamaya na request daw ng anak ng amo namin. Mahilig daw sa Filipino food si Senyorito Devin sabi ni Nanay kahit naroon ito sa ibang bansa dahil doon ito kumuha ng masterals, Filipino food pa rin ang hinahanap niya kapag uuwi ito ng bansa. Iyon daw kasi ang gusto ng ama niya, ang kumuha ng masterals sa Business Administration sa Madrid. Nag-iisa kasi siyang tagapagmana sa halos lahat ng ari-arian ng mag-asawa kaya naman gusto nilang sa magandang paaralan ito kumuha ng titulo. Ayon pa sa kwento pa ni Nanay, sabik laging umuwi ng Pilipinas ang anak daw ng amo namin dahil sa mga luto ni Nanay na gustong-gusto nito. Iba raw kasi ang pagkaing Pinoy kaysa sa mga pagkain sa ibang bansa. Totoo ito dahil ang luto ng mga Pinoy ay may halong pagmamahal. "Oo, anak. Susunduin siya ng mag-asawa sa airport mamayang alas-kwatro at malamang narito na sila bago mag-alas-nuebe ng gabi." "Ay, ang late naman po pala, Nanay. Mauna na po akong matutulog sa inyo kung gano'n." Maaga pa kasi ang pasok ko ng school bukas lalo na at may proyekto kaming tatapusin sa isang subject. Gusto ko pa naman makita kung ano'ng itsura ni Senyorito Devin sa personal. Wala kasi itong latest picture rito sa mansion kaya hindi ko alam kung ano ang itsura niya sa personal. 'Di bale, marami pa namang araw na pwede kong masilayan ang itsura niya. Siguro gwapo siya, ang cute kasi ng mga picture niya noong teenager siya. Dito na rin kasi sa Pilipinas titira ang anak ng mga amo namin dahil tapos na ito sa pag-kuha nito ng masterals sa Madrid. Ayon sa narinig ko pang usapan ng ibang katulong dito nang nakaraan ay siya na raw kasi ang papalit na mamahala sa mga negosyo ng matatanda. Though may sarili naman itong business na pinapatakbo rin noon pa man kasama ang kanyang mga kaibigan. Sana naman mabait ang anak ng amo namin. Wala kasing nakakaalam ng tunay na ugali nito dahil hindi ito mahilig makihalubilo sa mga tao. Lalo na siguro sa amin na mababang uri lang ng tao sa lipunan, kasambahay lang at umaasa sa kanilang pasahod. Kapag umuuwi ito, lagi lang daw itong nakakulong sa kwarto niya o kaya naman ay dinadalaw nito ang mga mayayaman din niyang kaibigan. Mabuti na rin siguro ang ganito lalo na at hindi naman namin alam kung paano makisalamuha ang amo namin sa amin. Kung mabait ba ito o salbahe, kung matapobre ba o marunong makisama sa katulad naming dukha. "Ayos lang, Farrah. Kasama ko naman sina Josie at Angge mamaya kaya mas maganda na mauna ka ng matulog dahil may klase ka pa bukas." "Sige po, Nay. Bawi na lang po ako sa pagtulong sa mga gawain dito sa kusina pag-uwi ko po ng hapon sa eskwelahan." "Naku! Huwag na, anak!" Umiling pa si Nanay sa sinabi ko. Hindi naman talaga ako dapat nagtatrabaho rito sa kusina dahil ang gusto ng mag-asawa ay mag-concentrate ako sa pag-aaral ko. Scholar kasi ako ng mag-asawa dahil ganti nila ito sa pagiging masipag at matapat ni Nanay sa kanilang pamilya. Si Nanay lang kasi ang tumagal sa kanila na kasambahay na talaga nga namang masipag at matapat. "Mas importante na unahin mo muna iyang mga aralin mo para hindi sayang ang pagpapaaral sa iyo nina Senyor at Senyora." "Alam ko naman po 'yon, Nay. Hindi naman masasayang ang pagpapaaral nila sa akin dahil nag-aaral po ako ng mabuti. Tsaka, hindi naman po mabigat itong mga trabahong ginagawa ko. Kayang -kaya ko po at gusto ko na tumulong sa inyo." "Ikaw talagang bata ka! Bahala ka na nga, basta siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahiya sa mag-asawa." "Aba, oo naman po! Matalino 'tong anak ninyo, Nanay kaya huwag na kayong mag-alala na mapapabayaan ko ang aking pag-aaral." "May tiwala naman ako sa kakayahan mo, anak. Mana ka sa ama mo kaya alam kong sisiw lang sa iyo ang ipasa at makakuha ng mataas na marka sa iyong mga aralin. Sayang lang…hindi niya ginamit sa tama ang kanyang katalinuhan. Nasilaw siya ng pera at mas pinili niyang sumama sa kanyang kerida…." naluluhang ani ni Nanay. Tumigil pa siya sa kanyang ginagawa at saglit na pinunasan ang kanyang mga luha. Nabaghan naman ang aking damdamin. Ito ang iniiwasan kong hangga't maaari. Nagiging emosyonal kasi si Nanay kapag nabanggit niya ang tungkol sa walanghiya kong ama. "Tumahan na po kayo, Nanay. Makaka-move-on din tayo sa kanya." Maganda sana ang buhay namin ngayon kung hindi nagloko ang ama ko na nagpunta ng Saudi para mag-abroad. Sabagay, kahit gaano ka pa kaloyal sa taong mahal mo kung tukso ang lumapit, hindi ka rin makakaiwas lalo na at kapit sa patalim din si Tatay doon para umangat ang kanyang posisyon. Mabuti na lang at nakapasok si Nanay sa mansion ng mga Valentin at nagtagal siya rito. Kaya naman nabigyan ako ng scholar para makapasok ng kolehiyo. Swerte pa rin kaming maituturing sa buhay namin ngayon. Dahil bukod sa tatlong beses kaming kumain, libre rin ang pagtira namin dito sa mansion ng mga Valentin kaya wala kaming masyadong pinoproblema sa gastusin. Baon ko lang sa school at pam-project ang gastusin ni Nanay. Ang sobra sa sweldo niya ay nilalagak niya sa banko para makaipon ng pambili namin ng lupa balang-araw. "Pasensiya ka na, anak. Alam mo namang hanggang ngayon ay mahal ko pa rin ang Tatay mo," nahihiyang ani ni Nanay na medyo kumalma na. Ako naman ay lihim na naghihimutok na sana makalimutan na niya ito dahil hindi ito dapat pag-aksayahan ng luha at panahon. Maaga akong naglakad patungo sa eskwelahan namin ngayong umaga ito. Alas-siyete 'y media ang pasok ko sa unang subject ko kaya dapat hindi ako ma-late. Kahit walking distance lang ang eskwelahan dito sa mansion ng mga Valentin, ayaw ko pa ring ma-late sa pagpasok dahil masungit at mahigpit ang teacher namin sa Filipino na Ms. Fonacier. "Magandang umaga po, Manong." Bati ko sa guard na magiliw na nagbubukas ng gate para sa akin. "Mas maganda ka pa sa umaga, Farrah." Bating pabalik naman ng guard na madalas ang biruin ako ng ganito. "Kayo talaga, Manong, napakabolero ninyo talaga," ani ko sa boses na nahihiya. "Nagsasabi lang ako ng totoo, Farrah. Hindi ka mananalong muse rito sa San Ildefonso College kung hindi ka maganda," anang Mamang Guard na nakangiti sa akin. Sanay na ako na pinupuri sa aking ganda at talino ngunit hindi ko 'to pinagmamalaki. Hindi naman ako katulad ng iba na kapag pinuri ay lumalaki ang ulo. "Oo na po. Sige na po, mauuna na po ako at baka mahuli ako sa aking klase." "Mabuti pa nga, hija. Huwag ka muna magpapaligaw, magtapos ka muna ng pag-aaral mo dahil iyan lang ang pwedeng ipamana sa iyo ni Ferlyn." "Opo, lagi ko po 'yang nilalagay sa isip ko." Ex-boyfriend ni Nanay si Manong Guard. Hindi ko alam ang kwento nila at hindi ko na rin inalam dahil hindi naman ito importante. Past is past 'ika nga nila. Mabilis na lumipas ang oras maghapon. As usual nakinig akong mabuti sa aming teacher na nagtuturo ng aralin sa harapan. Nagsusulat din ako sa notebook ko para may mare-review ako pagdating ng exam. Ayaw kong pakampante tulad ng iba na porke matalino ay hindi na kailangan magsulat sa notebook. Naninigurado lang din ako na makakakuha ako ng perfect score sa exam kaya matiyaga talaga akong nagsusulat. Binuksan ko ang payong nang makita kong mataas pa ang sikat ng araw. Mainit pa sa balat ang tama ng sikat ng araw at baka maging ulikba na ako pag-uwi ng mansion ng mga Valentin. Excited ako na naglakad pauwi. Ilang metro lang naman ang lalakarin ko at alam kong makakarating agad ako ng mansion. Dadaan muna ako sa kwadra ng mga kabayo at pakakainin sina Pony, Brown, at Dwight. Routine ko na 'to tuwing hapon, wala lang, tumutulong lang ako kay Mang Eddie sa pagpapakain ng mga kabayong ito dahil nawiwili ako na pakainin ang mga ito. Ang babait din kasi ng tatlong kabayo at tila may sarili silang isip kung maglambing sa akin. Kapag kasi nakita na nila ako ay kaagad silang mag-iingay na tila kinukumusta ang aking pagdating. Gaya ngayon, papalapit pa lang ako sa kanila ay nag-iingay na sila. "Oh, mga babies, kalma lang. Narito na ang inyong Ate Farrah," ani ko na tinawanan lang ni Mang Eddie. Nagpapakain na kasi ito ng ibang kabayo at hinuhuli talaga ang tatlo para ako ang magbigay ng pagkain sa mga ito. Abala na ako sa pagpapakain ng mga kabayo nang biglang may mga kamay na humawak sa lalagyan ng pagkain na hawak ko. Takang nilingon ko ang may-ari ng mga kamay at halos malaglag ang mga panga ko nang makita ang isang gwapong nilalang na maihahanay ko sa mga Diyos ng Olympus. "Sino ba 'tong lalaking 'to? Bakit bigla na lang sumusulpot at nang-aagaw ng ipapakain sa mga kabayo?" "A-Ah…Mister…pwede pong pakibitiwan mo ang kamay ko?" sabi ko habang nakatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng kamay ko. "Oh, I'm sorry, I'm just helping you out and avoiding you to spill the horses food," anito sa salitang English na hindi ko naintindihan. May sinabi pa ito na hindi ko ulit naintindihan Nakakatanga ang pag-e-English niya. Pa-slang ang pagsasalita niya kaya medyo hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. "Ahmn…ano po? Hindi ko po kayo maintindihan." Tumawa ang lalaki at kinuha na nang tuluyan ang pagkain ng mga kabayong hawak ko. Ako naman ay nahihiyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko talaga naintindihan ang sinabi niya dahil bukod sa ang bilis niyang magsalita English din kasi at pa-slang pa. Magsasalita na sana ang lalaki nang biglang sumulpot si Kuya Elmer. "Senyorito Devin, naroon na po sa garden ang mga kaibigan ninyo," ani niya sa lalaki habang nagpupunas ng pawis. Kaagad kong nilingon ang tinawag niyang Senyorito Devin at halos matumba ako sa aking kinatatayuan nang ma-realize ko kung sino ang kausap niya. "Ang tanga mo, Farrah! Nag-English na nga hindi mo pa nahalata na siya ng anak ng mga amo mo!" Malay ko naman kasi kung isa itong lalaking ito sa mga pamangkin nina Senyor at Senyora na madalas bumisita rito sa kanilang mansion. "Susunod na ako, Elmer. Pakisabi may ginagawa lang ako saglit," narinig kong sumagot si Senyorito Devin. Marunong naman pa lang magtagalog bakit pinahirapan pa akong intindihin ang English niya? Nakakahiya! Nagpasyang akong umalis ng walang paalam. Nahihiya talaga ako sa naging reaksyon ko. Feeling ko naging bobo ako sa harapan ng amo naming lalaki. Handa na sana akong umalis ng kwadra at tutungo na lang sa quarters namin ni Nanay nang maramdaman ko ang palad na humawak sa braso ko at pinigilan ko. Takang nilingon ko si Senyorito Devin na hawak ang braso ko. "S-Senyorito...m-may...kailangan po ba kayo?" nauutal na tanong ko habang nakatingin ako sa matiim niyang mga mata na nakatitig sa akin. "Yes..." "A-Ano po 'yon?" "May I know your name, young lady?" "Ahmn...Farrah po."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook