Patungo ako sa bukid para tingnan ang mga nag-aani ng mga gulay at prutas ng araw na 'to. Utos din kasi ito ni Daddy para ma-monitor kung naani ba ng maayos ang mga prutas at gulay lalo na at iaangkat pa ito sa Maynila. Medyo malayo ito sa mansion dahil napakalawak ng hacienda na pag-aari ng pamilya ko bago makarating doon. Sa bandang dulo pa ito ng pag-aari naming lupa at hindi na ako makapaghintay na makarating doon. Wala akong pasok sa opisina ngayon dahil Sabado. Kaya naman malaya kong gawin ang gusto ko ngayong araw pagkatapos kong magtungo sa bukid. Isa na rito ang makita si Farrah at sana magkaroon ng pagkakataon na makausap ko siya ng matagal. Plano ko na ayain siya mamaya sa isang parte ng hacienda na madalas kong tambayan noong bata pa ako at doon ay uubusin namin ang oras. Ma