"Paasa ka! Akala ko pa naman ako ang na-miss mo," nanghahaba ang ngusong sabi ko. Masaya na sana eh, pero binawi pa niya. "N-na-miss naman po kita, Senyorito. N-nahihiya lang po akong aminin dahil wala naman po akong karapatan para ma-miss ka," wika niya na nauutal. Namumula rin ang kanyang mukha at malikot ang mata tapos hindi siya makapag-focus ng titig sa akin. Bakit naman kaya? Dahil ba sa katayuan na naman ba namin sa buhay ang iniisip niya? Tss! Wala akong pakialam sa issue na 'yan, hindi ito big deal sa akin dahil sinabi ko naman sa kanya na hindi hadlang sa akin ang katayuan nila sa buhay para magustuhan ko siya. "f**k! Talaga?" Hindi ko napigilan ang bunganga ko na mapamura. Napangiwi naman siya at bahagyang lumayo sa akin. Damn! Ang saya-saya ko talaga! Akala ko ako lang ang