Hindi ako mapakali habang naghihintay ako rito sa loob ng kwarto ko. Kanina pa ako palakad-lakad habang hinihintay ang kanyang pagdating. Tumingin ako sa aking orasan at nakita kong treinta minutos na ang nakakalipas nang ipatawag ko siya kay Mang Eddie. Bakit until now wala pa siya? My heart throbs fast when I think about her beautiful face. God! I missed her so much! Ilang araw kong tiniis na hindi siya lapitan. Ilang araw kong tiniis na hindi siya kausapin. Sinunod ko ang payo nina Vince at Justin pero hindi pa lumilipas ang one week ay para na akong mamatay na hindi siya makita at makausap. I tried to divert my attention. Nagpaka-busy ako para lang magawa ko iyong challenge na sinasabi nina Vince at Justin. "Two weeks is enough for her to realize your worth, Devin. Just try to avo