Kabanata 22: Snob na siya.

1660 Words

"Nay, tapos ko na po ang pinapagawa ninyo. Pwede na po ba akong bumalik ng kwarto ko?" Inilapag ko ang tray na hawak ko sa taas ng lababo at hinang-hina na umupo. Bumalik ako rito na nagtataka. Hindi ko alam kung bakit ako nakadama ng kahungkagan imbes na magsaya ako dahil hindi ako nilapitan ni Senyorito Devin. Bakit hindi niya ako sinalubong? Hindi ba niya ako nakita sa labas habang papalapit sa opisina niya? Nakakapagtaka na hindi siya ang sumalubong sa akin para pagbuksan ako ng pinto. Ano 'yon? Hindi niya ako nakita? Si Sir Blue ang nagbukas ng pinto habang maluwang ang ngiti niya sa akin. Hindi man lang siya lumingon lalo na nang humakbang na ako papasok para ipasok ang kanilang iinumin. Wala rin akong narinig na kung anong panunudyo o salita sa iba pang kaibigan ni Senyorito D

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD