Hawak ko ang labi ko habang mabilis na tinatahak ang daan papunta sa gate. Hindi ko alam na ito pala ang mapapala ko ngayong umaga. Nakakainis si Senyorito Devin! Akala ko pa naman lasing lang siya kagabi kaya nagawa niya akong halikan ng ganoon ngunit mali ako sa akala ko dahil hindi naman pala. Mukhang nabitin yata siya kagabi at mukhang inabangan pa niya ako ngayon para lang muling makaisa!
Nakakainis siya! Magnanakaw ng halik ang hudas! Akala niya nakakatuwa ang ginagawa niya? Akala niya nagugustuhan ko ito? Pwes! Hindi ko iyon nagustuhan kahit pa nag-enjoy ako sa pangalawang halik na pinaranas niya sa akin! Hindi ko nagustuhan ang ginagawa niya dahil pakiramdam ko talaga may binabalak siyang masama sa akin!
Akala niya porke't gwapo siya bibigay ako sa mga gusto niyang gawin sa akin? Pwes! Hindi! Kahit gaano pa siya kagwapo at katikas kung isa naman siyang manyakis at katawan ko lang ang puntirya niya, nagkakamali siya ng nilapitan dahil hindi ako katulad ng iba na makakita lang ng opportunity na maakit ang amo ay agad ng bibigay sa gusto nito para magustuhan lang sila.
Hindi ako katulad ng ibang katulong na pinangarap makatuluyan ang amo nila. Hindi ako si Cindirella para main-love sa akin si Senyorito Devin dahil sa panahon ngayon, marami ng manloloko. Marami ng naloko sa matatamis na salita at isa na roon ang ama kong magaling!
Kaya kung iniisip man ni Senyorito Devin na bibigay ako sa mga pang-aakit niya, mali siya ng iniisip dahil hindi ako papagoyo sa kanya. Malupit silang mga lalaki, makuha lang nila ang gusto nila ay saka ka na isasantabi!
Kung mai-in love man ako balang-araw, gusto ko sa lalaking kaya akong panindigan at hindi lang puro kalibugan ang hanap ng katawan sa akin. Gusto kong malinis niya akong madadala sa harap ng altar dahil iilan na lang ang babaeng walang bahid-dungis na humaharap sa altar bago ikasal.
Mabuti na lang at hindi ako naging lutang maghapon dahil sa halik na pinaranas sa akin ni Senyorito Devin. Nagawa ko 'tong iwaglit sa isipan ko kahit pilit itong nagsusumiksik sa isipan ko.
Nagawa kong sagutan ng mahusay ang lahat ng quizzes ko ngayong araw at nagpapasalamat ako na puro perpekto ang lahat ng score ko sa lahat ng asignatura. Walang maipipintas sa akin si Senyorito Devin kapag naipakita ko na sa mag-asawang Valentin ang card ko pagkatapos ng first quarter exam. Alam kong maging siya ay makikiusyuso rito kaya kailangan i-maintain ko talaga ang line of nine na marka.
Binuksan ko ang payong ko nang makalabas na ako sa huling subject ko nang hapong ito. Napakainit lang talaga ng panahon kahit palubog na ang sikat ng araw. Didiretso na muna ako sa kwadra para pakainin ang tatlong paborito kong kabayo. Hindi naman na siguro magagawi si Senyorito Devin doon. Sana nga dahil baka na-miss ako ng mga paborito kong alaga.
Naglakad ako nang medyo may liksi. Siksikan na kasi mamaya ang paglabas ng mga estudyante sa gate dahil sabay-sabay ang dismiss ng klase. Ayaw ko naman na mangyari ito dahil noong nakaraan, swerte na isang estudyante na may putok sa kili-kili ang swerteng nakatabi ko na halos mahimatay ako sa sobrang lakas ng putok nito.
"Ara!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kaagad na kumunot ang noo ko nang makita ko sina Wena, Arlene, at Berna na patungo sa akin.
"Oh? Maaga rin kayong na-dismiss?" Mga kaklase ko sila noong grade six. Pero dahil angat ang talino ko sa kanila napunta ako sa star section at hanggang ngayon star section pa rin ako.
"Maaga rin, Ara." Sagot ni Wena na kinikilatis ang suot kong damit. ''Wala ka bang kaibigan sa klase niyo at palagi kang mag-isa na umuuwi?" puna niya. Nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin pa rin sa suot ko.
Napatingin din ako sa suot kong damit. Hindi naman ito masagwa at hindi bongga. Simpleng white crop top lang ito na tinernuhan ko ng usong pantalon na binili pa namin ni Nanay sa ukay-ukay nang nakaraan. Doon lang kasi ang afford namin at saka hindi naman ako maarte sa susuotin. Basta bagay ko at maayos pa, sige lang basta presentable at hindi pa gaanong luma.
"Mayroon naman, pero hindi ako masyadong nakikipaglapit dahil alam niyo naman sa panahon ngayon, mahirap magtiwala kahit kanino. Kahit gaano pa kalapit sa iyo iyong tao darating ang panahon na tatraydurin ka rin. Iwas lang ako sa mga ganitong tao kaya mas mabuti ng mag-isa."
May mga kaibigan naman ako sa klase namin. Hanggang sa loob lang ng silid-aralan ang relasyon na 'yon dahil ayaw kong ma-attach masyado sa isang tao dahil ako iyong klase ng tao na clingy. Masasaktan ako ng sobra kapag nagkaroon kami ng 'di pagkakaunawaan ng taong sobra kong close.
"Sabagay tama ka riyan, Ara. Pero alam mo, mas maganda kahit isa o dalawang kaibigan dapat mayroon ka. Iyong close mo talaga kahit nasa labas ka ng classroom ninyo," suhestiyon naman ni Berna.
Siya itong friendly talaga kahit kanino. Naging close ko siya noong elementary at nasa iisang circle of friends din kami.
"Wala eh, tsaka ayos na ako sa ganito."
"Sabagay, kanya-kanya naman talaga tayo ng trip sa buhay. May mga taong hindi mabubuhay na walang kaibigan. May mga katulad mo naman na kayang mabuhay kahit walang kaibigan." Si Wena ulit ang nagsalita, si Arlene ay tahimk lang at nakikinig lang usapan namin ng mga kasama niya.
"Mayroon naman, hindi lang kasing close ng sa inyo."
"Okay, sige ingat ka sa pag-uwi, Ara. Mauna na kami sa iyo dahil nasa labas na ang mga sundo namin." Si Wena ulit habang nakatingin sa kanyang suot na relo. Narito na kami sa labas ng school na hindi namin namalayan dahil sa aming pag-uusap
"Mag-iingat kayo," ani ko naman sabay ngiti.
"Ikaw rin, Ara. Bye!"
"Bye!" Kumaway silang tatlo sa akin at ganoon din naman ako. Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad at tinahak ang daan papunta sa mansion ng mga Valentin. Ngunit hindi pa ako bahagyang nakakalayo sa eskwelahan nang magulat ako sa isang magarang sasakyan na tumigil sa aking harapan.
Napatitig ako rito at takot na napaatras nang sumagi sa isipan ko ang mga bali-balita sa isang socila media na nabasa ko nang minsan. Maraming nawawalang kabataang babae ang nababalita at hindi matagpuan ang mga ito. Ang dumudukot daw sa mga ito ay kung hindi itim na van, puti naman ang kadalasan.
"Pero hindi naman ito van, kotse 'to na magara na mukhang milyon ang halaga…" ani ko sa aking sarili.
Naisip ko na baka pumarada lang talaga sa tapat ko ang sasakyan at wala itong plano na kung ano pa man sa akin.
Iniwasan ko ang sasakyan. Lalampasan ko na sana ito nang mapapitlag ako sa lakas ng busina nito.
Gulat na napalayo ako rito habang nagtataka kung ano ang problema ng driver. Saka lang naging malinaw sa akin ang lahat nang bumukas ang binata nito at makita ko ang mariin na titig ni Senyorito Devin sa akin.
"Come on, Farrah. I'll take you home," aniya sa maotoridad na tono.
Umingos naman ako at hindi siya pinansin. Kapal ng mukha ng lalaking 'to. Baka nakakalimutan niya na may kasalanan siya sa akin. Hindi ko pa nakakalimutan ang panghahalik niya sa akin ng walang paalam.
Naglakad ako palayo sa sasakyan. Narinig ko naman siyang napamura at kaagad na pinaandar ang sasakyan. Ako naman ay nagmamadaling lumayo habang habol ang aking hininga. Tumatakbo na kasi ako para hindi niya ako abutan, sa malas naman aabutan pa rin niya ako dahil nakasakay siya sa sasakyan.
"Ay kabayong bundat!" gulat na bulalas ko nang muntik na akong mapatalon sa gulat nang tumigil mismo sa harapan ko ang kotse ni Senyorito Devin. Hinarangan niya ang daanan ko kaya hindi ako makalampas.
Ano ba'ng problema ng isang 'to? Ayaw ko ngang sumabay! Naiinis ako sa kapangahasan niya!
"Pumasok ka na, Farrah!" inis na sabi niya nang ibaba niya ang bintana ng kanyang kotse. Salubong na ang kanyang mga kilay at mukhang hindi niya nagustuhan ang aking inasal.
"H-hindi na po, Senyorito. Malapit na po tayo sa mansion at ayos lang po sa akin ang maglakad."
Natatanaw ko na ang gate ng mansion. Nakakahiya rin na sumakay sa magara niyang sasakyan lalo na at puno na ng alikabok ang suot kong sapatos.
"Pasok ka na. That's an order!" Galit niyang sabi.
Palihim na umikot ang mga mata ko sa aking narinig. Heto na naman siya, gagamitan na naman niya ako ng otoridad. Hindi ako makakatanggi dahil ayaw ko naman na lumabas na bastos. Pero naging bastos na ako kanina kaya alam kong bad shot na rin ako kanina sa kanya. Nakakahiya kapag umabot ito sa matatandang Valentin kaya wala akong nagawa sa huli kundi sumunod sa utos.
"O-opo, papasok na po," sumusuko ng sabi ko.
Nakita ko siyang ngumisi ng nakakaasar. Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong talo na ako sa pakikipagmatigasan. Amo namin siya at wala akong magagawa talaga kundi sunduin ang mga nais niya.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse. Walang gana na tahimik akong pumasok na hindi siya nililingon. Maiinis lang ako kapag lumingon ako sa kanya kaya hindi na ako nag-abala.
Hinila ko pasara ang pinto at kampante ng umupo sa tabi niya. Hinintay ko na paandarin niya ang sasakyan ngunit nakalipas na ang limang minuto ay hindi pa rin niya ito pinapaandar. Lilingunin ko na sana siya nang magulat na lang ako nang lumapit siya sa akin. Kaagad na lumayo naman ako habang yakap ang aking katawan.
"S-Senyorito…a-ano na naman po ito?" kinakabahan na tanong ko.
Ano na naman ba'ng binabalak niya sa akin? Sabi ko na nga ba, hindi tamang sumakay ako sa kanyang sasakyan.
"Ilalagay ko lang ang seatbelt mo. Safety first, Farrah…huwag kung anong iniisip mo riyan."