Kabanata 6: Tayo na lang.

1448 Words
Pagkatapos ng engkwentro namin ni Senyorito Devin sa kotse niya noong araw na 'yon, iniwasan ko talaga na magkrus ang aming mga landas. Pahiya ako ng mga oras na iyon dahil akala ko talaga may binabalak siyang masama sa akin. Hinalikan kasi niya ako ng dalawang beses kaya akala ko naman uulit na naman siya. Wala tuloy akong mukhang maiharap sa kanya pagkatapos maganap iyon. Pakiramdam ko palihim na pinagtatawanan niya ako at baka iniisip niya na masyado akong ma-feeling at iniisip ko na may gusto siya sa akin. Kaya naman kapag nakikita ko siya ay kusa na akong umuurong para hindi kami magpang-abot. Effective naman ang ginagawa ko dahil halos isang linggo ng hindi nagkukrus ang mga landas namin. Mabuti na 'to dahil nagiging lutang talaga ang isip ko kapag nasa paligid ko siya. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil pakiramdam ko pinapasukan ng maraming hangin ang utak ko kaya sobra akong lutang. Akala ko maiiwasan ko na siya nang tuluyan ngunit ngayong araw ay hindi pala. "Farrah, pinapatawag ka raw ni Senyorito Devin," ani ni Mang Eddie sa akin nang pumasok siya rito sa kwadra. Natigil tuloy ako sa pagpapakain ng kabayo at maang na nilingon ang matanda. "Ho? Bakit daw po?" gulat na usisa ko. Hindi na ba siya makatiis na makalapit sa akin kaya siya na ang gumawa ng paraan para kusa akong lumapit sa kanya? Napakatalinong nilalang! Napapansin yata niya ang mga pag-iwas ko kaya siya na ang gumawa ng paraan. "Hoy, Farrah! Huwag kang ma-feeling! Remember, ikaw lang daw nag-iisip ng kung ano-ano!" Napasimangot ako sa aking naisip. Tila nag-e-echo pa rin sa isip ko ang pambabara sa akin ni Senyorito Devin nang isang araw. Malay ko ba na seatbelt lang pala aayusin niya. Akala ko pa naman nakakawin niya pati third kiss ko. Ayaw kong mag-isip ng ganito sa kanya pero kasi, nakakadalawa na siya sa akin. Malay ko ba at baka pinagnanasaan niya talaga ang aking katawan. "Hindi ko alam, binilin lang sa akin ni Elsa na kung makita kita rito sa kwadra ay sabihin ko na lang daw sa iyo," anang matanda. Inagaw niya sa akin ang pagkain ng kabayo at siya na ang nagpakain ng mga ito. ''Pumunta ka na, ayaw ni Senyorito Devin na pinaghihintay." Napalunok ako ng aking laway at binundol ng malakas na kaba ang dibdib ko sa sinabi ni Mang Eddie. Nagdadalawang-isip ako kaya ayaw ko pang umalis ng kwadra. Iniiwasan ko na magkrus ang landas namin ni Senyorito Devin, mukhang siya na gumawa ng paraan para makalapit siya sa akin. "Duh! Huwag kang feeling, Farrah! Malay mo naman iba ang sadya sa iyo at importante ito!" Bigla akong umayos sa naisip ko. Oo nga, bakit ba laging ganito ako mag-isip? The last time nga napahiya ako dahil kung ano'ng maduming pangitain ang ipinasok ko sa isip ko. "Saan ko po siya pupuntahan, Mang Eddie?" Naghugas ako ng mga kamay ko sa timba at tinuyo ito ng pamunas na nakasabit sa dingding ng kwadra. Nag-isip muna ang matanda ngunit hindi ito sigurado sa kanyang sinabi "Sa kwarto yata niya, Farrah. Hindi ako sigurado pero parang ito ang dinig ko kanina kay Elsa." Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking narinig. Mas lalo akong kinabahan. Sa kwarto niya ako pupunta? Naalala ko ang pagnanakaw niya ng first kiss ko roon. Sabi ko huwag niya akong hahalikan, pero ang sisti, hinalikan pa rin ako! Ayaw ko siyang puntahan doon. Baka mamaya may binabalak siyang masama sa akin at baka mapahamak ako dahil baka maging lutang na naman ako sa harapan niya. Kaya lang, baka importante ang sadya niya sa akin kaya pinapapunta ako roon. Hindi ko tuloy alam ang aking magiging desisyon. Pakiramdam ko nananadya siya o kung ano! Malakas ang pakiramdam ko na ganito eh, sabihin na nating nagpi-feeling ako pero kasi dalawang beses na niya akong nahalikan. Pakiramdam ko talaga pinagnanasaan niya ako! "Kilos na, Farrah. Magagalit iyon kapag natagalan ka pa sa kilos mo," untag ni Mang Eddie nang makitang 'di pa ako kumikilos. "Opo, pupunta na po. Sige po, maiwan ko po muna kayo rito." Laglag ang aking mga balikat na lumabas ng kwadra. Walang gana akong naglalakad habang iniisip ko kung ano ang dahilan kung bakit ako pinatawag ni Senyorito Devin. Nakarating ako sa tapat ng kwarto niya na sobra na ang lakas ng tahip ng aking dibdib. Ilang minuto ko pang tinitigan ang pinto bago ako nagpasya na kumatok. "Come in!" narinig kong sabi sa loob. Otomatikong bumukas ang pintuan at kaagad na tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Senyorito Devin. "Ba't ang tagal mo?" maldito niyang tanong habang matiim ang titig sa akin. Nakaupo siya sa kanyang kama at tanging sweat shorts lang ang kanyang suot. Hubad baro siya at mukhang kakaligo lang niya dahil tumutulo pa ang tubig sa katawan niya. Hindi ko tulog mapigilan na mapalunok nang sundan ng mga mata ko kung saan tumutulo ang tubig. Nang makita kong sa abs niya ay saka ako namumulang nag-iwas ng tingin. "N-nagpapakain po kasi ako ng kabayo," nauutal na sabi ko. Nakita ko kasi siyang ngumisi at tingin ko nahuli niya ang aking paninitig. "Is that so?" hindi kumbinsido na tanong niya. "O-opo…" "Liar…" Napatingin ako bigla sa kanya at maang na napanganga. Bakit naman ako magsisinungaling? "Ho? Bakit po?" nagtatakang tanong ko. Ito naman talaga ang ginagawa ko bago niya ako pinatawag para pumunta rito. "Ang sabihin mo gumagawa ka na naman ng paraan para makaiwas sa akin, Farrah." Mas lalo akong napamaang sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, napapansin niya ang mga pag-iwas ko. "H-hindi po…bakit ko naman po 'yon gagawin?" Pagmamaang-maangan ko pa rin. Hindi ako aamin kahit ito naman talaga ang totoo. Bahala siya! "Tell that to the marines, sweetheart. I know what I saw and you can't deny it. Papalapit pa lang ako sa iyo umuurong ka na, tapos sasabihin mo na hindi?" Hayun! Napansin nga talaga niya! "K-kayo po kasi, bigla-bigla na lang manghihila at manghahalik," katwiran ko naman. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako umiiwas. "Why? Am I not allowed to kiss you?" tudyo niya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa akin. Natulala naman ako sa katawan niya na lumantad sa akin. Ang ganda ng abs niya parang ang tigas, parang ang sarap haplusin. Ipinilig ko ang aking ulo. Nagsisimula na naman ako maging lutang! "Ang sarap ko naman humalik 'di ba, Farrah, sweetheart?" Tumigil siya sa harapan ko at kumindat sa akin. Pati ang paglapit niya ay hindi ko na namalayan! Hay! Bakit ba ako nagiging lutang kapag kaharap ko ang hudas na magnanakaw ng halik na 'to! Gusto ko siyang batukan sa sinabi niya. Sa tingin niya, masarap ba talaga siyang humalik? Sinikap kong maging kalmado bago ako magsalita. Hindi pwedeng mawala na naman ako sa sarili sa harap ng lalaking ito dahil baka samantalahin na naman niya ang pagkakataon para makaisa. "Senyorito, foul po 'yang ginagawa ninyo. Menor de edad po ako at wala tayo sa isang relasyon," ani ko sa malditang tono. Baka nakakalimutan niya na wala siya sa Madrid. Nasa Pilipinas siya at hindi mga liberated ang mga tao rito sa probinsiya ng La Union. Meron siguro iyong mga lumaki sa Maynila na walang pakialam kung makipagligawan at makipaghalikan sa kalsada. Huwag niya akong itulad sa mga babaeng natikman na niya at nadala sa kama. Hindi ako katulad nila na madaling masilo sa kanyang mga haplos at halik. "Hindi nga ba, Farrah? Nagustuhan mo ang halik niya 'di ba?" "Eh 'di tayo na lang kung ganoon. Wala ka namang boyfriend 'di ba? Wala rin akong girlfriend so mag-on na lang tayo para may karapatan akong halikan ka," nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung binibiro niya lang ako o hindi dahil hindi ko makita sa boses niya ang kaseryosohan ng kanyang sinabi "Huwag niyo po akong biruin ng ganyan Senyorito…hindi po nakakatuwa," ani ko naman na ayaw magpagoyo sa mga salita niya. "Why? Because you're just seventeen? Mag-e-eighteen ka na next month, ano pa bang prinoproblema mo?" Muntik na akong matumba sa gulat dahil sa sinabi niya. Stalker ko ba si Senyorito Devin? Bakit tila ang dami niyang alam sa akin? Tila lagi siyang nakabantay sa mga galaw ko? Masama 'to! May lihim nga siyang pagnanasa sa akin! "Hindi po, malayo po ang katayuan natin sa buhay at ayaw kong isipin ng iba na gold digger ako." "Do you think I care?" "Ha?" "You heard it right, sweetheart. Wala akong pakialam kaya pumayag ka na sa gusto ko. You will surely feel the heavens in my arms." Neknek niya! Mga istilo ng lalaking 'to, galawan ng isang babaero. Feel the heaven in his arms daw? Tse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD