Nangangalumata ako nang gumising ako kinabukasan. Antok na antok pa ako ngunit kailangan kong bumangon ng maaga dahil maglalakad pa ako patungo sa eskwelahan.
Nakita kong wala na sa kanyang higaan si Nanay, marahil naroon na siya sa mansion ng mga Valentin at nagluluto ng almusal.
Nagtimpla muna ako ng gatas at kumain ng crackers. Nag-i-stock talaga kami ni Nanay ng gatas at crackers dito in case na magutom. Ito na muna ang kakainin ko at babawi na lang ako sa vacant period ko at kakain ng heavy snacks.
Nang matapos ako sa pagkain ay saka ako nagpasyang maligo na para makapasok na ako. Dadaan muna ako sa mansion para makapagpaalam sa Nanay ko.
Wala ako sa aking sarili habang naglalakad ako patungo sa mansion. Ang alaala ng mga nangyari kagabi ay nasa utak ko pa. Hindi ko alam kung lasing lang ba talaga si Senyorito Devin kaya niya ako hinalikan kagabi o ano pero nakakainis siya!
Ninakaw niya ang unang halik ko! Para lang dapat 'to sa mapapangasawa ko pero hinalikan ako ng lalaking iyon!
"Why? Am I not allowed to have your first kiss?"
Napahawak ako sa aking pisngi nang maalala ko ang mga salitang ito. Kung nakasagot ba ako ng hindi pwede, hindi niya ako hahalikan? Pero kasi, nablanko ang isip ko dahil sobra akong nagiging lutang kapag nakatitig sa akin ang kanyang mga mata.
Napahawak ako sa aking labi habang ramdam ang pag-iinit ng aking pisngi. Pakiramdam ko ay nakadikit pa ang labi niya sa labi ko. Saglit lang naman ang halik na 'yon pero pakiramdam ko ang laki ng nawala sa akin. Sobrang nag-iinit ako sa hiya at hindi ko alam kung kaya ko ba siyang pakiharapan pagkatapos ng halik na 'yon.
Bakit ka mahihiya, Farrah? Siya ang humalik sa iyo, dapat siya ang mahiya!
Oo nga, pero mukhang hindi dahil malawak na nakangiti sa harapan ko ngayon ang lalaking nagnakaw ng aking unang halik.
Ang aga niya nagising ngayon, ah? Mukhang in good mood siya dahil ang lawak ng mga ngiti niya. Dahil ba ito sa pagkuha niya ng halik sa akin?
Pinilig ko ng bahagya ang ulo ko. Hindi naman siguro, sino ba ako para mag-isip ako ng ganito sa kanya? Lasing lang talaga siya at hindi niya alam ang kanyang ginagawa.
Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Hindi na big deal sa kanya ang makahalik ng babae kahit hindi naman niya ito girlfriend dahil alam kong liberated ang lugar na kanyang kinalakihan. Pero sa akin big deal ito dahil isa akong dalagang Filipina. Bawat first time ko ay gusto kong maging memorable.
Pangarap ko pa naman na maibigay ang first kiss ko sa lalaking magiging asawa ko. Pero nakakainis at nakuha ito ni Senyorito Devin dahil sa kanyang kalasingan!
Umatras ako at humakbang palayo habang masama ang tingin ko kay Senyorito Devin. Ayaw ko siyang makita, pero mukhang inaasar ako ng langit.
"Good morning, young lady," bati ni Senyorito Devin sa akin. Mukhang hindi niya napansin ang ginawa ko dahil malawak pa rin ang ngiti niya.
Ano ba ang nginingiti-ngiti niya? Bakit ba ang aga niyang gumising ngayon? Para ba makita ako? May gusto ba si Senyorito Devin sa akin? Kapal! Hindi ang katulad ko ang magugustuhan niya. Baka gumising lang talaga siya ng maaga ngayon dahil may lakad siya at hindi upang makita ako.
"G-good morning din po," bati ko. Humakbang ako sa ibang direksyon at plano ko na sanang iwan siya nang bigla niya akong higitin sa aking braso at hinila palapit sa kanyang katawan.
"S-Senyorito, a-ano pong ginagawa ninyo?" nauutal na tanong ko habang malakas ang tahip ng aking dibdib. Kagabi pa siya! Kung hindi ko siya naitulak paalis ng katawan ko, malamang lumalim na ang halik na 'yon at baka kung ano na ang nangyari sa akin! Mabuti na lang at pumasok sa isip ko si Nanay at ang madalas niyang sabihin sa akin na ingatan ko ang aking puri at iregalo ito sa aking mapapangasawa.
"B-Bitiwan niyo nga ako at baka makita tayo ng Nanay ko," takot na ani ko. Hindi lang si Nanay ang iniisip ko, maging ang mga tao rito sa bahay ay hindi pwedeng makita nila kaming ganito kalapit ni Senyorito Devin. Ayaw kong gumawa sila ng conclusion sa isip nila na may something sa amin ng amo naming lalaki.
Nakayakap kasi siya sa baywang ko habang ang mga palad ko ay nakadikit sa kanyang dibdib at pinipigilan ko na magkadikit ang aming katawan.
"You're avoiding me after what happened last night?"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hindi ko naman magawang kumawala sa hawak niya dahil mas lalong humigpit ang kapit niya sa may baywang ko.
Gusto kong sumagot ng yes! Bakit hindi ako iiwas? Ano'ng gusto niya, matuwa ako sa paghalik niya sa akin? Sinabi kong huwag niyang kunin ang halik ko ngunit makulit ang isang ito at hinalikan pa rin ako. Kung ibang babae siguro, oo. Pero hiindi ako katulad nila, kahit pa gaano siya kagwapo at katikas, hindi tama na magpahalik ako sa kanya lalo na at wala kaming relasyon.
"Come on, tell me. Iniiwasan mo ba ako, Farrah?
Tumingala ako sa kanya para tingnan siya. Wrong move naman ito dahil sa labi niya tumama ang mga mata ko.
Napalunok ako nang mapatingin ako sa labi niya. Biglang nag-flasback sa isip ko bigla ang lahat. Pero bigla kong ipinilig ang ulo ko para pawiin ito sa aming isip. Hindi ko na 'yon dapat iniisip dahil alam kong wala naman itong halaga sa kanya. Lasing siya at wala sa tamang katinuan. Pero bakit tinatanong niya ako ngayon ng ganito kung wala lang ito sa kanya?
"O-oo. Bakit hindi?" matapang ko pa rin siyang sinagot. Akala niya natutuwa ako sa ginawa niya? Hindi ako katulad ng ibang babae na nakasalamuha niya na mabilis bumigay dahil gwapo siya. Oo, gwapo siya, pero hindi ito dahilan para ibigay ko sa kanya ang first kiss ko. Hindi ito dahilan para gustuhin ko ang mga ginagawa niya.
"Don't you like my kiss, sweetheart?"
Sweetheart?
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Ano ba'ng gusto niyang mangyari? Bakit niya tinatanong sa akin 'to.
"S-Senyorito, bitiwan niyo na po ako. Mali-late na po ako sa school," sabi ko. Iniwasan ko ang tanong niya dahil ayaw kong sagutin ito.
Siraulo lang ang aamin na, oo. Bakit, kung isasagot ko na oo, ano'ng gagawin niya?
Hahalikan na naman niya ako? Ayaw ko na! Ayokong pati ang second kiss ko ay kunin niya.
"Answer my question first, sweetheart. Kapag sinagot mo, saka kita hahayaang umalis.
Napatanga ako sa kanya, ako pa talaga ang bibigyan niya ng option?
Ano ba ng isasagot ko?
Oo o hindi?
Hindi, hindi ko naman nagustuhan ang paghalik niya sa akin dahil mabilis lang naman 'yon. Pero kung pinatagal ko ba, magugustuhan ko?
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa naisip ko. Pero bago ko pa magawa iyon, nagsalita na muli si Senyorito Devin.
"Mukhang nahihirapan ka na mag-decide, Farrah, sweetheart. Let me help you and I know masasagot mo ng mabilis ang tanong ko sa gagawin ko."
Bago ko pa mahulaan ang ibig niyang sabihin, lumapat na ang labi ni Senyorito Devin sa akin at binigyan ako ng isang mapusok at basang halik.
Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Mukhang ginawa naman niya itong pagkakataon para mag-take advantage sa akin. Sinandal niya ako sa pader at pinalalim ang halik niya.
Hindi ko naman alam ang aking gagawin dahil nanghihina ako sa mga halik na pinapadama niya sa akin. Gusto ko man siyang itulak at patigilin siya sa kanyang ginagawa, wala naman akong lakas ng loob dahil pati utak ko ay ayaw gumana.
Napapikit ako nang mas lumalim pa ang halik ni Senyorito Devin sa akin. Nanginginig na ang mga tuhod ko at parang bibigay ang mga ito dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin.
"Hmnn..." hindi ko napigil ang mapaungol nang ipasok ni Senyorito Devin ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Sabi nila nakakadiri daw kapag ginamitan ka ng dila kapag hinahalikan ka. Pero bakit ngayon hindi ko madama 'yon?
Hinayaan ko lang siya sa kanyang gustong gawin at tinanggap ang gusto niyang mangyari. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sobrang lutang ng isip ko habang walang kasawaan niya akong hinahalikan.
Pero bigla akong nagising nang sumingit sa balintataw ko ang masungit na tingin sa akin ni Nanay habang sinesermonan ako na bawal akong magkaroon ng intimate moment sa isang lalaki, lalo na kung wala kaming relasyon.
Dahil dito, nagawa kong itulak si Senyorito Devin paalis sa katawan ko. Dahil hindi niya inaasahan na gagawin ko 'to, nabitiwan niya ako habang tila nabitin pa siya sa paghalik sa akin.
"Now, answer me Farrah. Nagustuhan mo ba ang halik ko? Masarap ba ang akong humalik?"
"Hindi!" Pagkatapos ko itong masabi ay nagmamadali na akong iniwan siya. Mahirap na at baka halikan na naman niya ako dahil hindi ang sinagot ko. Mas delikado kung yes dahil baka maulit pa ang halik at mawala na naman ako sa katinuan.
Nakakainis siya, pati second kiss ko nakuha niya! Ang malala pa nito nagustuhan ko ang halik ng lintek na lalaking 'yon!
Bakit niya ba ako hinalikan?
Masama 'to, dapat iwasan ko na siya. Baka puntirya niya ang katawan ko kaya nilalapitan niya ako.