Nagkulong na lang ako sa kwarto ko pagkatapos nang engkwentro namin ni Senyorito Devin sa kusina. Pahiya ako sa sinabi niya kaya naisip ko na huwag na lang tumulong sa kusina at mag-aaral na lang ako ng leksyon dito sa kwarto ko para wala siyang masabi.
Imbes na tulungan ko si Nanay, matamlay na nagpaalam ako sa kanya na gagawa ako ng assignment ko at magbabasa ng mga aralin.
Ito na lang ang pagkakaabalahan ko tutal, ayaw naman talaga nina Senyor at Senyora na tumutulong ako sa kusina. Ako lang talaga ang nagkukusa dahil gusto kong tulungan si Nanay.
Alam pala ni Senyorito Devin ang tungkol sa iskolar ko na sponsor ang mga magulang niya. Siguro nakukwento ng mga magulang niya dahil hindi lang naman ako ang sinusuportahan nila sa aking pag-aaral. Bale lima kami at ako lang ang babae. Mga anak lang din ng mga trabahador dito sa kanilang hacienda na matagal na rin sa mga poder ng mga Valentin.
Nagpasya akong lumabas ng kwarto ko nang matanggap ko ang mensahe ni Nanay. Aniya, lumabas na raw ako dahil kakain na kami. Malamang tapos ng kumain ang mag-anak na Valentin kaya tinatawag na ako ni Nanay na kumain.
Inayos ko muna ang mga notebook ko sa loob ng bag ko at saka sinipat ang aking sarili sa salamin. Ayos naman ang itsura ko, terno na pink na Hello kitty pajama ang suot ko na bigay pa ni Senyora noong nakaraang Pasko.
Dumaan ako sa likod ng mansion para sa shortcut papuntang kusina. Medyo madilim ang daanan papunta roon kaya ginamit ko ang cellphone ko para makita ang aking dinadaanan.
Pinatay ko ang ilaw ng cellphone ko nang malapit na ako sa may garden, malapit ang garden sa pool kaya maliwanag ang daanan banda roon.
Habang nasa daan ako ay nagkakabisa ako ng mga aralin sa utak ko. Iniisip ko na baka biglang magpa-surprise quiz ang ilang teacher namin dahil mahaba na ang lesson na naturo nila pero hindi pa kami nagkakaroon ng quiz.
Nakatingin lang ako sa aking daraanan habang nagkakabisa ngunit nahinto ako sa pagkakabisa nang makita ko ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinom sa may garden.
Nakita ko kaagad si Senyorito Devin na nangingibabaw dahil sa taglay na kaputian ng kanyang balat. Dahil sa pananatili niya ng matagal sa ibang bansa ay sobrang puti niya na akala mo nagpaturok ng glutathione. Nakakahiya tuloy tumabi sa kanya kahit natural na mestisa ako.
Umiba ako nang direksyon para maiwasan na dumaan sa kinaroroonan nila ngunit nahinto ako nang makita kong ang daming nakahilerang sasakyan na nakaharang sa aking daraanan.
Wala akong choice kundi maglakad patungo sa kanilang direksyon. Nanginginig pa ako habang naglalakad dahil nakita kong napatingin sa gawi ko ang mga bisita ni Senyorito Devin kasama siya.
Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi ngunit narito na ako, alangan naman na umikot pa ako makarating lang sa may kusina.
Lakas-loob na naglakad ako palapit sa kanila kahit nanginginig ang mga tuhod ko. Nakita kong abala na ulit sa pagkukwentuhan at pag-inom ng alak ang mga bisita ni Senyorito Devin, pero siya, nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Na-conscious tuloy ako at parang gusto ko na lang tumakbo pabalik sa pinanggalingan ko. Wrong move na nag-short cut ako kung magkikita naman kami ng taong iniiwasan ko.
Nakita ko si Senyorito Devin sa sulok ng mga mata ko na kaagad na tumayo sa kanyang upuan at mabilis na naglakad patungo sa aking direksyon. Kaagad na nahinto ako sa paghakbang at takang nilingon siya habang sabay-sabay na nagsilingon naman sa akin ang mga kaibigan niya.
"M-Magandang gabi sa iyo, Farrah…" medyo bulol na sabi sa akin ni Senyorito Devin. Kaagad na naamoy ko ang alak na galing sa kanyang bibig at hindi ko maiwasan na mapaatras. Hindi ko gusto ang amoy ng alak sa bibig niya dahil nakakasulasok ang amoy nito.
"M-magandang gabi rin po sa iyo, Senyorito," sagot ko habang pilit kong nilalayo ang katawan ko sa kanya. Panay kasi ang usog niya at hindi na ito nakakatuwa.
"Kumain ka na ba, Farrah?"
"H-hindi pa po, kakain pa lang po ako Senyorito." Bakit naman niya ako tinatanong ng ganito? May balak ba siyang sabayan ako?
"Gusto mo sabay tayo?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na iyong nasa isip ko ang sasabihin niya. Ang mga kaibigan niyang nanonood lang sa amin ay nag-uyyyy na ikinakunot ng noo ko.
Anong uyyyy?
"H-huwag na po, Senyorito." Tanggi ko. Alam ko naman na hindi siya seryoso sa kanyang sinabi. Lasing siya at baka pinagtitripan lang ako.
"Sabay na tayo, subuan mo ako," parang bata na sabi pa niya.
Ako naman ay nalaglag ang panga habang iniisip ko kung ano'ng klase ng alak ang ininom niya.
Bakit parang naka-high yata siya? Feeling ko nilalandi niya ako o ako lang ang nag-iisip ng ganito?
"Pareng Devin, dumada-moves ka na yata? Pahinugin mo muna, uy!" Nilingon ko ang nagsalita at halos lumuwa ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.
Si Sir Blue ito na paminsan-minsan dumalaw sa dalawang matanda at nagbibigay ng mga imported na alak.
Ang gwapo ni Sir Blue at makalaglag panty kung ngumiti. Balita ko palikero ito at kung sino-sino ang nagiging girlfriend. Narinig ko lang ito sa bibig ng mga dalagang katulong na tagalinis dito sa mansion kaya may alam ako sa kanya.
"Oo nga, Devin, ilang buwan pa ba hihintayin mo? Lumayo ka nga 'di ba para hindi mo mabira. Pagbalik mo rito hindi pa rin pala hinog!" kantiyaw naman sa kanya ng isa pa niyang barkada na mala-Adonis din sa kakisigan.
Nagsitawanan ang mga kaibigan ni Senyorito Devin. Hindi ako sure kung ako ba ang pinag-uusapan ng mga ito dahil hindi ko gets ang pinag-uusapan nila. Dumada-moves, pahinugin, mabira?
"Tigil-tigilan mo nga ako, Storm! Isa ka pa, Blue! Kung ano-anong mga sinasabi ninyo!"
"Sus! Gigil na gigil ka nga sa kwento mo!" ayaw paawat no'ng tinawag niyang Storm. Tumingin pa siya sa akin at pinasadahan ng tingin ang aking katawan.
"f**k you!" hiyaw naman dito ni Senyorito Devin at sinugod ito ng kunwaring suntok.
Ginawa ko namang way 'yon para tumalilis paalis. Hindi ko gusto ang pinag-uusapan nila dahil pakiramdam ko ako iyon kahit hindi ako sure.
Nagawa kong umalis ng 'di nila namamalayan. Pawis na pawis na dumating ako sa kusina habang habol ang aking hininga.
"Oh, bakit ang tagal mo?" sita ni Nanay nang mapansin niya ang presensiya ko. Nagsasandok siya ng kanin sa plato at mukhang hindi pa sila nagsisimulang kumain.
Kasama kasi namin ang dalawa pang katulong. Kami ang magkakasabay kumain at mas pinapauna namin ang iba dahil kami ang maiiwan para maghugas ng pinggan.
"H-hindi ko po agad nabasa ang mensahe niyo, Nay. Nagbabasa po kasi ako ng mga aralin ko kaya hindi ko napansin na may pinadala kayong mensahe."
"Gano'n ba?"
"Opo, pasensya na po.
"Ayos lang, anak. O, siya, magsalo-salo na tayo para maaga tayong lahat na magpapahinga."
Nagsidampot ng plato ang dalawang matandang babae na katabi ni Nanay sa upuan. Ako naman ay kinakalma ko pa ang aking sarili dahil sa pagtakbo na aking ginawa.
Tsaka laman na naman ng isip ko ang mga naging kilos at salita ni Senyorito Davin sa akin.
Ano'ng nainom no'n at gano'n ang mga salita niya sa akin?
Hay…bakit ko ba siya iniisip? Ginugulo ang niya ang isip ko at baka mahalata ako ni Nanay. Malakas pa naman ang pakiramdam ng Nanay ko kahit 'di ako magsabi sa kanya.
Mabilis lang kaming natapos sa pagkain. Hindi naman kasi kami iyong masiba na sasamantalahin ang pagiging maluwag ng mga amo namin sa pagkain.
Mababait kasi ang mga amo namin pagdating sa mga pagkain. Pero minsan, dama ko pa rin ang pagiging matapobre nila kapag may nagagawang kamalian ang isa man kina Nanay.
Ako lang yata ang may special treatment sa mag-asawa dahil ayaw talaga nila akong patulungin sa mga gawaing-bahay. Ako lang talaga 'tong nahihiya kina Nanay at sa mga kasama niya kaya kusa akong gumagawa.
"Nay, ako na po ang maghuhugas ng mga plato. Pahinga na po," ani ko kay Nanay na nag-aalis ng mga tirang pagkain sa aming pinagkainan. "Kayo rin po, pahinga na rin po kayo, kayang-kaya ko na po 'to," ani ko naman sa dalawang katulong na nagpupunas ng lamesa.
"Salamat, Farrah. Ang bait mo talagang bata ka, sana kasing bait mo 'yong anak ko at kasing sipag," ani ni Aling Melody na malawak ang ngiti sa akin. Si Aling Gloria naman ay ngumiti lang din sa akin na tila natuwa rin dahil makakapagpahinga na siya.
"Sige po, pahinga na po kayo. Panibagong trabaho na naman bukas."
Lumabas na ang dalawang katulong pero si Nanay naiwan pa sa tabi ko na tila hindi kumbinsido sa sinabi kong kaya ko na ang mga hugasin.
Medyo marami nga ang mga ito ngunit kayang-kaya ko 'to dahil sanay ako sa paghuhugas ng pinggan.
"Nay, pahinga ka na po. Ako na po bahala rito."
"Sigurado ka ba, anak? Ang dami niyan baka 'di mo kayanin."
"Okay lang po ako rito, parang hindi naman kayo sanay na makita akong naghuhugas."
"Alam mong ayaw kang patrabahuhin ng mag-asawa, anak. Nag-aalala ako na makita ka nila rito na mag-isa."
"Tulog na mga 'yon, Nay. Anong oras na rin po kaya huwag na kayong mag-alala."
Ngumiti ako kay Nanay para ipakitang ayos lang ako na maiwang mag-isa na maghugas ng pinggan.
"Sunod ka rin agad pagkatapos mo riyan."
"Opo."
Naglakad na palabas ng kusina si Nanay. Ako naman ay nagsimula ng magsabon ng mga plato.
"Nga pala, anak." Ani ni Nanay na hindi pa pala tuluyang lumalabas ng bahay.
"Po?"
"Sa kabilang daan ka na dumaan mamaya. Huwag na roon sa may garden dahil lasing na sina Senyorito Devin. Baka pagtripan ka ng mga kabarkada niya lalo na at lasing."
Natigilan ako. Hindi pa pala sila umaalis. Akala ko nakauwi na ang mga kaibigan ni Senyorito Devin.
Hala! Baka abutan niya ako rito lalo na at naalala ko na gusto niyang makasabay ako sa pagkain. Ewan kung seryoso siya pero nakadama ako ng kaba.
"Opo. Susunod na rin po ako agad pagkatapos ko rito."
Naiwan akong mag-isa at mabilis na kumilos. Hindi ako dapat maabutan ni Senyorito Devin dito dahil baka masermunan niya ako kapag nakita na naman niya akong naghuhugas ng pinggan.
Nagpunas ako ng aking mga kamay nang matapos na ako sa paghuhugas. Nagpasya na akong umalis pagkatapos kong patayin ang mga ilaw sa kusina, mahirap na baka abutan pa ako ni Senyorito Devin dito at kwestyunin na naman ako kung bakit ako narito.
Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang biglang bumukas ito at mabuti na lang gumilid ako dahil kung hindi nahagip na ang mukha ko.
"S-Senyorito Devin…"nauutal na sabi ko nang makita kong siya ang nagbukas ng pintuan. Kaagad na kinabahan ako dahil kitang-kita ko na sobrang lasing na lasing na siya. Hindi siya makatayo ng maayos at tila tutumba siya ano mang oras.
"Hmnn…you're still here, young lady. Are you waiting for me?" aniya na halos pabulol. Muntik pa siyang bumuwal sa sahig kung hindi lang ako naging maagap na iharang ang katawan ko sa kanya para hindi siya tumumba.
"Hindi po, Senyorito. Pauwi na po ako sa quarters namin," sabi ko habang ngumingiwi. Nahihilo ako sa amoy ng alak sa bibig niya at sobrang bigat rin ng katawan niya na yakap ko. Nakapulupot kasi ang mga braso ko sa baywang niya habang siya naman ay nakaakbay sa akin.
Hay naku! Mas binilisan ko pa sana ang paghuhugas para hindi niya ako naabutan.
"Stay for a while…samahan mo muna akong kumain."
Humakbang siya sa switch ng mga ilaw at in-on ito. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya habang inaalalayan siya sa kanyang ginagawa. Gusto ko na sana siyang bitiwan dahil mukhang okay naman ang tindig niya. Ngunit hindi ko magawa dahil nakaakbay siya sa akin.
"S-Senyorito…bitiw po muna ipaghahanda ko kayo ng makakain," alok ko. Gusto ko ng kumawala sa katawan niya dahil sobrang kinakabog ng malakas ang puso ko dahil sa amoy na nasisinghot ko sa katawan niya at ang init na nadarama ko sa kanyang katawan.
Nakakaligalig, makukurot ako sa singit ni Nanay kapag nakita niya ang posisyon namin ni Senyorito Devin.
"No need…ayaw ko ng kumain."
"K-Kung ganoon po, maiwan ko na kayo." Kinalas ko ang pagkakahawak sa kanya ngunit hinila lang niya akong muli palapit sa kanyang katawan at ibinalik sa dating pwesto ang mga kamay ko.
"Walang uuwi, Farrah. Hatid mo muna ako sa kwarto."
"P-pero, Senyorio—"
"That's an order," matigas niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kwarto niya para ihatid siya. Nag-aalala na tuloy ako kay Nanay dahil baka kanina pa niya ako hinihintay.
Hindi naman ako nahirapan sa pag-aalalay kay Senyorito Devin paakyat sa kwarto niya sa ikalawang palapag. Mukhang ayos naman ang lakad niya at tingin ko kayang-kaya niyang pumunta ng kwarto niya ng walang nakaalalay sa kanya.
Binuksan ni Senyorito Devin ang kwarto niya at kaagad na sumalubong sa amin ang lamig ng kanyang kwarto. Otomatiko ring sumindi ang ilaw nang humakbang na kami papasok.
Wow! Yaman talaga nila!"
"Salamat sa pag-alalay sa akin, Farrah," aniya nang humahakbang na kami patungo sa kama niya. Napakaganda ng interior ng kwarto niya. Ngayon lang ako nakapasok dito dahil ang pumapasok lang dito ay ang mga katulong na tagalinis.
Tumango lang ako bilang sagot at hindi na ako nag-abala pa na tingalain siya para sumagot dahil nahihilo na ako sa amoy niyang amoy alak.
Tinulungan ko siyang makahiga sa kama niya. Nagawa ko naman at balak ko na sanang humakbang palayo sa kanya nang bigla niya akong higitin dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya.
Sa gulat ko sa ginawa niya ay hindi ako nakatili. Nagkatitigan lang kami ngunit ako ang unang nagbawi ng tingin.Tatayo na sana ako paalis sa pagkakadapa sa katawan niya nang magulat na lang ako ng iikot niya ang katawan ko at napunta ko sa ilalim niya.
"S-Senyorito Devin…a-ano pong ibig sabihin nito? A-anong ginagawa niyo?" natatarantang tanong ko. Sobra ang kaba sa dibdib ko dahil baka gawan niya ako ng masama.
Hindi sumagot si Senyorito Devin. Tiningnan niya lang ako gamit ang mapupungay niyang mga mata bago dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa akin na kaagad ko namang hinarang.
"Hep! Bawal po ninyong kunin ang first kiss ko!"