Kabanata 2: Lutang ako.

1564 Words
"F-Farrah.. po," nauutal na sagot ko sa tanong ng lalaking kaharap ko na 'di ko sukat akalain na siya pala ang amo namin na galing pa ng Madrid. Nakakahiya ang inasal ko. Pero hindi ko naman kasi siya talaga nakilala kaya hindi ko na kasalanan kung hindi ako nagbigay galang. Hindi ko nakayanan ang bigat ng mga titig niya nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin, nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ito sa mga kabayong abala na sa pagnguya ng kanilang pagkain. Nakakakaba ang titig ng mga mata ni Senyorito Devin. Parang kaya niyang basahin ang nasa aking isip kaya nag-iwas ako ng tingin. "Farrah…Farrah…" paulit-ulit na bigkas niya sa aking pangalan. Hindi ko tuloy napigilan na hindi siya lingunin muli dahil tila ninanamnam niya sa kanyang dila ang aking pangalan. "Napakaganda ng pangalan mo, Farrah…Farrah, talaga? Pero paano kung ayaw kitang Farrah-yain?" "Ho?" natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko na naman mabilis na nakuha ang ibig niyang sabihin kaya nainis na naman ako sa aking sarili. Ang tali-talino ko sa eskwelahan bakit nakaharap ko lang ang lalaking ito ay bigla akong naging lutang…nabobo. "Wala…nevermind." Tumawa siya ng mahina na ikinakunot ng noo ko. Pinagtatawanan ba niya ako? Natatawa siya sa pagiging lutang ko? Farrah! Ano ba kasing nangyayari sa iyo? Umayos ka nga! Makurot ka sa singit ng Nanay mo kapag nakita ka niyang ganyan! Sa naisip ko ay pinilit kong pinakalma ang aking sarili. "K-kung wala na po kayong sasabihin, Senyorito, pwede na po ba akong umalis?" Kailangan ko ng makaalis sa harapan niya. Baka mas lalo akong maging lutang kapag nanatili pa ako sa tabi niya. Nagiging lutang ang isip ko dahil ito sa pagiging malapit ng aming katawan. Tapos iyong mga mata niyang kulay tsokolate ay nagbibigay ng kakaibang nginig sa akin kapag tumitig. Hindi pa ako nalapitan ng mga lalaki ng ganito kalapit, laging ako ang umiiwas dahil laging nasa isip ko ang mga bilin ni Nanay. Ingatan ang aking puri dahil sa panahon ngayon mahirap layuan ang tukso. Hindi naman ako ganoong klase ng babae katwiran ko sa kanya. Pero bakit ngayong kaharap ko ang gwapo naming amo ay parang gusto kong bumigay sa mga titig niya. Titig pa lang niya ay parang gusto ko ng sumama sa kanya sa kama. Ukininas na! Ano ba 'tong iniisip ko? Isip ko ba ang nagsabi nito? Ukis ti saba na! Kailangan ko na talagang makaalis sa tabi ni Senyorito Devin! Kung ano-ano ang naiisip ko! "Sure, you may go." Napatingin ako sa braso ko na hawak niya. Paano ako aalis kung hawak niya ako sa braso ko? "A-ahmn...baka pwede niyo na po sigurong bitiwan ang braso ko?" Tiningnan ko ang braso kong hawak pa rin niya. Halos mamula ang mga pisngi ko nang makita ko kung gaano kalaki at kahaba ang kamay niya na nakahawak sa akin. Bigla akong kinilabutan, naisip ko na kayang-kaya niyang baliin ang braso ko kung gugustuhin niya. "Oh, I'm sorry young lady…sige, pwede ka ng umalis." Kaagad akong tumalilis ng alis sa loob ng kwadra ng mga kabayo nang bitiwan niya ang braso ko. Iyong nerbiyos ko habang hawak niya ako kanina at malapit ang katawan namin sa isa't isa ay dahan-dahan na naglaho na. "Hah!" Huminga ako nang malalim at pilit kong pinakakalma ang aking saril nang makalayo na ako. Nakaka-suffocate ang presensiya ni Senyorito Devin. Ang hirap huminga kapag nasa malapit siya at pakiramdam ko kanina hihimatayin ako sa mga titig niya. Ang gwapo-gwapo naman kasi niya. Bigla akong kinilig nang maalala ko kung paano niya ako titigan. Mukha naman siyang mabait, pero halatang may pagkapilyo rin. Inalis ko sa isip ko ang tungkol sa kanya. Hindi ako dapat makadama ng ano mang pagkagusto sa kanya dahil mukhang hindi naman niya ako papansinin. Mayaman sila, katulong lang nila kami rito sa mansion nila. Malabo siyang magkagusto sa akin kahit gaano pa kaganda ang mukha ko. Langit siya, lupa ako. In short, hindi kami bagay. Kaya kung ano man ang nadarama kong kilig sa kanya kanina, kailangan ko na itong patayin dahil alam kong hindi pwedeng mangyari ang nasa isip ko. Isa pa, bata pa ako para sa mga pag-ibig na 'yan. Ayaw ko ring maranasan ang sinapit ng Nanay ko kung sakali dahil sa pag-ibig na iyan. Nakita ko kung paano siya masaktan, mawalan ng pag-asa at muntik pa niyang kitlin ang kanyang buhay dahil sa walang kwenta kong ama. Mahirap makipagrelasyon sa panahon ngayon. Pakikiligin ka lang, titikman, at kapag nagsawa na, iiwanan na lang na luhaan at maghahanap ng iba. At si Senyorito Devin, hindi siya exception sa ganito. Gwapo siya, matikas at mayaman, madali na lang sa kanya ang paglaruan ang puso ng mga babae. Madali na lang sa kanya na angkinin ang mga ito at pagsawaan. At kapag nagsawa na siya, hahanap na siya ng ibang biktima at ito naman ang isusunod niyang paiiyakin. Tinampal ko ang noo ko nang maisip ko na marami ng narating ang imahinasyon ko. Na-judge ko na kaagad ang pagkatao ni Senyorito Devin kahit hindi ko pa nakikilala ang tunay niyang pagkatao. Mas maganda ng maging advance mag-isip minsan para kaagad na maiiwas ang puso sa kabiguan. Hindi iyong saka lang iiwas kapag sobrang humaling ka na! Hay naku, Farrah! Panay ang sermon mo sa sarili mo! Akala mo naman nanggaling ka na sa isang relasyon. Mabilis ko lang naiwala sa utak ko ang tungkol kay Senyorito Devin. Naging abala na kasi ako sa pagtulong sa Nanay ko sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang hapunan. Bistek Tagalog, nilagang baka, inihaw na bangus na may hiniwang kamatis at sibuyas sa loob ng tiyan nito. Nilagang talong, okra, at siyempre samahan na rin ng masasarap na sawsawan gaya ng hiniwang kamatis na may bagoong, toyo na may calamansi at sili, tapos samahan na rin ng malamig na orange juice na maraming yelo. Alam kong solve na ang hapunan ng mag-anak na Valentin. Siguradong matatakam at mabubusog si Senyorito Devin mamaya dahil puro masasarap ang mga pagkain na ihahain namin mamaya. Tsk! Tsk! Farrah! Akala ko ba hindi mo na siya iisipin? Bakit ngayon, concern ka kung matatakam siya at mabubusog sa inyong mga hinanda. Inabala ko naman ang sarili ko sa paghuhugas ng mga pinagkainan sa lababo para iwaksi sa isip ko ang lalaking iyon. Bakit ko ba siya pinag-aaksayahan ng oras para isipin? I'm sure naman nakalimutan na niya kaagad ang tungkol sa akin. Binigyan ko ng dishwashing liquid ang panghugas na hawak ko. Naghugas na ako para matulungan ko naman sa pagluluto si Nanay. Nasa labas na kasi si Nanay at nag-iihaw na ng mga bangus. Doon na rin siya magluluto ng ibang putahe kaya kailangan ko ng matapos dito para tulungan ko siya. Patapos na ako sa pagbabanlaw ng mga hugasan nang maramdaman ko na may pumasok sa kusina. Hindi ako nag-abala na tingnan kung sino ito dahil naisip ko na baka si Nanay ito o ang ibang katulong. Nang matapos ako sa pagbabanlaw ng mga plato ay isinunod ko naman ang pagpupunas ng mga ito upang mailagay na sa kanilang lalagyan. Nang matapos na ako ay saka ako nagpasyang puntahan si Nanay para tulungan na siya sa pagluluto. Halos mapatalon ako sa gulat nang paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Senyorito Devin na nakasandal sa pintuan ng refrigerator habang nakatitig sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang gulat. Siya pala ang pumasok ng kusina? Ibig sabihin, kanina pa niya pinagmamasdan ang ginagawa ko? "S-Senyorito D-Devin…may kailangan po ba kayo?" nauutal na tanong ko habang hawak ang tapat ng dibdib ko na sobrang bilis na naman ang t***k nito. "Wala…pero matanong ko lang, bakit ikaw ang gumagawa niyan?" "Ho?" Natawa ng malakas si Senyorito Devin sa naging reaksyon ko. Humakbang siya palapit sa akin habang pinagmamasdan ang mukha ko. Ukis ti kamatis nan! Naging lutang na naman ako! Bakit ba ito ang nagiging reaksyon ko imbes na sumagot ako ng maayos? "Lagi ka bang ganyan kapag tinatanong ka ng ibang tao, Farrah? Para ka kasing laging lutang kapag kinakausap kita. Nagtataka tuloy ako kung bakit ikaw ang napili nina Daddy at Mommy na kunin nilang scholar. Hindi ko makita sa kara mo ang katalinuhan na sinasabi nila." Napapahiyang nagyuko ako ng ulo sa haba ng tinuran niya. Ngayon lang naman nangyari sa akin ito. Kasalanan niya kung bakit dalawang beses na akong naging lutang ang isip sa harapan niya. Bakit kasi bigla na lang siyang sumusulpot ng walang pasabi. Kanina sa kwadra ngayon naman dito sa kusina. Sino ang hindi mawiwindang ang utak kung ginugulat niya ako ng ganito? "P-pasensya na po, Sir. Hindi naman po. Nagkataon lang po na marami akong iniisip ngayon," palusot ko naman kahit kalahating totoo lang ang sinabi ko. Nalungkot ako ng bahagya sa sinabi niya. Parang pakiramdam ko sinasabi niya na hindi ko deserve mabigyan ng scholarship ng mga magulang niya dahil dalawang beses na akong natameme sa harapan niya. "Isa ba ako sa iniisip mo?" Napaangat ako ng tingin sa aking narinig. Kaagad kong pinabulaanan ang sinabi niya. "Huh? Hindi po!" mabilis kong sagot habang umiiling. "Ang bilis mong sumagot ah?" Napapahiyang kinagat ko ang aking labi. "You know…liars go to hell, Farrah. Huling-huli ka na, nagde-deny ka pa." Napanganga na lang ako sa kanyang bintang. Bwisit…nababasa niya yata ang nasa isip ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD