"...Senyorito Devin…" dugtong ni Farrah sa kanyang sinabi. Humigpit ang yakap ko sa kanya nang marinig ko ito sa kanya. Napangiti ako ng maluwag habang sa puso ko ay nag-uumapaw ang kilig. Langya! Bawing-bawi ako sa narinig ko sa kanya. Isang linggo akong malungkot at hindi makatulog ng maayos kakaisip sa kanya. Tapos heto ang maririnig ko? s**t! Heaven! Hinila ko pa siya palapit sa aking katawan habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi ko. Gusto kong madama ang init ng kanyang katawan at ipadama sa kanya na hindi lang panaginip ang nagaganap sa kanyang paligid ngayon. Gusto kong malaman niya na narito ako sa kanyang tabi at mas sobra-sobra ko siyang miss. She was sleeping when I arrived here. May duplicate key ako ng kubo at ginamit ko ito para buksan ang pinto. Pagkarating ko ka