Alexander Ezekiel Krauss POV

1395 Words
Alexander POV Tatlong araw pa lamang ang nakakalipas mag-mula nang dalhin ko sa mansiyon si Alison, Ang nag-iisang anak at huli sa angkan ng Cruz, kilala kona sya mag-mula pa noong ipinanganak sya, may mahahabang pilik-mata at maliit ngunit matangos na ilong, kasing puti naman ng nyebe ang balat nito, unang beses ko pa lamang makita ang mga mata nya'y kakaiba na ang maramdaman ko, noong una'y akala ko ay guni-guni ko lamang na habang lumalaki sya ay mas Lalo nya syang nagiging kamukha, iniwasan kong makita ang batang Alison noon dahil akala ko'y mawawala Ang kong ano mang gumugulo sa isipan ko sa tuwing nakikita ko sya, ngunit nagkamali ako. Nang minsang dumalaw ako sa mansiyon ng aking Ina, Nakiusap sya sa'kin na bantayan at protektahan ko Ang anak ng taong nagbuwis ng buhay upang iligtas sya, Nais ko sanang tanggihan ang hiling ng aking Ina, ngunit bago kopa iyon magawa'y nag simula na syang mag-kuwento. Ako ang dahilan kong bakit mag-isang namumuhay ngayon ang batang iyon, Walong taon na ang nakakalipas ng makasagupa namin ang grupo ng 'HUNTER CLAN' patungong hilaga kong saan gaganapin ang paglilitis sa isang myembro ng 'DARK ONE', Hindi inaasahan nang iyong ama na mang-yayari ang ganong bagay kaya't iilan lamang ang Kasama sa paglalakbay , Kasama sa mga tagapagsilbi Ang mga magulang ni Alison,Ang ama nya ang kasalukuyang Butler ng pamilya, Hindi dapat Kasama noon Ang Ina ni Alison ngunit naki-usap ako sayong ama na isama na lamang ito upang may maka-kwentuhan ako sa aming pag-lalakbay. Pagbabalik-tanaw ng aKing Ina sa nakaraan, Limampung Hunter ang sabay-sabay na umatake sa Amin, Samantalang limang mandima at tatlo namang tagapag-silbi Ang meron kami , wala ng sapat na panahon upang gumawa ng plano kung kaya't inutos ng iyong ama na tumakas ako Kasama ang tatlong tagasilbi upang humingi ng tulong, Agad kong isinama ang tatlong tagasilbi upang tumakas, ang buong akala ko'y ligtas na kami dahil nasa loob na kami ng teritoryo ng Krauss, ngunit mali ako, nasundan kami ng isang hunter at hindi ko iyon namalayan dahil masyado akong naging pabaya, Sumugod ang hunter patungo sa akin ngunit naharangan ito ni Leonard, Ang ama ni Alison , ngunit hindi iyon naging sapat upang pigilan ito , isang sak-sak lamang sa tagilira'y natapos Ang buhay nya , nang akmang itatarak na nito sa akin ang punyal, si Samantha Ang Ina nya Ang sya namang sumalo ng punyal na dapat sana'y kikitil sa akig buhay .Bago pa ito sumugod muli'y dumating na ang mga mandirigmang malapit lamang sa Amin na syang nakarinig sa pag-sigaw ni Samantha, ginawa iyon ni samantha upang humigi ng tulong sa kong sino man ang makakarinig dahil alam nyang hindi ito titigil hangga't hindi ko napapatay. Lumuluhang pag-lalahad nito,, hinagod ko nalamang ang kanyang likod upang pakalmahin at iniabot ang tissue. Nang araw ding iyon napatay ang iyong ama Ezekiel, at wala akong nagawa upang tulungan ang iyong ama o kahit iligtas ang mas mahina sa akin. Humagulgol na ito ng iyak na syang ikinadurog ng aking puso. Hindi likas sa mga bampira ang pag-papakita ng emosyon , ipinapakita lamang namin iyon sa mga mahalaga sa amin. Dahil nga sa pakiusap ng aking Ina na protektahan ang anak ng mga taong nagligtas sa kanyang buhay, nag enroll ako sa university na pinapasukan nya, kinuha ko rin ang lahat ng subject na kinuha nya , halos apat na taon akong tahimik na nagmasid mula sa malayo, pinapatay ang lahat ng galamay ng Dark one na nagtatangkang lumapit sakanya, sa loob ng apat na taon hindi kona mabilang ang mga nag tangka sa buhay nya, hindi ko maintindihan kong bakit gusto syang makuha ng mga Dark one, ano ang espesyal sakanya, hanggang sa makapagtapos sya sa college ay nakabuntot ako at ang ilan sa mga tauhan ko, Ang akala ko'y magiging maayos ang lahat hanggang sa ibalita sa akin ni Ina ang pagkamatay ni Mr.C, cardiac arrest ang inilagay sa cause of death, ngunit ang totoo'y kagagawan iyon ng isa sa mga 'Dark one' , Tahimik na pinapa imbestigahan ni Ina ang dahilan ng pagpapa-patay sa kanya ng mga ito dahil alam ni ina na hindi gagawa ng ganoong hakbang ang mga iyon ng walang malalim na dahilan, naka kulong na rin ang nahuling salarin sa ilalim ng mansiyon kong saan pinapahirapan ang mga kalaban. Halos gumuho naman ang mundo ni Alison ng malaman ang balita, gustohin ko mang lapitan sya at damayan ngunit hindi pa ito ang tamang oras upang magkakilala kami. Young Master, handa na ang chopper, kailangan na nating umalis . Turan ni Delia, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong taohan. Let's go, May kailanagan ng mag salita, .madilim kong turan. Lumapag ang chopper sa mismong rooftop ng Castle ,dumiretso ako sa interogation room sa dulong bahagi ng kastilyo.Naabutan ko roon si Elijah, ang aking kanang kamay at matalik na kaibigan, Sininimulan n'ya nang tanongin ang miyembro ng Dark one na nahuling pumatay kay Mr.C , Galit ang naramdaman ko sa ginawa nilang pagpatay sa matandang mayordomo , matagal nang naninilbihan saamin si Mr.C, nang mag retiro sya'y ipinasa nya sa kanyang anak na lalaki ang tungkulin, ngunit ng mamatay ito, kinailangan nyang bumalik para sa kanya apo dahil kong hindi, kailangang akuin ni Alison ang naiwang tungkulin ng kanyang ama. Sinimulan ko ang enterogasyon, isa sa mga kahinaan ng mga bampira ang silver , kaya nitong sunugin ang balat ng isang bampira, maari din itong maging kasangkapan sa pag patay ng bampira basta't itatarak ito ng diretso sa puso dahil hindi nag-hihilum ang sugat na gawa ng pilak na sandata, Kumuha ako ng isang itim na gloves na nakasabit sa gilid ng mesa kong saan nakapatong ang iba pang kagamitan upang pahirapan ang isang bampira. Nang makita ng lalaking halos mapuno na ng sugat ang dibdib ang ginawa ko,bigla itong nanginig na para bang nakakita ito ng isang multo. Batid nyang hindi magiging madali ang kanyang kamataya, bigla na lamang itong humagolgul ng iyak na parang isang bata na inagawan ng candy, Handa ka na bang mag salita? kong hindi pa'y puwede naman kitang tulongan maka alala. ,Nakangisi kong turan sa nanginginig at kaawa-awang bampira , Dahan-dahan kong itinarak ang punyal sa kanyang kaliwang binti, sumigaw sa subrang sakit ang bampira, nagmamakaawa na patayin na lamang sya, Parang awa nyo na , patayin niyo na lamang ako, hindi ko na kaya. , Umiiyak na turan nito . Gusto mong mamatay? Sagutin mo muna ang itatanong ko at ipinapangako kong mamatay ka ng mabilis at walang sakit. ,Seryuso kong turan. Mabilis at desperado namang tumano ito. Sino ang nag utos sa'yong patayin si Mr.C at ano ang binabalak ng mga 'Dark one'? , Tanong ko rito. Wala akong alam sa plano nila, inutos lamang nila sa akin na patayin ang matandang Cruz , yun lang ang alam ko at wala ng iba. ,Nahihirapan nitong sagot. Bakit gusto nila syang patayin? ,tanong kopa Hindi ko alam , hindi maaaring magtanong sa utos ng nakakataas, ngayun ang pangako mo, patayin mona ako. , Nag mamakaawa nitong turan. Bakit gusto mong mamatay? bakit hindi mo nalamang hilingin na pakawalan kita kapalit ng sagot mo?, Naguguluhan kong tanong. Dahil wala na akong mapupuntahan , papatayin lang din naman nila ako oras na malaman nilang nahuli ninyo ako. Walang buhay nitong sagot. Batid kong nagsasabi sya ng katotohanan kaya't tinupad ko ang aking pangako , mabilis kong itinarak sa kanyang puso ang patalim na gawa sa pilak, mabilis na bumulwak ang dugo sa kanyang bibig, Bago ito malagutan ng hininga'y mayroon itong ibinulong na syang nagpagulo sa aking isipan. " huwag mong iwawala sa iyong paningin ang batang Cruz ". Ano ang ibig nyang ipahiwatig doon., Elijah, ikaw nang bahala rito, may kailangan akong asikaso. ,Turan ko bago naglaho sa kanilang harapan, Isa sa aking mga kakayahan ang Teleportation , kaya kong makarating saan mang lugar na naisin ko basta't napuntahan kona ito. Sa silid ko muna ako nagtungo upang maligo at mag bihis , kailangan ko nang puntahan si Alison, ako ang dapat mauna bago ang kampon ng mga Dark one , Hindi kopa alam ang pinaplano nila at yun ang dapat kong pag-handaan. Nang matapos ako, nang teleport na lamang ako patungo ng sala, nag aantay na roon sina Delia at Elijah pati na rin ang kambal na sina Kevin at Keron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD