bc

Ang Misteryoso Kong Bampira

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
revenge
tragedy
magical world
like
intro-logo
Blurb

Ilang dikada ng naninilbihan sa pamilya Krauss ang angkan ng cruz, ang pinaka mayaman at makapangyarihan buong lungsod ng cebu. nakatayo ang mansyon ng Krauss sa gitna ng malawak na lupain na pagmamay-ari ng pamilya, si Carpio Cruz ang pinalitan ng ama ni Alison na sya ding ama ni Leonard Cruz. Mapayapa ang lahat sa buhay ni Alison hanggang sa mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi maipaliwanag na dahilan. 10 taong gulang lamang sya ng maulila sa magulang, ang lolo Carpio na lamang nya ang natitira nyang kamag-anak .Inalagaan at pinalaki sya ng maayos ng kanyang lolo carpio hanggang makapag tapos sya ng highschool , sa syudad ng manila naman sya nakapag aral ng kolehiyo kaya't naiwan sa cebu ang lolo nya na noo'y bumalik sa paninilbihan sa pamilya Krauss upang punan ang tungkoling naiwan ng yumaong anak

chap-preview
Free preview
ang simula
Ako si Alison Brie Cruz, 10 years old ako ng maulila. Nang mamatay ang mga magulang ko my grand-father took me, Wala akong ideya sa dahilan ng pag panaw ng magulang ko, Ang alam ko lang namatay sila sa bundok dahil yon ang sabi ng lolo ko. Mula noon ang lolo Carpio ko na ang nag alaga sakin, Mabait at maalaga si lolo , butler sa mayaman ngunit mistiryusong pamilya ang lolo ko, May malawak na garden, malaking pool area at malawak na Rancho sa bandang likod bahay, Mayoon din silang 10 kasambahay at 10 din na sa Rancho naman naka talaga, dito rin nag tatrabaho sila mama't papa noong nabubuhay pa sila, Madalas nila akong isama sa tuwing wala akong pasok sa school, Noong minsang isinama ako ni mama, nakapag tataka na si mama at papa lamang ang maaring umakyat sa ikalawang alapag, Maski na ako ay pinag bawalan ni papa na umakayat sa ikalawang palapag. Ni minsan rin ay hindi kopa nakikita ang Master na tinatawag nila. Nakapag tapos na ako ng highschool pero hindi ko parin nakikitang lumabas ang sino man sa ikalawang palapag, Ilang beses ko nang sinubokang itanong sa lolo kong bakit ,ang lagi nya lamang sagot ay darating rin daw ang tamang oras at atupagin ko raw ang pag aaral ko at ako raw ang papalit sakanya, Hindi ko man lubos maunawaan ang mga salitang binitiwan ng aking lol'y sinang ayunan ko na kamang. Matapos ang summer Vication, Lumuwas ako ng manila upang mag aral sa collge, Labag man sa loob ko ang iwanan ang lolo wala akong nagawa, Sa araw ng pag alis ko papuntang Manila mahigpit na bilin ng lolo na wag na wag daw ako uuwe ng hindi nagsasabi, Gusto ko mang magtanong pa pero hindi na ako binigyan ng pagkakataon. Tumagal ng ilang oras ang byahe sa eroplano bago lumapag sa NAIA , Una kong tinungo ang apartment na kinuha ng lolo ko online, Kahit pala matanda na si lolo magaling at nakakaya parin nyang sabayan ang mga uso, Modern design ang apartment, May maliit na sala set sa kanang bahagi na pang isa hanggang dalawang tao, maliit na dining table naman sa kaliwang bahagi, mayron ding maliit na hagdan paakyat sa dalawang pinto na magkatabi. Ilinapag ko muna sa sala lahat ng gamit ko para ikutin ang boong lugar, Maaliwalas at malinis halatang bagong linis kahit alikabok mahihiya. Cr naman ang kaliwang pinto at kwarto ko naman ang kanan, Light blue and baby pink ang color combination ng karto, Hindi naman halata na pinag handaan ni lolo ang pag tira ko dito sa manila , Feeling ko tuloy pinalayas nya na ako sa bahay sa cebu. Ganitong ganito kasi ang kwarto ko sa cebu, Ang sabi ni papa noon sa akin si mama raw ang lahat ng pumili at nag ayos ng kwarto ko noong ipinag bubuntis pa lamang ako ni mama, Kaya siguro ginaya ni lolo para hindi ko maramdaman na mag isa lang ako, Bago pa umabot kong saan saan ang isip ko kinuha kona ang mga maletang iniwan ko sa sala para maayos ko na bago ko puntahan ang university na papasukan ko, Kelangan kopa kasi mag pasa ng mga requirements para sa enrolment . Nang matapos akong mag ayos dumiretso na ako sa university . 4pm na ng maapos ko lahat ng dapat ayusin , Sa labas na lamang ako kumain ng hapunan para diretso pahinga na lamang ako KINABUKASAN Maaga akong gumising para sa first day ko bilang college student , excitement at halong kaba ang nararamdaman ko, Mababait kaya ang mga magiging classmate ko? sana lang wag ako mahirapan makahanap ng kaibigan , Ang sabi nila kaibigan raw ang dapat una mong hanapin sa college kong ayaw mong maging outcast. Pumara ako ng taxi sa labas lamang ng apartment ko, Along the road lamang kasi iyon na talagang ipinag pasalamat ko, Sa totoo lang hindi kopa kasi kabisado ang sakayan ng jeep papunta sa school ko, Kailangan ko rin kasing mag tipid ng allowance kaya sa ngaun taxi nalang muna habang inaaral kopa ang tamang daan. Sakto namang 7;00 ng makarating ako at kakaunti pa lamang ang mga studyanteng dumating, Dahil may isang oras pa bago ang first subject ko minabuti ko muna ang mag ikot-ikot para kabisaduhin ang pasikot-sikot , Mayroong malawak na sports field , may malaki ring gymnastics building , Ang napakagandang garden na punong-puno ng iba't-ibang halaman ang nagustuhan ko sa lahat, 7;40 na ng mapag pasyahan ko ng pumonta sa first subject ko , Dahil na check kona kahapon lahat schedule ko hindi na ako nahirapan hanapin ito, Pag pasok ko halos kalahati na ang studyantena naoon sa room , Pumwesto ako sa gilid na upoan bandang bintana , Ilang minuto ang lumipas dumating na rin ang prof. para sa first subject, Introduction lang daw muna at first day palang naman daw. Natapos ang maghapon kong ganon, Nagkaron rin ako ng kaibigan, Seatmate ko sya sa 1st and 3rd subject ko, si Annie Villamor, Maganda at mistisang babae pero hindi katangkaran , Umabot lamang sa balikat ko ang taas nya sa height kong 5,7, Magandang hubog ng katawan na hindi mo aakalaing 17 years old pa lamang sya mas bata sya sakin ng isang taon. Sa araw-araw na pag pasok ko si Annie ang madalas kong kasama, Marami syang naging kaibigan sa mga ka blockates namin dahil sa energetic personality na meron sya, Kung minsan isinasama nya ako sa mga gimik nila tuwing weekend, Galing sa mayamang pamilya ang karamihan sa mga nagiging kaibigan ni annie, Maybe because there where she belong. Sa ganoong circle umikot ang buhay ko sa manila sa halos apat na taon, Bihira lamang kong tumawag ang lolo sa akin, Tuwing Birthday at holliday ko lamang sya nakakausap Sa tuwing nakakausap ko naman sya ay parang laging nag mamadali at iba't-ibang numero ang ginagamit nya sa tuwing tatawag sa tuwing itatanong ko naman umiiwas lang sya palagi sa mga tanong ko. Isang umaga ng may biglang tumawag sa akin, Unknown number kaya ang akala ko si lolo lamang iyon kaya subrang saya ko kahit may pagtataka akong nararamdaman dahil wala namang ukasyon. Hello!!,lolo ikaw ba yan? , masayang pag sagot ko. Hello ali, ang nanag belen mo ito, NANANG BELEN!! kamusta na po kayo? kamusta ang lolo? nariyan ho ba sya , Isang linggo na po kasi syang hindi tumatawag sakin.' sunod-sunod kong tanong sa matanda Pasensya kana ali wala rito ang lolo mo, Napatawag ako dahil sa lolo mo, Baka kako wala pang nagsasabi sayo'. ' Bakas ang lungkot sa boses ng matanda. Nag sabi ng ano nanang? may nangyari po ba sa lolo ko?, ' Kinakabahan kong tanong. Ali , Wag ka mabibigla, Wala na ang lolo mo, Kahapon ko lamang nalaman , Nakikiramay ako ali . ' Parang biglang nanlamig ang mga paa ko sa ibinalita ni nanang belen , Ayaw kong maniwala na wala na ang lolo ko, Kong kelan magtatapos na ako sa kolehiyo, Napakasakit isipin na kong kelan malapit na akong umuwi umu , Ilang araw na lang magkakasama na kami ! Bakit hindi pa ako naantay ni lolo, Kong alam ko lang sana na mangyayari to umuwi sana ako ng mas maaga para nagkasama pa kami ng kahit ilang sagit pa . Makalipas ang ilang oras ,agad kong tinawagan ang prof. ko upang ipaalam na hindi na ako a-attend ng graduation ceremony dahil kailangan ko nang umuwi , Kailangan kong asikasuhin ang libing ng lolo ko. Tinawagan ko narin si annie para ipaalam na uuwe na ako ng cebu Nang araw ding yun lumarga ako ng walang dala na kahit ano kundi sarili ko. Halos gabi na ng makarating ako ng bahay, Maliwanag na ilaw ng kabaong ni lolo ang una kong nakita at mangilan-ngilang kapit bahay namin na nakikiramay ang naroon sa bahay namin, Lumalabo na ang mata ko dahil sa luha ng tuluyan kong marating ang kabaong ni lolo, Mapayapa syang nakahiga na parang natutulog lang , Hindi kona napigilang humagolhol ng iyak sa lungkot na nararamdaman ko, Hindi ako umiyak ng mamatay ang mama at papa ko kahit alam kong wala na sila, Siguro dahil bata pa ako ng mga panahon na iyon, Pero Ngayon! Parang lahat ng sakit na dapat maramdaman ko noon nag sama-sama Ngayon , parang sasabog ang dibdib ko. 'Ali, Nakikiramay kami sa pagkawala ng lolo mo . ' Turan ni nanang Belen habang hinahagod ang likod ko . 'Maraming salamat nanang Belen, ' sagot ko habang sinusubukan pakalmahin ang sarili. 'Nandito lang kami ali kong kailangan mo ng tulong ,' Sagot pa nito. Tumango na lamang ako at inayos ang aking sarili, kailangan kong lakasan ang aking loob, Wala ng iba pang tutulong sa akin kundi sarili ko lang. Pumasok muna ako sa loob ng bahay para makapag bihis , Nag timpla na rin ako ng kape para sa mga nakikiramay, Hindi naman ganon karami ang tao dahil iilan lamang ang kapitbahay namin, Wala na rin kaming iba pang kamag anak dahil ako na lamang ang natitira sa angkan ko, Mas lalo lamang akong nalulungkot ng maisip kong ako nalang mag isa. Wala naman akong alam sa pinagmulan ni mama dahil hindi kopa sila nakikita o nakikilala man lang.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook