Alexander Ezekiel POV Part 2

1330 Words
Sabay-sabay kaming nagtungo sa tinitirhang bahay ni Mr.C, hindi iyon kalayuan sa aming mansiyon sa santa ines. naabutan naming isa-isa nang nag aalisan ang mga taong nakikiramay sa pamilya , nang makaalis na ang mga ito'y saka lamang ako nag lakad palapit sa kinaroroonan ni Mr.C, Ilang saglit lamang ng lumapit saamin ang apo ni Mr.C na si Alison, nag tatanong ito kong sino kami ng bigla na lamang itong sampalin ni Delia, alam kong matagal ng may galit si delia kay alison dahil hindi ito pabor sa ginagawa kong pag protekta sa dalaga dahil alam nya ring tahasang pag kalaban sa Dark one ang pagpatay ko ng kanilang mga kalamay. pagsasabihan ko na sana si delia ng bigla na lamang may palad na dumapo sa magkabilang pisngi nito na syang ikinagulat naming lahat, wala pang nilalang ang nagtangkang kalabanin si delia dahil aura pa lamang nito ay kakabahan na ang sino mang makaharap nya. Tuloy-tuloy ang galit na pag talak ni Alison kay delia na labis kong ikinaaliw, hindi ko napigilang tumawa sa naging reaction ng mukha ni alison, nag uumapaw naman ang galit ni delia. Tumalikod na ako at tuloyan nang umalis ng magsimula nang magtanong si alison, hindi pa ito ang oras, You should've seen you're face delia , hahaha, you're hilarious , hahaha., Hindi matigil na pag tawa ko sa naging reaksyon ni delia , inis naman ako nitong tinalikuran at tumakbo ng matulin, si Delia ang pinakamabilis sa lahat ng tauhan ko, pumapangalawa in sya sa husay sa pakikipaglaban kay Elijah. Eze, mukha yatang masyado kanang na aaliw sa babaeng iyon? , Seryusong turan ni Elijah habang pareho kaming nakatanaw sa bahay ng mga Cruz, sa kabilang bahagi naman ng bahay naka bantay ang kambal. Maybe, maybe not, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Elijah, It's like we've known eachother before. ,Tugon ko na bakas ang pagkalito sa boses . Nanatili akong nakabantay sa lahat ng kilos ni alison haggang mailibing si Mr.C, nang gabi matapos ang libing, ibinalita sa akin ng kambal na mayroon silang namataan na kahina-hinalang sumusunod kay alison kay't minabuti kong madaliin ang pagkuha sakanya bago pa lumala ang sitwasyon. Nang mapapayag ko sya na sumama sa akin, nag simula kaming maglakad patugo sa aking bahay , dinala ko sya sa sarili kong tirahan kong saan mas mababantayan ko sya, nang makarating kami'y halos doble ang pagod ng nakipaglaban sa 100 na bampira ang nararamdaman nila delia,elijah,kevin at keron dahil pinagbawalan ko silang gumamit ng alin man sa kanilang kakayahan habang hindi pa alam ni alison ang lahat ng tungkol sa amin at yon ang umubos san kanilang lakas, sa pagpipigil ng kanilang bilis. Dahil hindi iyon alam ni alison, ipinagtaka nya kong bakit tila pagod na pagod ang lahat ng kasama nya maliban sa akin, labis iyong ikinaiirita lalo na ni delia dahil bihira lamang sya kong kumilos ng mabagal. Tumawa na lamang ako upang pagaanin ang paligid dahil sa sama ng tingin na ipinupukol ng apat kay alison, umakyat ako sa aking silid at tinawag si elijah upang dalhin si alison sa kanyang silid na aking ipinahanda. Kinabukasan, nag pasya akong kausapin na si alison at sabihin sakanya ang buong katotohanan, 10 am pa lamang ng umaga ng bumaba ako, kumuha muna ako ng blood bag sa loob ng freezer kong saan naka-imbak ang mga dugo na galing sa blood bank, isinalin ko ito sa wine glass at naupo sa couch , nag basa muna ako ng magazine habang hinihintay na magising si alison, Hindi naman nag tagal ng lumabas na ito ng kanyang silid, binati ako nito nang may matamis na ngiti sa labi. Nang araw na iyon sinabi ko ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa kasunduan ng aming pamilya, hindi ko inaasahan ang naging reaction nya sa mga natuklasan, labis na awa ang naramdaman ko ng makita ko ang lungkot sa kanyang mukha habang umiiyak at nagtatanong, subra akong na guilty dahil hindi namin nagawang protektahan ang kanyang mga magulang pati na rin si Mr.C Nakatulog sya sa aking mga bisig sa labis na pag-iyak, dinala ko nalamang sya sa aking silid upang duon na lamang magpahinga , nang magising ito'y pulang pula ang mga pisngi na parang kamatis na nakatitig sa akin, duon ko lamang napagtanto na nakatapis lamang akong lumabas ng banyo, Naisipan kong asarin pa sya lalo dahil sa pag-titig nito sa akin mula ulo hanggang paa. nag talukbong naman ito ng kumot sa labis na hiya na sya naman ikinatawa ko, nag bihis na ako upang makababa na kami at makakain sya , naririnig kona kasi ang pag angil ng kanyang tiyan , nang matapos akong magbihis, nadatnan ko syang naka talukbong parin, rinig na rinig ko rin ang mabilis na pag-t***k ng kanyang puso, batid kong hiyang-hiya parin ito, humingi na lamang ako ng tawad upang pakalmahin ito, nang magtanong siya'y hindi ko sinasadyang magamit ang aking kakayahan, labis ko namang ikinagulat nang sabihin nyang nagagalit sya dahil walang nag sabi sakanya na may kapangyarihan din kami . Hindi ko akalain na labis akong maaaliw sakanya at matutuwa. Matapos naming makapag usap, nagtungo na kami na baba upang makakain sya, maghapon na syang hindi kumakain kaya't napagdesisyunan kong ipagluto sya ng makakain kaya't dumiretso ako sa kusina upang igawa sya ng pagkain, Hindi ko naman sya nakitang sumunod sa akin sa kusina kaya't naisip kong nakipag kuwentuhan lamang ito sa sala. Nang matapos ako sa pagluluto ng egg,ham,rice at bacon na ginaya ko pa sa internet kong paano gawin, napagdesisyunan ko nang tawagin si alison ng hindi ko sya naabutan sa sala. hindi rin nila alam kong nasaan ito, Kinutuban ako ng masama , kinalma ko muna ang aking sarili at pumikit, gamit ang kakayahan kong maramdaman ang aking paligid one kilometer mula sa kinatatayuan ko, naramdaman ko ang presensya ng tatlong nilalang mula sa silangang bahagi, isa roon si alison, tumatakbo habang hinahabol naman sya ng dalawang bampira. To the east of the castle, there are two newborns, chasing her, Elijah, Delia hulihin ninyo sila ng buhay. Utos ko bago naglahu sa harap nila, Naabutan ko si alison na nakadapa sa tabi ng daan, nang hawakan ko sya sa braso'y bigla na lamang itong sumigaw at halata ang labis na takot, ng makilala nya ako'y duon lamang sya kumalma bago nawalan ng malay, naamoy ko naman ang dugo na nagmumula sa kanyang tagiliran, hindi nya napansin ang pag tarak ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran, marahil sa labis na takot, nag mamadali ko syang binuhat upang madala sa kastilyo upang magamot ang sugat ng mapansin ko ang bagay na sumugat sa kanya, hindi iyon nagkataon lamang kundi sinadya dahil ang bagay na tumusok sa tagiliran niya'y sinadyang patulisin ng sino man at ilagay sa lugar na hindi mahahalata. Dinala ko muna sya sa kastilyo upang magamot ang sugat nya, Young master, nahuli na po namin ang dalawang newborn, .pag bibigay alam ni Elijah sa akin. Nasaan sila? ,Tanong ko rito, Torture room, binabantayan sila ng kambal . , Sagot nito saakin , nakatayo naman sa likura nya si delia at tahimik na nakamasid. You two stay here and protect alison while i'm gone. ,Pag bibigay utos ko sa dalawa bago nag teleport sa torture room, Hindi ako nag aksaya ng oras sa pagtatanong, kinuha ko ang punyal na gawa sa pilak at itinaak diretso sa puso ng isa sa dalawang newborn ( Newborn = mga bagong gawang bampira , pag-atake lamang ang alam gawin ) Alam kong wala akong makukuhang impormasyon sa mga newborn dahil hindi pa sila tuluyang buo, nagiging buong bampira lamang ang isang tao na kinagat ng bampira kapag naka-inum sila ng dugo ng sino mang bampira na kumagat sakanila. Magkasunod kong binawian ng buhay ang dalawang newborn, wala na rin namang paraan upang ibalik sila sa pagiging tao. Matapos kong patayin ang dalawang newborn , nagmadali na akong bumalik sa kinaroroonan ni alison ngunit hindi ko inaasahan ang aking nadatnan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD