Pagsisiwalat ng Galit

912 Words
Naabutan namin sa sala na nakaupo sina Delia at Elijah pati na rin ang iba pa nilang kasamahan , Sabay-sabay silang lumingon sa amin noong pababa na kami ng hagdanan, Bakas sa mga mukha nila ang gulat na tila ba'y nakakita sila ng multo , maliban kay Delia. galit at pagkamuhi ang maaaninag sa mukha nya, Para bang nais nya akong patayin kong wala lamang sa tabi ko si Alexander , mukha hindi iyon napansin ng iba dahil bigla na lamang nagbago ang expression ng mukha nya ng humarap sya kay Alexander na para bang isang maamong tupa , Magkapanabay naman silang bumati kay Alexander na para itong hari na dumaan sa harapan ng mga kawal. Diretso naman ang lakad nya patungong kusina, hindi kona sya sinundan pa doon, Naisipan ko nalamang magpahangin sa labas, Wala namang nakapansin sa aking paglabas, nag lakad-lakad ako sa paligid ng mansion dahil maliwanag pa naman ang paligid, naaliw ako sa pamamasyal at hindi kona namalayan ang oras, napansin ko nalamang na nag-aagaw na ang dilim at liwanag , nang babalik na sana ako sa mansiyon doon ko pa lamang napagtanto na napalayo na pala ako sa pamamasyal at hindi kona alam kong saan ako nagdaan, Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko'y may mga matang nakatitig sa'kin ngunit hindi ko mawari kong saan iyon nagmumula. Binilisan ko nalamang ang paglalakad nang makabalik na ako bago pa may mangyaring hindi kaaya-aya, habang pabilis ng pabilis ang mga hakbang ko, pakiramdam ko nama'y palapit ng palapit ang kong sino mang sumusunod sa akin, Nang hindi ko na kinaya ang takot ko'y kumaripas na ako ng takbo, sa pagmamadali ko'y hindi ko napansin ang sanga ng kahoy na nakaharang sa daanan na pumatid sa'kin , bago pa ako maka bangon ay bigla na lamang may mga kamay na humawak sa braso ko, sa labis na gulat ay nag sisigaw na ako sa takot kahit hindi kopa nakikita ang mukha ng humawak sa akin. Hey,hey,hey ... babe it's me, you're safe . ,Agarang turan ni Alexander kasunod ng pagyakap nito sa'kin upang pakalmahin. Nang makilala ko ang boses niya'y nakahinga ako ng maluwag , ngunit bago pa ako makapagsalita, parang umikot ang paningin ko , naririnig kong tinatawag nya ang pangalan ko bago ako mawalan ng malay. Nang magising ako'y pink na kisame ang una kong nakita, ito ang silid ko sa mansiyon, Sinubukan kong bumangon nang biglang gumuhit ang pinong sakit sa bandang tagiliran ko na ipinagtaka ko dahil wala akong maalalang mayroon akong sugat roon. Kinapa ko ang tagiliran ko at may benda nga iyon, saan ko naman nakuha ang sugat na iyon?, bumaba ako ng kama at lumabas ng silid upang alamin, hindi kaya'y kinuhanan nila ako ng lamang loob habang natutulog upang kainin ? ,pano kong hindi pala totoo ang mga sinabi ni Alexander, dinala lamang nila ako dito para gawing pagkain? ,nababaliw kong ispikulasyon . Nang magawa kong marating ang sala, naabutan ko roon si Delia at Elijah na nag-uusap ng masinsinan, tumigil ang mga ito ng makita akong paparating, matalim parin ang mga titig ni Delia samantalang blangkong mukha naman kay Elijah, Magtatanong pa lamang sana ako kong alam ba nila kong nasaan si Alexander nang biglang sumabat si Delia ng may gigil sa boses. Hinahanap mo si Ezekiel? his there facing danger to fixe your mess , Galit nitong turan. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko agad nakilala ang second name ni Alexander , nang makabawi agad ko syang sinagot, Anong " Mess " ang pinag sasabi mo? tyaka inaano ba kita? bakit palagi ka nalang galit sa'kin?. matapang kong sagot kahit pa hirap akong tumayo dahil sa tagiliran ko. Biglang namula ang mga mata nito na ikinagulat ko, kinilabutan ako sa naging itsura nya, naging pula na parang apoy ang itim nyang labi, tumulis din ang mga kuku nya, para na syang halimaw na handa ng pumatay, Bago pa sya mapigilan ni Elijah, nakalapit na sya sakin at agad akong sinakal. HINDI MO ALAM KONG BAKIT GALIT AKO SAYO? DAHIL SALOT KA SA BUHAY NI EZEKIEL LALO NA SA'KIN, MULA NG DUMATING KA SA BUHAY NI EZEKIEL,WALA NA SYANG IBANG GINAWA KUNDI PROTEKTAHAN KA KAHIT PA NALALAGAY SYA SA PANGANIB, Galit na galit nitong turan habang mahigpit ang hawak saking leeg, AALISIN NA KITA SA LANDAS KO NANG SA GAYON BUMALIK NA SA DATI SI EZEKIEL AT HINDI NA SYA KAYLAN MAN MALALAGAY SA PANGANIB AT HINDI NYA NA RIN KAILANGAN HARAPIN ANG MGA 'DARK ONE'. ,Turan nito bago pinosisyon ang kabilang kamay at akmang dudukutin ang puso ko ng pigilan ito ni Elijah. Mag isip ka muna bago mo gawin yan, alam mong kamumuhian ka ni Eze kapag ginalaw mo ang babaeng iyan.hinding hindi ka nya mapapatawad. ,Turan nito na bakas ang pag aalala ngunit hindi para sa akin. Dahan-dahang lumuluwag ang pagkakasakal nito sakin, ngunit bago pa nya ako tuluyang mabitawan, bigla na lamang mayroong malakas na pwersa ang tumulak kay Delia na nagpatalsik sakanya sa pader na nagkaroon pa ng bitak sa subrang lakas, Bago pa bumagsak sa malamig na sahig ang katawan ko'y naramdaman ko ang pagsalo ng maiinit na katawan ni Alexander, bakas ang labis na pag aalala sa mukha nitong may bahid pa ng dugo, pupunasan ko sana ang dugo sa pisngi n'ya ng hulihin nya ang kamay ko. Ayos ka lang ba? bakit may dugo ka sa mukha? , ang kalat mo namang kumain!, pabiro kong turan bago nawalan ng ulirat .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD