Kevin & Keron

1052 Words
Masaya akong makita na nagkasundo na kayong dalawa. , Nakangiting turan ni Alexander saka nag lakad palapit sa kinatatayuan namin. Young master. Magalang na pag bati ni Delia kay Alexander, humarap naman sa ako sakanya at naka ngiting sumalubong. Kanina kapa ba jan? nakinig kaba sa usapan namin?! ang akala ko mamayang hapon pa kita makikita. Tanong ko rito, mahigpit naman ako nitong yinakap, nagulat pa ako nong una ngunit gumanti rin ako ng yakap ng makabawi. Hindi, halos kararating ko lang noong sinabi mong mahal mo ako. , Sagot nito nang may ngiti sa labi. Namula naman ako sa hiya, kong ganon narinig nya lahat ng ka korni Han ko, nakakahiya talaga... Yumuko na lamang ako upang itago ang pamumula ng aking mukha dahil sa kahihiyan, kong bakit ko ba naman kasi naisip sabihin ang mga ganoong bagay. Narinig ko ang pag tawa ng dalawang tao sa harap ko, ay mali, hindi na pala sila tao kundi bampira. Masayang tumawa ang dalawa na para bang nanonood ito ng sa comedy bar. Now you know why i like her? she's so cute and innocent and shy and brave but a big stubborn . , Tumatawa na turan ni Alexander at tila ba aliw na aliw itong makita ako sa ganitong itsura. Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ng dalawa dahil tumakbo na ako papasok sa loob ng mansiyon upang takasan ang kahihiyan. Nang makapasok ako, dumiretso ako ng kusina upang uminom sana ng tubig, naabutan ko roon ang isang babaeng butler, nag luluto ito ng hapunan, binati ko muna ito bago ako kumuha ng tubig sa ref, ngumiti naman ito at nag tangka pang pigilan ako sa gagawin ko. Ms.Alison , ako na po ang kukuha ng kailangan mo, ano po ang gusto ninyo.? , Turan nito at nakangiting tumitig sa akin. Ahm.. hindi na po kailangan , kaya kona sarili ko. Magalang kong pag tanggi sa alok nito. Sigurado po ba kayo? kong may kailangan po kayo, huwag po kayong magsabi sa akin. , Sagot nito sa akin. May katandaan na ang butler, kong huhulaan ko ang idad nito basi sa itsura , sa tingin ko mga around 50 to 60 years old na sya pero malakas parin, ang totoo marami sila rito ngunit ang matandang butle lamang ang naghahanda ng pagkain at wala ng iba. Maaari po ba ako mag tanong?. ,Magalang kong tanong rito. Oo naman po, ano po iyon Ms.Alison?. ,Nakangiting tugon nito. Taga rito po ba kayo sa Cebu? , Tanong ko rito. Ang totoo nyan, sa Mindanao po ako ipinanganak, pero dito na po ako lumaki at nagkaisip . ,Sagot nito sa akin. Ilang taon ka po nang mag simula kang manilbihan sa pamilya Krauss?. Dagdag ko pang tanong rito. Limang taong gulang, ngunit hindi sa pamilya Krauss , kay master Ezekiel lamang. Seryusong sagot ng matandang butler. Ano pong ibig ninyong sabihin? , ,Nagtataka kong tanong rito. Limampu't anim na taon na ang nakakalipas matapos akong iligtas ni master Ezekiel nang atakihin ng mabangis na nilalang ang sinasakyan namin noon ng akin ina, namatay ang lahat maliban sa akin at dahil iyon kay master, bilang pasasalamat at pag tanaw ng utang na loob, sumumpa ako na pagsisilbihan ko sya hanggang sa aking huling hininga. ,Masaya nitong paglalahad ng kuwento,bakas sa kanyang aura na talagang masaya sya sa kanyang buhay dito sa mansiyon at masaya na pagsilbihan si Alexander. Ilang saglit lang ay nagpaalam na rin ako sa matandang butler, hindi gumagamit ng pangalan ang lahat ng butler maliban na lamang kong tatawagin sila ng kanilang master. Hindi ko inaasahan na mula pagkabata'y naninilbihan na sakanya ang butler na iyon,kaya pala sya lamang ang maaring gumawa o humawak ng pagkain ng master sa mansiyon na ito, sya rin ang nag iisang butler na maaring umakyat sa itaas na palapag. Naisip kong ganon rin dapat ang ginagawa ko ngayon, pero heto ako at walang ginagawa, nang minsan kasing maabutan ako ni Alexander na naglilinis , lahat ng butler sa mansiyon ay naparusahan dahil sa akin, mula noon hindi na ako humawak o gumawa ng kahit anong gawain dito dahil ayokong maparusahan ang iba dahil sa akin. Minabuti kong umakyat na lamang sa silid ni Alexander, dahil wala naman akong gagawin, matutulog na lamang ako. Nang paakyat na ako sa ikatlong palapag, may narinig akong nagtatalo, hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan nila kaya't minabuti kong sundan ang pinagmumulan ng boses, napunta ako sa isang puting pinto, dahan-dahan kong itinulak ang pinto dahil nakaawang din naman ito, nakita ko ang kambal na sina Kevin at Keron, sila pala ang nagtatalo. Kailangan parin nating ipaalam sa kanya ang totoo.. Turan ni kevin na halata sa mukha ang pagka inis. Hindi na mahalaga iyon, kaya kahit malaman pa nya iyon o hindi, wala ng saysay, magugulo lang niyan ang maayos nang takbo ng buhay nila pareho. ,Pasigaw namang sagot ni kevin. Hindi ko man alam ang pinagtatalunan nila, alam kong hindi sila magkasundo sa iisang bagay, aalis na sana ako dahil hindi tama ang makinig sa usapan ng may usapan, nang bigla akong mapansin ni Kevin, biga namang nagbago ang expression ng mukha ni Keron ng makita nya ako, nag lakad naman papalapit sa akin si Kevin . May kailangan ka ba? Ms.Alison? ,Seryusong tanong nito sa akin, hindi naman ako agad naka imik dahil sa klase ng mga titig ni Keron sa akin. Wala naman, napadaan lang ako, narinig ko kasi na parang nagtatalo kayo, naisip ko baka may maitutulong ako sa inyo. ,Sagot ko rio. Ano ba ang kaya mong gawin na hindi namin kayang gawin? Ms.Alison?. , Sabat na sagot ni Keron mula sa likuran ni Kevin. Natulala naman ako sa naging sagot nito sa akin, alam ko naman na may pagka suplado sya, pero hindi ko naman inaakala ang ganito. Ahmm.... kong sabagay tama ka, tao lang ako't bampira kayo, pasensya na sa isturbo., Turan ko bago tumalikod at umalis. Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari, kong sabagay tama naman sya, wala akong kayang gawin na hindi nila kaya. Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ni Alexander, humiga ako sa gitna ng kama at tumingala sa kisame, iniisip ko kong ano ba ang halaga ko sa bahay na to, hanggang hindi kona namalayan , nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD