Redemption

1136 Words
Isang buwan na ang nakakalipas mag mula nang mangyari ang insidente, mula noon hindi kopa nakakausap si Delia, kapag nagkakasalubong naman kami'y umiiwas lamang sya sa akin. Hindi ko man lubusang maintindihan kong bakit ganon na lamang ang galit sa akin ni delia, hinayaan ko na lamang, Si Alexander naman, tuluyan nang nagbago ang pakikitungo nito sa akin, mas lalo pa itong maalaga at malambing sa akin. Sa silid na rin ni Alexander ako natutulog, at tama ang iniisip ninyo, magkatabi kami sa kama nya , mag damag na magkayakap hanggang makatulog pero ni minsan hindi pa sya nagtangkang galawin ako , kahit halik sa labi ay hindi nya ginawa , palagi lamang nya akong hinahalikan sa noo, gusto ko mang itanong iyon sakanya, pero nahihiya ako dahil baka isipin nito'y madumi ang isip ko o kong ano pa mang masama ang isipin nya sa akin. Napag alaman ko ring hindi totoo ang mga napapanood ko sa TV na takot sa araw ang mga bampira, dahil kaya nilang lumabas nang bahay kahit pa katirikan nang araw, tanging pilak lamang ang kahinaan nila na alam ko. Dapit hapon na nang bumaba ako sa unang palapag nang bahay, abala ang mga butler sa kani-kanilang gawain ngunit isa lamang ang maaring umakat sa ikalawa o ikatlong palapag, hindi pa ako nagkakaroon nang pagkakataon itanong iyon kay Alexander dahil bala sya ngayon sa nalalapit na pag bisita nang kaniyang ina dito sa kanyang mansiyon. Naisipan ko nalamang mag tuloy sa hardin , doon na lamang ako magpapalipas nang oras habang nag aantay sa pagbalik ni Alexander at nang iba pa nyang mga kasama . Nang makarating ako sa hardin, nakita ko roon si Delia , nakaupo sya sa isang bench sa gilid nang mga rosas, nakangiti ito habang pinagmamasdan ang ibat-ibang kulay nito,. Iyon ang unang beses ko syang makitang ngumiti, at napakaganda nya, hindi mo aakalaing masungit sya, naisipa ko syang lapitan at kausapin at humingi na rin ng tawad sa gulong idinulot ko sakanya, mag mula kasi nang mangyari iyon, hindi na sya muling isinama ni Alexander sa ano mang lakad nito. Napakaganda nila, hindi ba!? Nakangiti kong turan dito habang nakatutok sa mga mata sa mayayabong na bulaklak, nakatayo naman ako 5 meters mula sa kanya. Tama ka , mga rosas ang paborito kong bulaklak sa lahat. , Masigla naman nitong sagot sa akin na syang ikinagulat ko, hindi ko kasi akalaing papansinin nya ako, ang akala ko aalis lamang sya kapag binati o pinansin ko sya, ngunit mali ako. Gano'n ba? kong sabagay talaga namang napakaganda ng rosas. Ganti kong sagot rito na may himig nang saya sa aking boses. Alam mo bang may ibig sabihin ang bawat kulay nang rosas?, ang sabi nang papa ko, busilak na pag-ibig ang ibig sabihin ng pulang rosas,friendship ang ibig sabihin ng dilaw na rosas, purity and innocence naman ang ibig sabihin ng puti, samantalang kamatayan naman ang ibig sabihin nang itim. ,Turan nito na ikinagulat ko hindi dahil sa meaning nag mga rosas kundi kong bakit nya iyon sinasabi sa akin. Mag sasalita na sana ako nang tumayo sya at nag lakad patungo sa mga rosas, pumitas sya nang dalawang bulaklak gamit ang kanyang matutulis at matalim na koko saka ito lumapit sa akin. Alam natin pareho na hindi naging maganda ang una nating pagkikita, alam ko rin na ako ang mas may malaking kasalanan roon, humihingi ako ng tawad sa lahat nang masasakit na nasabi ko saiyo noon lalo nang ang nagawa kong p*******t at muntik nang pag patay saiyo. , Pag hingi nito nang tawad sa akin habang nakatitig sa aking mga mata, nakikita ko sa mga mata nya na sincere sya sa paghingi nya nag tawad sa akin, nagulat lang ako sa ginawa nya kaya't sandali akong natahimik. Nang makabawi sa pagka gulat saka pa lamang ako nakasagot. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan si Alexander kaya mo nagawa lahat ng iyon at nagpapasalamat ako saiyo dahil nanatili kang tapat sa kanya sa kabila nang ginawa nya sa iyo, patawad din kong naging banta ako sa kaligtasan nang inyong Young Master. , Tugon ko rito, ngumiti naman ito bago muling nagsalita. Wala kang dapat ipagpasalamat dahil ginagawa lamang namin ang aming tungkulin bilang guardian nya, tanggapin mo itong bulaklak, tanda nag aking paghingi ng tawad. ,Turan nito at iniabot sa akin ang dalawang bulaklak. Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak? ., Naguguluhan kong tanong rito. Ang dilaw na rosas ay tanda ng aking kikipagkaibigan and white for my true desire. ,Sagot nito sa akin, nagulat ako sa biglang pagbabago nang kulay nang kanyang labi matapos nyang mag salita. Ahmm... Salamat Delia, maaari ba akong mag tanong? ., Kinakabahan kong turan, sanay huwag itong maiinis sa akin. Oo naman , ano bang gusto mong itanong?. ,Tugon nito. Paano mo nagagawang baguhin ang kulay ng labi mo? dalawang beses na kasi kitang nakitang nagbago ang kulay nag labi sa isang iglap. , Kinakabahan kong tanong rito dahil baka tuloyan na itong magalit dahil sa pagiging pakialamera, hinawakan nito ang kanyang labi bago nag salita. Ito ba? nag babago ang kulay ng labi ko ayun sa damdamin ko, halika ka, maupo tayo at ipapaliwanag ko. ,Turan nito bago ako inakay sa upuan na kanina ay inuupuan nya. Simula nang maging bampira ako, naging ganito na ang mga labi ko. ,Panimula nang pag kuwento nito. Nagiging itim ang kulay nang labi ko kapag malungkot ako, Pula naman kapag nagagalit ako, pink kapag masaya ako. , Nakangiting paliwanag nito. Ibig bang sabihin ito, masaya ka ngayon? , pero bakit!? , Tanong ko pa rito. Dahil alam ko na nagawa kona ang dapat kong gawin.,Sagot nito sa akin na nagpagulo sa isip ko Ano ang ibig mong sabihin? ,Naguguluhan kong tanong. Alam kong mahal ka ng aming young master, alam ko rin na mahal mona rin sya, kaya alam kong dapat ko nang tanggapin na bahagi kana ng buhay nya kaya't isa ka na sa dapat naming protektahan . , Tugon nito bago umupo nang tuwid at tumingin sa malayo. Humanga ako sa katapatang ipinapakita ni delia, kaya nyang kalimutan ang sariling damdamin para sa kanyang master. Muli itong nag salita at tumingin sa aking mata ng direrso. Sa oras na traydorin mo si Ezekiel, katulad nang ginawa nya, itim na rosas ang matatanggap mo mula sa akin at ako mismo ang papatay sayo. ,Kinilabutan ako sa klase nang pagbabanta nya sa akin . Huwag ka mag alala dahil hindi mangyayari iyun, mahal ko sya at gagawin ko ang makakaya ko upang tulungan sya, isa pa may kasunduan ang mga angkan namin. Seryuso ko namang sagot rito. Bago pa makapagsalita syang muli, isang boses ang bigla nalang naming narinig mula sa aming likuran, ikinagulat naming dalawa iyon dahil hindi namin inaasahan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD