Delia POV

1058 Words
Mula nang mag buntis at manganak si lady Amalthea , nasa tabi nya na ako pati na rin sina Elijah, Kevin at Keron upang protektahan sya, lalo na ang sanggol sa sinapupunan nya. Katulad ng isang mortal na bata, mabagal kong lumaki ang young master, tumigil lamang ang pagbabago ng kanyang katawan ng tumungtong sya ng 25 years old, tumigil na ang kanyang pagtanda. Ayun sa nakasaad sa propesiya, siya ang magiging pinaka malakas na bampira at ang susunod na Hari ng mga Hari. Ipinanganak sya at hindi ginawang bampira na syang kauna-unahang pangyayari sa kasaysayan ng mga bampira. Hindi na maari pang magbuntis at manganak ang isang bampira dahil sa venom na dumadaloy sa boong katawan nito na maaring pumatay sa sanggol na nasa sinapupunan nya. Nang maipanganak ni lady Amalthea si master Ezekiel ,lumaki sya na palaging nasa panganib ang kanyang buhay kaya kahit hindi pa panahon upang matutunan nya ang kanyang kakayahan dahil limang taong gulang lamang sya noon , pinilit nya itong palabasin dahil kahit bata pa lamang sya, marami nang nagtatangka sa buhay nya, marahil tutol ang isa sa mga hari ng beast kingdom na magmumula sa Vampire race ang susunod na hari ng mga hari kaya't sinusubukan nilang patayin ito habang hindi pa ganap ang kanyang pagiging hari at hindi pa natutunang gamitin ang kapangyarihan nya. Noong mahina pa sya at hindi nya pa natututunan kontrolin at gamitin ng tama ang kapangyarihan nya, kami ang nagsilbing sheild nya hanggang sa matutunan nya itong kontrolin. Inabot ng 5 taon bago nya natutunang gamitin at kontrolin ang lahat ng kapangyarihan niya maliban sa isa, ang light magic. Ang Mystical Beast kingdom ay binubuo ng mga Vampire's, Werewolf's, Elves, Witches, at ang Bird tribe. Bawat race ay may kanya-kanyang territory na pinamumunuan ng king and queen. Ang bawat hari at reyna ng lahat ng mystical beast ang syang myembro naman ng Beast council, ang nagpapanatili ng kapayapaan sa boong Mystical Beast kingdom, ang Beast council naman ay pinamumunuan ng King of kings, ang sya namang namumuno sa boong beast kingdom . Isa sa isang libong taon isinisilang ang hari ng mga hari sa isa sa mga mystical beast race upang pamunuan ang beast kingdom sa boong mundo. Ang beast king ang magtataglay ng lahat ng kakayahan at kapangyarihan ng bawat mystical beast upang pamunuan sila. Alam kong hindi madali ang responsibilidad na naka atang sa kanyang balikat kaya't gagawin ko ang lahat upang tulungan at protektahan siya sa ano mang paraan, alam ko na ganoon din ang nararamdaman ni Elijah pati na ng kambal dahil lumaki si Ezekiel na kami ang kasa-kasama at nagsilbing kalaro at tagapag-alaga. Nang minsan syang nagkamali at umibig, nakita ko kong gaano sya nahirapan at nasaktan na kahit gaano pa kalakas ang kapangyarihan na meron sya, hindi nya nagawang iligtas ang babaeng kanyang minamahal. Ilang dekada ang lumipas bago nya natutunang tanggapin ang katotohanan, nang naging maayos na ang lahat, doon nya naman nakilala ang anak ng isa sa pinunong butler, ang pamilya Cruz, ancestor ng kauna-unahang butler ng House of Krauss. Nang una kong makita ang sanggol na Alison, alam ko nang magbabalik muli ang ala-alang matagal nya nang kinalimutan , hindi ko alam kong paano nangyari na may pagkakahawig sya sa unang babaeng minahal ng aming young master. Habang lumalaki siya'y lalo nya itong nagiging kamukha na para bang nabuhay syang muli sa katauhan ni Alison. Nang hilingin ni lady Amalthea na protektahan nya si Alison, mahigpit ko iyong tinutulan dahil alam ko na maaring mahulog muli ang kanyang loob sa babae na iyon. Magkakaroon lamang sya ng kahinaan na maaring gamitin laban sa kanya ng kanyang mga kalaban, ilalagay nya lamang ang kanyang sarili sa panganib at obligasyon kong siguraduhin ang kanyang kaligtasan habang hindi pa sya ang Hari. Alam ko na kahit anong tutol ang gawin ko, hindi sya makikinig sa akin kaya't nag volunteer na lamang ako na samahan namin sya ni Elijah na ipinagpasalamat ko naman dahil pumayag sya.Apat na taon kaming pumatay ng mga assassins, nakakapag tataka kong bakit napaka rami ng gustong pumatay sa batang Cruz. Sinubukan kong alamin ang totoong dahilan kong bakit gusto syang patayin ng Dark one. Nang minsang ipag-tos ni young master na bantayan sya dahil kinailangan nyang umalis , isang assassin ang muling nagtangka sa buhay ni Alison, nag panggap akong natalo matapos ko syang bigyan ng malalim na sugat, sapat para manghina sya at tumakas upang masundan ko sya. Ginamit ko ang kakayahan kong maging invisible upang sundan sya sa kanilang kuta. Hindi nga ako nagkamali dahil dumiretso sya sa isang abandonadong bahay sa gitna ng kakahuyan, naabutan nya roon ang tatlo pa nyang kasama. Boss, alam ko na ang kahinaan ng isa sa mga bantay ng babaeng yon. Bibong pag balita nya sa kanyang mga kasamahan kahit pa hirap na itong kumilos. Anong ibig mong sabihin? . ,Tanong ng sa tingin ko syang leader nila. Napatay ko ang babaeng may itim na labi. Sagot nito. Nakita mo bang naging abo sya? . , Paniguradong tanong nito. Hindi ko na hinintay na maging abo sya, umalis na ako bago pa dumating ang mga kasamahan nya. Pagpapalusot nito, halata ang takot sa kanyang mukha. Kung ganon hindi mo sya napatay dahil nagiging abo ang mga bampira kapag napapatay sila. Galit na sigaw ng leader ng mga assassin. Bigla silang nagkagulo dahil sa sinabi ng kanilang pinuno, sandali pa akong nag antay at nakinig kong may mababanggit ba sila tungkol sa kanilang pakay. Nang mainip ako sa pag hihintay , pumasok na ako sa loob na labis na ikinagulat nilang lahat. Salamat sayo dahil hindi na ako mahihirapan pang hanapin kayo, ikaw na mismo ang nag dala sa akin sa mga kasamahan mo. ,Nakangisi kong turan bago ko sila bawian ng buhay gamit lamang ang matutulis kong koko,.Hindi kona kailangan gamitin ang kakayahan ko upang patayin ang mahihinang nilalang na ito. Lightning speed ang tawag ko sa kapangyarihan ko, kaya kong gamitin ang koryente upang makakilos ako ng mabilis, kaya ko rin kontrolin ang kidlat. Matapos iyon, gamit ang aking lighting speed, bumalik ako kong saan ko iniwan si Alison bago ko sundan ang assassins nya, pinatulog ko muna sya bago ko sya itinago sa loob ng locker nya. Naabutan ko syang wala paring malay , ilinapag ko nalamang sya sa resting bed ng school clinic bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD