Alexander Ezekiel POV Part 3

956 Words
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak ni Delia sa leeg si Alison, Hindi na ako nakapag isip pa't mabilis kong sinipa sa tiyan si Delia na naging resulta ng pag tilapon nya sa pader, Agad ko namang sinalo si Alison bago pa ito bumagsak sa sahig, tinangka nitong hawakan ang aking mukha nang hulihin ko ito. Nakita nito ang dugo sa aking mukha, hindi ko napansin ang dugong tumalsik sa aking mukha nang patayin ko ang dalawang Newborn dahil sa pagmamadali kong makabalik sa tabi ni Alison, Nang makita ko ang pag takas ng kamalayan kay Alison, nakaramdam ko ako ng labis na takot na noon ko lamang muling naramdaman sa tanang buhay ko, ganitong takot ang naramdaman ko noong mamatay ang babaeng minsan kong minahal, Agarang lumapit sa akin si Kevin na noo'y kararating pa lamang kasunod ang kambal nitong si Keron , sinalat nito ang pulso ni Alison bago tumingin sa aking mukha. Nawalan lang sya ng malay, magigising din po sya makalipas ang ilang oras lamang,Young master , . Pag agaw nito sa aking pansin, Nang marinig ko ang sinabe ni Kevin, nakahinga ako ng maluwag na malamang ayos lamang s'ya . ilinapag ko muna sa couch sandali si Alison, gamit ang pambihirang bilis, agad kong tinugo ang kinaroroonan ni Delia na noo'y nahihirapang tumayo ng tuwid, Agad kong hinawakan ng mahigpit sa leeg si Delia at iniangat sa ere. BINALAAN NA KITA,; SINABI KO NA SA'YO HUWAG NA HUWAG MONG SINUSUWAY ANG UTOS KO HINDI BA?;! PERO GINAWA MO PARIN, INUTOS KONG BANTAYAN AT PROTEKTAHAN NINYO SYA PERO IKAW PA MISMO ANG NANAKIT SAKANYA!. Malamig kong turan at mababakas ang galit, nangingisay naman ito at nahihirapang huminga sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanyang leeg. Young master, kasalanan ko po; hindi ko nagawang pigilan si Delia , nakikiusap po ako, wag mo po syang papatayin. Nag-susumamong turan ni Elijah habang nakaluhod sa aking harapan.bakas ang lungkot at takot sa kanyang mukha. Wala akong balak palagpasin ang ginawang pagsuway ni Delia sa utos ko, hindi ko kailangan ang tauhang hindi marunong sumunod sa aking pinag-uutos . Alam kong mayroong pagtingin si Elijah kay Delia nguni't hindi iyon batid ni Delia dahil abala sya sa pagsunod sa akin, Hindi ko gustong masaktan si Elijah dahil bukod sa kanang kamay, matalik ko din syang kaibigan, I'm sorry Elijah, ngunit hindi ko matatanggap ang ginawang pag suway ni Delia sa utos ko. Tugon ko sa pakiusap nito. Nang akmang tatapusin ko na ang buhay ni Delia nang biglang may maliit na bisig ang pumulupot sa aking baywang, mainit ang kanyang katawan ngunit nanginginig na hindi ko mawari kong bakit, si Alison ang nagmamay-ari ng bisig na iyon. Pakiusap ,huwag mo syang papatayin, kakampi mo sya Alexander Ezekiel . ako ang may kasalanan kong bakit nagawa iyon ni Delia, wala syang ginawa na ikakapahamak mo.. ,Umiiyak na turan nito habang naka-yakap sa aking likuran. Hindi ko namalayan ang pag lapit nya sa akin, marahil sa labis-labis na galit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Dahan-dahan kong binitiwan si Delia na noo'y nahihirapang huminga dahil sa higpit ng pagkaka sakal ko sakanya at hinarap si alison, agad namang sinalo ni Elijah si Delia at inalalayang tumayo. Bakit ka umiiyak ? may masakit ba sayo? Natakot ka kita?,im sorry .im sorry.. Kinakabahan kong turan at yinakap na lamang ito dahil wala paring humpay ang pagdaloy ng luha nito sa mapupula niyang pisngi. Hindi ko gustong mag-away kayo dahil sakin, patawarin mo ako kong nagiging pabigat na ako sa inyo, Alexander mahalaga ka sa kanila kaya sila nagkaka ganyan, ako ang gumulo sa buhay ninyo. , Lumuluha nitong sagot sa akin, hindi ko nagawang sumagot sa mga sinabi n'ya. Delia, magiging maayos ba ang lahat kong aalis ako sa buhay ninyo? babalik ba kayo sa dati? ,Malungkot nitong tanong kay delia. Gulat na gulat naman si delia sa mga narinig n'yang sinabi ni alison. Bago pa ako makapag salita'y nawalan na muli ng malay si alison, natarana naman ako ng makita ko iyon, agad namang lumapit si kevin upang tingnan si alson, ( kevin- licensed medical doctor, keron- licensed surgeon ) Nawalan lamang sya ng malay dahil sa labis na pagod, hindi pa sya lubusang nakakabawi ng lakas.,Agad na turan ni Kevin upang pakalmahin ako , Nang malaman kong ayos lamang ang kalagayan ni alison, binuhat ko sya upang dalhin sa sarili kong silid, mas mapapanatag ako kong ako mismo ang mag babantay sakanya, nilingon ko ang dalawa na nakatayo parin sa gilid. Ito na ang huli mong pagkakataon, magpasalamat ka kay alison dahil pinigilan nya akong dukutin ang puso mo dahil kong hindi, sa labas na ng katawan mo titibok yan, suwayin mo pa uli ang utos ko, kahit si alison hindi na magagawa muling pigilan ako, naiintindihan mo ba? ,Malamig at walang buhay kong turan kay Delia . Hindi kona hinintay pang sumagot sya at nag teleport patungo sa kwarto ko, maingat ko sya ilinapag sa kama at inayos ang kumot, mahimbing syang natutulog, nag pasya akong maligo muna bago humiga sa tabi nya upang mawala ang amoy ng dugo sa katawan ko, nang matapos akong maligo, nag suot lamang ako ng boxer shorts at humiga na sa tabi ni alison. Pinagmasdan ko ang mukha nya, napakaganda nya sa malapitan, mapayapang natutulog sa aking tabi ang diwatang hindi ko inaasahang mamahalin ko, oo mahal ko na sya, napagtanto ko iyon nang akala ko'y nawala na sya sa akin, hindi ko hihintayin na maging totoo ang kinakatakutan ko bago ko aminin sa sarili kong mahal kona sya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng babae na minamahal ko ngayon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD