Delia POV part2

1343 Words
Nang mag balik na si Ezekiel kasama si Elijah at ang kambal, mas minabuti kong huwag na lamang ipaalam ang nangyari, bukod sa wala akong nakuhang sagot sa hinala ko, wala ring silbi kong sasabihin ko pa, tiyak lamang na magagalit ang young master kapag nalaman nya na iniwan ko si Alison at sinundan ang gustong pumatay sa kanya. Isang Linggo na ang nakakalipas mag mula nang magpadala ng huling grupo ng mga assassins ang Dark one , mula noon wala nang muli pang nagtangka sa buhay ni Alison, nagkamali lang siguro ako ng hinala na espesyal ang babae iyon, ngunit mali rin pala ako dahil makalipas ang isang araw nalaman ko mula kay Elijah ang pagpatay kay Mr. Carpio, ang lahat ng mga hinala ko muling nabuhay. Agad umuwi ng mansiyon si Ezekiel ng malaman nito ang balita, alam kong magkakaroon ng malaking pagbabago dahil sa mga pangyayari. Pormal na kaming nakilala ni Alison ng dumalaw kami sa lamay ni Mr.Carpio, sa araw ding iyon muntik ko na syang mapatay dahil sa kapangahasan nya, hindi ko inaakala na ganoon kalakas ang loob nya na kalabanin ako mabuti na lamang at napigilan ako sa tawa i Ezekiel bago pa maubos ang aking pasensya. Nang matapos ang libing, isinama ni young master si Alison sa sarili nyang tahanan upang mailayo ito sa mga nais pumatay rito , hanggang ngayon misteryo parin sa akin ang dahilan ng mga pagtatangka sa buhay nya, nalaman na rin ito ni Ezekiel dahil sa mga sunod-sunod na pagtatangka sa buhay nya at lantaran na rin ito kong gumalaw. Dalawang araw pa lamang ito sa puder ni Ezekiel ng muli syang pagtangkaang patayin, labis ang pag aalala ni Ezekiel ng hindi nya ito ma hanap sa sala kong saan sila nagkahiwalay dahil nag abala sya na ipagluto ito ng pagkain samantalang hindi nya pa nagagawa iyon sa tanag buhay nya. Lalo pang lumalakas ang pwersa ng mga dark one, dalawang newborn ang ipinadala nila ngayon, mga bampirang hindi pa kumpleto, wala silang ibang alam gawin kundi pumatay, perpektong army para sa mga suicide mission . Gamit ang pambihirang kakayahan ni Ezekiel na maramdaman angkanyang paligid 1 kilometer range, nahanap nya ang kinaruruonan ni Alison.Inutos ni Ezekiel na hulihin ng buhay ang mga ito kaya't un nga ang aming ginawa, magkahiwalay kaming tumakbo ni Elijah sa magkabilang direksyon upang tambangan ang mga halimaw na hayok sa dugo na kasalukuyang humahabol kay Alison, karaniwang na pag sugod at pag patay lamang ang alam ng isang newborn , ngunit iba ang mga ikinikilos ng mga newborn a ito, malalakas at mabibilis sila, bukod pa ron, marunong at magling rin sila umilag sa mga suntok at sipa na ginagawa ko kaya't napilitan akong gamitin ang kakayahan ko upang madakip ito ng buhay. Nakapag tataka dahil kelan man hindi pa ako nakakita ng newborn na marunong makipaglaban. Nang mahuli namin ang mga ito , iniwan ko ito kay keron upang sundan si Ezekiel na buhat-buhat si Alison at wala ng malay at duguan, nag aalala ako sa nakita kong reaksyon nya , ganoon din ang reaksyon nya noong mamatay ang babaeng minahal nya. Sumunod rin si Elijah sa akin , alam kong tulad ko, nag aalala din sya kay Ezekiel, pinaghalong takot at galit ang mababanaag sa mukha nya bago ito nag teleport pabalik ng masyon. Naabutan namin ito sa labas ng operating room, sa level 2 underground medical facility ng mansyon, naka upo ito sa sahig, habang naka sabunot sa sariling buhok, puno ng dugo ang damit at balisa na parang sa unang pagkakataon sa buong buhay nya nakaramdam sya ng takot, ngayon ko lamang sya nakita ng ganito, kelan man ay hindi ko sya nakitaan ng takot, sa lahat ng pagsasanay na pinagdaanan nya upang palakasin ang katawan nya, pati na rin ang walang awa nyang pag patay sa mga nagnanais pumatay sa kanya. Galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko para kay Alison, hindi mangyayari lahat ng ito kong wala sya sa buhay ni Ezekiel. Nag lakad si Elijah papalapit kaya't sinundan ko sya, nakalapit na kami saka pa lamang nya napansin ang presesya namin na kelan man ay hindi nangyare,. Nahuli na namin sila, nasa kulongan kasama ang kambal , Turan ni Elijah, walang naging sagot si Ezekiel sa sinabe ni Elijah, nanatili lamang itong nakayuko. Magsasalita pa lamang ako ng biglang lumabas sa pinto ang doctor na gumagamot kay alison, bigla namang tumayo si Ezekiel at sinalubong ang doctor. How is she?..... Agarang tanong nito sa doctor. Ligtas na ang po sya Young master, sa ngayon kailangan na lamang po nya magpahinga, binigyan kona sya ng pampatulog ,ililipat na lamang po sya sa kwarto nya at maaari mo na po sya makita. Sagot ng doctor kay Ezekiel. Matapos magpaliwanag ng doctor, muling bumukas ang pinto ng operating room, mga nurse iyon tulak-tulak ang hospital bed kong saan nakahiga si Alison, nakasuot ito ng oxygen mask, tumigil sandali ang mga nurse ng maglakad papalapit si Ezekiel ,hinaplos nya ang pisngi ng mahimbing na natutulog na Alison, pumonta ito ito sa paanan ni Alison at maingat nya itong itinulak patungo sa elevator, sumunod naman sakanya ang dalawa na lalaking nurse at ang doctor kaya't sumunod na rin kami sakanya. Nang makarating sa kwarto ni Alison, lumapit ang dalawang nurse upang sana'y ilipat sya sa bed ng pigilan ito ni Ezekiel ng nakamamatay na titig. Hindi na kayo kailangan rito, si Dr.Miles na ang bahala kay Alison kaya't makakaalis na kayo . Masungit nitong turan sa mga nurse, para namang tinakasan ng kaluluwa ng dalawa dahil sa takot. Nang makaalis na ito, muli nyang ibinaling ang tingin kay Alison at maingat na binuhat papunta sa kama habang si Dr.Miles naman ang nag ayos ng kanyang Dextrose at oxygen tank sa tabi ng kama, walang kahirap-hirap na binuhat ni Dr.Miles ang oxygen tank dahil gaya namin , isa rin syang bampira na nagsisilbi sa House of Krauss. Nang masiguro na ayos na ang lagay ni Alison, humarap sa amin si Ezekiel at nag bigay ng utos. You two stay here and protect her while im gone. Pag bibigay nito nang utos, yumuko naman kami bago sumagot. As you wish young master. , Matapos marinig ang aming sagot, nag teleport ito sa lugar na tiyak na kanyang pupuntahan. Tumalikod si Elijah at naglakad patungo sa pinto at doon tumayo ng tuwid, ginaya ko nalamang ang ginawa nya at tumayo sa kabilang gilid ng pinto. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang oras, nanatiling walang malay si Alison samantalang hindi pa din bumabalik si Ezekiel, nag aalala na ako na baka kong ano na ang ginagawa nya, kaya ng umalis si Dr.Miles pang kumuha ng panibagong dextrose, sinamantala ko iyon upang lumabas para hanapin si Ezekiel, gamit ang pambihirang bilis, agad akong nakarating sala sa isang kisap mata lamang, nang lalabas na sana ako ng pinto , hinarang ako ni Elijah na ipinag taka ko. Anong ginagawa mo Elijah? tumabi ka dahil kailangan kong hanapin si Ezekiel, baka kong ano na ang mapanganib na bagay ang ginagawa nya.Lalagpasan kona sana sya ng muli syang humarang. Ikaw ang dapat kong tanongin nyan Delia!, anong ginagawa mo? malinaw ang utos na ibinigay ni young master, manatili rito at protektahan si Alison. , Turan nito na bakas sa boses ang inis. Si Ezekiel ang master ko at sya ang dapat kong protektahan, nalimutan mona ba? manatili ka rito kong gusto mo basta ako hahanapin ko sya. , Naiinis ko nang sagot rito. Ikaw ang nakakalimut Delia, alam mo na pinaka ayaw ni Ezekiel ang sinusuway ang utos nya, alam mo ang mangyayari kapag sinuway mo ang utos nya. Turan nito. Wala akong pakialam kong magalit sya El,mas mahalaga sa akin ang kaligtasan nya kesa sa kaligtasan ng babae na iyon, hindi ka ba nagagalit?.. Walang imik na nakatitig sa akin si Elijah Hindi malalagay sa panganib si Ezekiel kong hindi dahil sa babae na iyon, Matagal na panahong nanahimik si Ezekiel at iniiwasang kalabanin ang kahit sino lalo na ang dark one habang hindi pa sya lubusang nagiging hari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD