Elijah POV

697 Words
Alam kong nag aalala ka para kay Ezekiel, pero alam mong higit na mas malakas sya kesa sa akala mo, sya ang magiging hari ng lahat ng mga hari. Pangungumbinsi ko kay delia na nagpupumilit na umalis at suwayin ang utos ni Ezekiel. Alam kong malakas sya , pero nagiging kahinaan nya ang babaeng iyon at hindi iyon makakabuti sakanya. Pasigaw na turan nito, kitang kita ko kong gaano kalaki ang galit ni delia. Alam mong wala tayong magagawa sa pasya nya kundi sumunod dahil...... Naputol ang sasabihin ko nang may maramdaman akong presensya mula sa likuran ko, si Alison iyon, nanghihinang nakatayo sa gilid ng pader. Magtatanong pa lamang sana iyo ng biglang sumabat si delia sa sasabihin sana nito. Hinahanap mo si Ezekiel? his there, facing danger to fix your mess. Galit na turan ni Delia kay Alison. Palaging mainit ang ulo ni delia, bibihira lamang ang pagkakataon na kalmado sya, matagal na kaming magkasama pero ni minsan hindi ko pa sya nakitang ngumiti ganon din ang magalit ng ganito. Anong " Mess " ang pinagsasabi mo? tyaka inaano ba kita? bakit palagi ka nalang galit sa'kin?. Matapang na sumagot si Alison sa kabila ng nakikita nyang aura ni delia.Kinakabahan ako sa paraan ng pag sagot ni Alison kay Delia. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot para sa kahahantungan nito HINDI MO ALAM KONG BAKIT GALIT AKO SAYO? DAHIL SALOT KA SA BUHAY NI EZEKIEL LALO NA SA'KIN, MULA NG DUMATING KA SA BUHAY NI EZEKIEL,WALA NA SYANG IBANG GINAWA KUNDI PROTEKTAHAN KA KAHIT PA NALALAGAY SYA SA PANGANIB. Malakas ang boses na sagot ni delia. Biglang nagbago ang kulay ng labi ni Delia, senyales ng pagbabago ng damdamin nya . AALISIN NA KITA SA LANDAS KO NANG SA GAYON BUMALIK NA SA DATI SI EZEKIEL AT HINDI NA SYA KAYLAN MAN MALALAGAY SA PANGANIB AT HINDI NYA NA RIN KAILANGAN HARAPIN ANG MGA 'DARK ONE'., Bago pa ako maka react, hawak nya na sa leeg si Alison, bumaun na rin ang mahahaba nyang koku sa balat nito. Mag isip ka muna bago mo gawin yan, alam mong kamumuhian ka ni Eze kapag ginalaw mo ang babaeng iyan. Hinding-hindi ka nya mapapatawad. , Hinawakan ko ang kamay nya ng tangkain nitong dukutin ang puso ni Alison. Mag isip ka muna bago mo gawin yan, alam mong kamumuhian ka ni Eze kapag ginalaw mo ang babaeng iyan. Hinding-hindi ka nya mapapatawad. , Pag pigil ko rito. Bigla namang nag bago ang reaction ng mukha nya , noon pa lang alam kona na si Ezekiel ang kahinaan nya dahil minahal nya ito na parang isang tunay na anak. Si Ezekiel ang nakatakdang susunod na hari ng mga hari, nang isilang sya ni Lady Amalthea, ako at si Delia ang madalas nyang makasama habang si Kevin at Keron naman ang naghahanda ng dugo na nagsisilbi yang pagkain. Walang gatas na lumabas kay lady Amalthea. Marahil dahil isa syang bampira. Kaming apat ang nagsisilbi nyang "Royal Guard". Walang sino man ang nakakalapit kay Ezekiel kundi kaming apat lamang maliban kay Lord Gaius at Lady Amalthea. Sa kasaysayan ng mga bampira, si Ezekiel pa lamang ang kauna-unahang bampira ang may kakayahan na kumain ng dugo at pagkain ng mortal, habang lumalaki sya, nakikita rin ang kaibahan nya sa lahat ng bampira, na tutu si delia gumawa ng pagkain ng mortal dahil kay Ezekiel. Minsan ko syang tinanong kong bakit labis ang pag aalala nya kay Ezekiel, ang sagot nya lamang sakin, pakiramdam nya raw anak nya si Ezekiel. Nag aagaw buhay na noon si Delia ng matagpuan namin sya ni Lord Gaius, duguan at halatang bagong panganak lamang. Nang gawin syang bampira ni Lord Gaius, nakalimutan na nya ang lahat ng nakaraan nya, hindi nya rin inalam kong ano ang nangyare sakanya ng gabing iyon. Marahil iyon ang dahilan kong bakit ganoon na lamang ang pagmamahal nya kay Ezekiel . Unti-unti namang lumuwag ang pagkakahawak nya sa leeg ni Alison . ngunit bago pa man nya mabitawan si Alison, sya ring pag dating ni Ezekiel at nakita nitong hawak sa leeg ni delia si alison kaya't agad nya itong sinipa sa tiyan dahilan ng pag tilapun nito .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD