Pagsibol nag Pag-ibig

1401 Words
Madaling araw na nang magising ako, kumakalam ang sikmura ko sa labis na gutom, hindi ko na matandaan kong kelan ang huling beses akong kumain, mag mula noong dumating ako sa bahay ni Alexander, hindi pa ako kumain ng kahit ano, hindi ko alam kong pano ko pa nagagawang gumalaw samantalang wala pa akong matinong kain noong lamay ni lolo at lalo na nang mapunta na ako sa bahay na ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid , sigurado akong silid ito ni Alexander, nang lumingon naman ako sa tabi ko'y nakita ko syang mahimbing na natutulog , kahit pala bampira'y natutulog rin, ang akala ko kasi hindi sila dinadalaw nang antok. Hindi ko sana nais na gisingin at estorbuhin ang pagtulog niya ngunit hindi ko ma igalaw ang aking katawan, hindi ko alam kong dahil ba iyon sa labis na gutom, kapag nag hintay pa ako ng liwanag baka hindi ko na kayanin at ikamatay ko na ang labis na iyon. Pinilit kong igalaw ang aking mga kamay upang mahawakan at magising ko sya, sinubukan kong tawagin sya ngunit wala nang lumalabas na boses sa aking bibig, nag tagumpay naman akong hawakan at yugyugin ang katawan nya ng dahan-dahan , agad din syang nagising at nagulat pa nga sa ginawa ko. Alison, gising ka na , may masakit ba sa iyo? anong kailangan mo, sabihin mo lang ,. Natataranta namang tanong nito sa akin. Sinubukan kong mag salita ngunit wala talagang boses na lumalabas sa aking bibig. Hinimas ko na lamang ang aking tiyan at nag babaka sakaling maintindihan nya ang nais kong sabihin, lumapit naman ito sa aking tiyan at itinapat doon ang kanyang taynga na mukhang nag aasar pa dahil sa ngisi nito sa mga labi, Bigla kasing kumulo ang aking tiyan na hindi ko inaasahan. Mukhang dragon na ang naninirahan sa iyong tiyan, napaka lakas kong kumulo. , Turan nito habang tumatawa. Bumangon din naman ito at bigla na lamang naglaho, nagulat naman ako dahil hindi parin ako sanay sa mga kapangyarihang taglay nila, Hindi naman nagtagal nang bumalik sya dala ang isang trolley na punong puno ng pagkain, bigla akong nag laway sa amoy ng pagkain. Inayos nya iyon sa mesang naroon sa kanyang silid bago nya ako binuhat patungo roon, Agad ko naman sinimulang kumain nang mailagay nya ako sa upuan. hey ...slowly, no one will take your food away. Nakangisi nitong turan. sinimangutan ko naman sya dahil don. Kasalanan mo kong bakit matakaw ako ngayon, ikaw ba naman hindi pakainin nang halos isa't kalahating araw kong hindi ka magiging patay gutom. ,Simangot kong sagot na nagpatawa lamang rito. I know, i'm sorry;, from now on hindi na kita gugutumin , baka ako pa ang kainin mo e. Tumatawa namang pang aasar pa nito sa akin. Hindi ko nalaman sinagot pa ang pang aasar nito sa akin, Itinuon ko ang buong atensyon ko sa steak na kinakain ko, sa buong buhay ko ngayon lamang sumarap ang steak sa panlasa ko, hindi ko kasi noon magustuhan ang lasa nito pero ngayon parang isa na yata ito sa paborito ko, Nang maubos ko ang steak, sunod kong linantakan ang baked macaroni at isinunod ko ang susie, lobster stew at iba pang pagkain na hindi ko alam kong ano ang tawag, hanggang disert na honey butter cake. Nang maubos ko lahat ng laman nang mesa, saka pa lamang ako tumingin kay Alexander na noo'y kasalukuyan palang nanood sa akin, manghang-mangha sya dahil naubos ko lahat nang dala nyang pagkain. Hindi naman halata na gutom na gutom ka , hindi mo man lang ako tinirhan kahit isa ., Pang aasar pa nito sa akin. Nagulat naman ako sa mga sinabi nya. Kumakain kayo ng pagkain nang tao? Gulat kong tanong. Hmm.... basically hindi lahat, pero puwede naman , Sagot nito. Ah..ang akala ko kasi dugo at laman lang ng tao ang pwede ninyong kainin. ,, Seryuso kong turan na wari'y nag iisip. Malakas naman syang tumawa na para bang nanonood sya ng comedy show, Ano bang nakakatawa at kong maka tawa ka daig mopa ang nanonood ng nagpapatawa?. ,Naguguluhan ko namang tanong. Saang movie mo ba kasi napanood na kumakain ang bampira ng laman ng tao?. ,Tumatawa ninong tanong na halos maiyak na sa kakatawa. Bakit mali ba ako? hindi ba iyon ang kinakain mo? .,Tanong kopa rito. Umiinom lang kami ng dugo un lang, pero hindi kami kumakain ng katawan ng tao, Kapag naka inum na kami ng dugo napapawi na non ang gutom na nararamdaman namin. , Naka ngisi nitong sagot. Bigla naman akong nahiya sa mga pinagsasabi ko. hindi ko akalain na kumakain din pala sila ng pagkain ng tao kaya pala puno ng groceries ang pantry nila. muli naman syang nag salita nang mapansin nitong bigla akong nanahimik. Hindi lahat ng bampira kayang kumain ng pagkain ng tao, Parang kagaya lang ng tao, hindi lahat kayang kumain ng maanghang na pagkain, para sa ibang bampira, katumbas ng pagkain ng stirofoam ang pakiramdam ng pagkain ng pagkaing tao, kaya karamihan dugo na ang bumubuhay sakanila. Mahabang litanya nito. Nakatitig lamang ako sa mukha nya habang nag sasalita sya, nakikita ko na parang na aaliw sya sa pagpapaliwanag sa akin. e ikaw? , kumakain ka ba ng pagkain ng tao? ,Tanong ko rito. oo, dahil naiiba ako sa lahat, Isinilang ako at hindi ginawa., Seryuso nitong sagot. Anong ibig mong sabihin ., tanong ko rito. Karaniwang na kagat ang nagiging dahilan ng pagiging bampira , ngunit iba ang sa akin., sa kasaysayan ng mga bampira, ako ang kauna-unahang bampira na ipinag-buntis at ipinanganak. ,Pagpapaliwanag nito. Namangha ako sa mga sinabi nya, ang buong akala ko dugo lamang ang pagkain ng mga bampira, ang mas ikinagulat ko pa'y pinanganak sya, ilang minuto akong hindi nakapag salita. Pasensya kana kong naubos ko lahat ng pagkaing dala mo, subra lang akong gutom, hindi ko rin akalain na kumakain ka ng pagkaing tao. ,Turan ko dito. Ngumiti naman ito at lumapit sa akin at naupo sa arm chair ng kinauupuan ko. Masaya akong naubos mo ang dala kong pagkain, para sa'yo talaga lahat ng pagkaing dinala ko. ,Naka ngiti nitong sagot. Marahan niyang pinisil ang aking pisngi't hinagkan ang aking noo. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa kanyang ginawa, yumuko na lamang ako upang itago ang pamumula nang aking pisngi. Bigla ko na lamang naramdaman ang pag angat ko sa upuan, binuhat nya na pala ako upang dalhin muli sa kama. Masyado pang maaga, matulog pa tayong muli. ,Nakangiti nitong turan,. Nakakapanibago ang ikinikilos nya, ilang araw pa lamang akong nananatili sa tabi nya pero alam ko nang may nagbago sa kanya ngunit hindi ko iyon maipaliwanag. Kinabukasan, tanghali na nang magising ako, hindi ko maintindihan pero parang nagiging hobby ko na ang pag-gising ng tanghali, napangiti ako sa aking naisip, hindi ko naman napansing pinapanood na pala ako ng aking katabi. Mukhang maganda yata ang gising mo, ang ganda mong pag-masdan kapag nakangiti ka. ,Nakangiti nitong turan habang naka tagilid ito paharap sa akin , natulala ako dahil sa mga ngiti nito sa akin, alam ko namang guwapo sya pero ibang level kapag ngumingiti sya, nakakatunaw ng panty... este puso, namula ako sa mga naiisip ko, ipinilig ko ang aking ulo upang iwaglit ang mga naiisip. Bumangon ako sa kama at tangkang bumaba ng pigilan ako nito. Hey... where are you going?, hindi kapa maaring mag gagalaw,. Nag aalala itong tanong sa akin. Sa banyo lang ako pupunta, wag ka mag alala, kaya kona naman, isa pa malapit lang naman ang banyo kaya...Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang bigla na lamang nya ako binuhat, mag po protesta pa sana ako ng mag salita ito. Don't you try to say a thing or i'll kiss you. , Seryusong turan nito. Pero kasi...Pag tutol kopa sana ng mag salita itong muli. Try me baby... Pag hamon pa nito kaya't nanahimik na lamang ako, Hindi naman nag tagal nakarating na kami sa banyo, ibinaba ako nito sa tapat nang toilet bowl, tumalikod lamang ito at hindi umalis. Lumabas ka muna , kaya kona rito, please. Pakiusap ko rito dahil mukhang wala itong balak na lumabas. Lumingon naman ito bago huminga ng malalim. Fine, pero tawagin mo ako kapag tapos kana, huwag kang mag kikilos mag isa dahil maaring bumukas muli ang iyong mga sugat. Pag paalala nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD