Elijah POV 2

505 Words
Nagkabitak-bitak ang pader na tinamaan ni Delia dahil sa lakas ng impact, ng makita ko ang pag bagsak nya sa sahig doon pa lamang ako naka bawi at linapita sya upang alalayan na makatayo, sumuka na sya ng dugo habang hawak ang dibdib na tinamaan ng sipa ni Ezekiel. Awang-awa ako sa kalagayan ni Delia, alam kong kaligtasan lamang ni Ezekiel ang hangad nya pero sumubra ang pakikialam nya kaya nangyari ito sakanya. Nang maka tayo na sya, lumingon ako kay Alison na noo'y buhat na ni Ezekiel,wala syang malay tao, naroon na rin noon ang kambal. Ngayon ko lamang nakita na maging ganito si Ezekiel sa isang mortal. Sandali syang lumingon sa amin bago nya dahan-dahan at puno ng pag iingat ang bawat kilos ni Ezekiel na ilinapag si Alison sa kalapit na couch, nang masiguro na maayos na itong nakahiga ,nag lakad ito palapit sa amin, nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig kay Delia. Nanginig sa takot si Delia sa nakitang reaksyon ni Ezekiel. Walang kahirap-hirap nyang inangat sa ere si Delia gamit lamang ang isang kamay, mahigpit ang hawak nya sa leeg nito at may intensyon na tapusin ang buhay nito. Binalaan na kita hindi ba! huwag na huwag mong suwayin ang utos ko, pero hindi ka nakinig. Iniutos kong protektahan ninyo si Alison, pero ikaw pa mismo ang magtatangka sa buhay nya?. Biglang naging itim ang kulay ng mga mata ni Ezekiel habang galit na galit na nakatitig kay Delia. Alam kong wala kahit isa ang may kakayahan sa amin na baguhin ang isip ni Ezekiel oras na magalit na ito, kahit si lord Gaius walang nagawa ng minsan itong magalit. Alam kong mamamatay si Delia kapag wala akong ginawa pero kailan man ay hindi ko pa nagawang kontrahin ang ano mang pasya nya. Ganon pa man gusto ko paring subukan. Young master, kasalanan ko po; hindi ko nagawang pigilan si Delia , nakikiusap po ako, wag mo pong tapusin ang buhay nya. Pakiusap ko rito. ngumiti hindi nito nabago ang isip nya. Nang nawawalan na ako ng pag-asa na makakaligtas pa si Delia, bigla na lamang kami nakarinig ng boses. Pakiusap ,huwag mo syang papatayin, kakampi mo sya Alexander Ezekiel . ako ang may kasalanan kong bakit nagawa iyon ni Delia, wala syang ginawa na ikakapahamak mo. Umiiyak na pakiusap ni Alison habang nakayakap ito sa likod ni Ezekiel. Biglang lumambot ang mukha nya ng marinig ang boses ng babae, nang hihina ito at halatang pinilit lamang gumalaw. Dahan-dahang binitiwan ni Ezekiel si Delia at humarap kay Alison. Hindi kona narinig pa ang usapan nila dahil sa labis na pag aalala kay Delia. nakatitig lamang ako sa mukha nya na mababakas ang lungkot. Napukaw lamang ang atensiyon ko ng natatarantang tinatawag ni Ezekiel ang pangalan ni Alison, nawalan na pala ito ng malay. Dagli namang lumapit si Kevin upang tignan ang kalagayan nito. Nawalan lamang sya ng malay dahil sa labis na pagod, hindi pa sya lubusang nakakabawi ng lakas. Turan ni Kevin na sya namang nagpa kalma kay Ezekiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD