Elijah POV 3

514 Words
Matapos balaan ni Ezekiel, dinala ko si Delia sa sarili nitong silid. Tumutulo ang luha nito habang nakatingin sa kawalan na para bang ngayon nya lamang sinuway ang utos ni Ezekiel. Maraming beses nya nang sinuway ang utos nito pero ito ang unang pagkakataon na nag react si Ezekiel ng ganito na umabot sa puntong mag disisyon itong tapusin ang buhay ng babaeng minsan nyang tinawag na mama. Marahil sumubra na sa pakikialam si Delia at hindi na nito kinaya pang palagpasin. Hindi ko alam ko bakit ganito ang ikinikilos ni Delia, hindi ganito ang karaniwang nagiging reaction nya sa tuwing nagkasagutan sila ni Ezekiel. May pakiramdam ako na may bagay akong hindi alam o hindi narinig sa usapan kanina lamang. Masyadong magulo ang utak ko kaya't hindi kona narinig pa ang mga salitang binitawan ni Alison bago ito mawalan ng malay. Ilang araw na ang nakakalipas magmula ng mangyari ang insidente, mula noon hindi pa muling nagtagpo ang landas ni Alison at Delia, pinagbawalan na rin ni Ezekiel na sumama si Delia sa kahit anong mission na isa sa pinaka gustong gawin nito .Alam kong masama parin ang loob ni Ezekiel sa nangyari at hindi ko sya masisisi. Nang minsang magkaroon kami ng mission at kinailangan sumama ni Ezekiel, si Alison at Delia lamang ang naiwan na labis na ipinag alala ni Ezekiel ka'y minadali nitong matapos ang mission upang makabalik agad sa mansion. Naabutan naming masayang nag uusap ang dalawa sa gitna ng mayabong na bulaklak sa hardin. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita kong ngumiti si Delia at mukhang masaya talaga sya. Samantalang si Alison nama'y may hawak na kumpol ng ibat-ibang kulay na rosas, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko gayundin si Ezekiel dahil ito ang unang pagkakataon na may ibang nakalapit sa rosas na pinakamamahal nya, lalo pa ang pumitas at bigyan ang sino man mula sa tanim nito na labis nyang iniingatan. Ang pinakaiingatang lugar ni Delia na walang sino man ang maaring lumapit kahit pa si Ezekiel. Nakita ko rin ang saya sa mukha ni Ezekiel, masaya syang makita na nagkasundo na ang dalawa sa tatlong babaeng mahalaga sakanya. Nang mapansin nila ang presensya namin, masayang lumapit si Ezekiel kay Alison at hinalikan ito sa pisngi. Masaya akong makita na nagkakasundo na kayo. ,Turan nito at muling hinagkan ang noo ni Alison. Humihingi ako ng tawad sa naging kilos ko, Young master. Bigyan ninyo po ako ng huling pagkakataon at ipinapangako kong poprotektahan ko si Alison ikamatay ko man ., Nakayuko nitong pagsusumamo. Alright, naniniwala akong hindi mo ako muling bibiguin, thank you. Sagot ni Ezekiel sa pakiusap nito. Ngumiti si Delia kay Ezekiel at Alison bako nagpaalam . Sinundan ko naman sya na noo'y patungo sa training ground. And what plan are you cooking now?. Tanong ko rito na nagpataas ng isang kilay nito bago sumuntok at sumipa sa ere. Wala akong pinaplanong masama. Gusto ko lang maging maayos ang lahat. Isa pa, mukhang masaya naman si Ezekiel kaya wala na akong dahilan para pigilan pa sila. , Seryusong tugon nito bago nagpatuloy sa ginagawang ensayo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD