PROLOGUE pt. 5
Marianette’s PoV
Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang misyon na inalok ni Secretary Magtibay. Inakala ko na isang national threat ang kailangan niyang tugunan, ngunit personal na problema pala ang nais niyang solusyonan. Bilang isang taong gobyerno na nagtatrabaho sa larangan ng depensa, hindi na bago ang kaliwa't kanang death threats. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lamang siya mismo ang nasa panganib, kundi pati na rin ang buong pamilya niya.
Ang pinaka tago-tagong anak sa labas ni Sec Magtibay ay dinukot ng kriminal na grupo. Ang anak niyang ito ay nabuo sa pagtataksil kaya isa itong eskandalo na pilit niyang tinatago.
Kidnap for ransom ngunit hindi makatarungan ang halagang hinihingi. Bukod pa do’n ay humihingi pa ang leader nito ng proteksyon o immunity para makatakas sa parusa ng batas. Bina-blackmail pa siya na kung hindi siya susunod sa mga gustong mangyari nito at ibigay ang 50 million ay ibebenta sa isang prostitution syndicate ang dalagita niyang bastarda sa ibang bansa at lalabas ang lahat ng baho niya bilang kawani ng gobyerno.
Si Secretary Magtibay ay candidate pa naman for Dangal ng Bayan Awardee, isa ito sa pinaka mataas na karangalan na pwedeng ipagkaloob sa isang empleyado ng gobyerno na nagpakita ng pambihirang kabutihang-asal, katapatan, at integridad sa kanilang serbisyong publiko. Kung gagamitin niya ang kapangyarihan niya bilang secretary of defense ay maisasapubliko ang nangyari sa illegitimate daughter niya at huhusgahan siya ng taong-bayan at hindi na makakamit ang pinaka-aasam na prestigious award at ang kalakip pa na cash incentives at kung ano pang benefits.
Pinili niyang patumbahin ang grupong ‘yon dahil siguradong paulit-ulit lang siyang guguluhin ng mga ito kung hindi niya pupuksain. Kaya dumulog siya kay Mr. Bantug imbis na pagalawin ang galamay niya sa loob ng ahensiyang kanyang nasasakupan. Siguradong may mag ta-traydor sa kanya dahil marami rin na gusto siyang pabagsakin at patalsikin sa pwesto.
“Tiwala ako sa’yo, Foxy. Iligtas mo si Cristina. Hindi ko man siya maipagmalaki sa publiko, but God knows how much I love her,” paki-usap ni Secretary Magtibay noong huli naming pag uusap.
Nakita ko ang pagmamaka-awa sa mga mata ni Sec Magtibay at lungkot sa kanyang boses para iligtas ko ang anak niya. Matinding professionalism ang pinakita niya noong nagpunta siya sa barracks aKaya kahit pa solo ko ang misyon ay buo ang loob ko na kunin at kumilos mag isa. Kakayanin naman dahil maliit na grupo lang ‘yon, madaling pasukin at buwagin. Hindi naman ako lubos na nag-iisa dahil naka back-up sa akin ang isang tauhan ni Sec Magtibay na nag-iisa niyang pinagkakatiwalaan. Kung kailangan ng reinforcement ay agad na tutugon.
Ang advantage lang ng grupong ‘yon ay hawak nila si Cristina. Kaya kahit na kakayanin ko naman kahit mag-isa, komplikado pa rin dahil nakasalay ang buhay ng anak ni Sec Magtibay. Kilala pa namang manyakis ang grupo na iyon- bago patayin ay hinahalay muna ang biktima pag tinopak ang boss.
Sa dami ko nang pinaslang at misyon na pinag tagumpayan, alam kong madali na lang ito sa akin. Palihim akong lumabas ng kwarto para hindi ako mahuli ni Ken. Iniiwasan kong makita niya ako dahil siguradong sasama siya sa akin kung ipagpipilitan kong tumuloy sa misyon ko.
Nakalabas ako ng barracks nang matiwasay, alam naman ng sentinel na nagpapatrolya na may nakabinbin akong sikretong misyon, base palang sa suot ko habang sakay-sakay sa motor kong Ducati Panigale. Paborito ko itong dalhin dahil sa mabilis na acceleration para sa mabilisang pagtakas at pag maniobra sa makikitid na eskinita o kalsada.
Naka black leather jacket ako para sa madaling galaw at camouflage sa dilim. May mga hidden pockets sa loob para sa mga maliliit na armas at gadgets. Sa ilalim ng jacket, may suot akong panloob na dark-colored vest na bulletproof para dagdag proteksyon kung sakaling ma-detect ako ng security nila at humantong na sa bakbakan.
Pina-alalahanan ko pa ang gwardiya na kahit anong mangyari ay hindi nila sasabihin na umalis ako kung sakaling magtatanong si Ken. Tingin ko ay hindi niya na kailangan pang magtanong dahil pag nalaman niyang gamit ko ang motor kong Ducati ay alam na niya kung ano ang gagawin ko.
Nang makalabas ako ng barracks, isang huling sulyap sa digital map at blueprint ng location ng target zone para kahit naka-pikit ay alam ko ang pasikot-sikot. Namemorya ko na ang bawat sulok ng safehouse ng grupo nila. Nakasukbit sa aking balikat ang Barrett M82, isang pang malakasang sniper rifle na ginagamit para sa long-distance range. Ang plano kasi ay uunahin ko na agad na tapusin ang leader. Babarilin mula sa malayong distansya. Kung si Ken ay master sa close combat, ako naman ang may expertise sa long-range distance skills. Kapag natamaan na ang leader, dali-dali kong kukunin si Cristina. Kaya pagdating ko sa target location, nag-set up ako ng zip line gamit ang grappling hook gun para mapadali ang transportasyon papuntang kwarto ng leader. Ito rin ang gagamitin ko para sa mabilsang exfiltration namin ni Cristina. Nakabackup naman si Secretary Magtibay kaya tiwala akong malinis kong tatapusin ang misyong ito.
Base sa pag manman at intel namin ni Sec. Magtibay, nasa attic ang kwarto ng leader. Hiwalay siya sa mga tauhan niya, ayaw niyang magpa istorbo. Doon din niya kinukulong ang kaawa-awang dalagitang si Cristina.
Nasa target zone na ako at pumwesto sa pinaka accessible na sniper nest. Sa itaas ng punong Balete ako pumwesto na katapat ang isa sa mga glass window. Ang isang bintana ay nakabukas kaya mas mapapadali ang misyon ko kung tahimk ko itong gagawin- walang bintanang mababasag kapag kinalabit ko na ang gatilyo at tatagos ang bala ng swabe sa target. Nasa liblib na lugar kasi ang safehouse ng grupo, napapaligiran ng iba’t ibang nagtatayugang puno ang safehouse. Isa itong lumang bahay na para nang haunted house. Kaya dim light lang ang ilaw na nagbibigay liwanag.
“In position,” sabi ko kay Secretary Magtibay via earpiece. Naka-higa na ang leader sa kanyang kama. Ibang klase rin ang trip nitong manyakis na boss. Nakahubad pang itaas at brief lang ang manyak na leader. Nakatakip ng itim na tela ang buo nitong mukha, ito ang ginagamit nila sa tuwing dudukot ng bibiktimahin. Nakatayo malapit sa kanya si Cristina, naka blindfold, nakatali ang mga kamay sa likuran nito at naka suot ng sando at panty.
Maingat kong ng binuksan ang aking rifle case, inaayos ang bawat parte ng high-powered sniper rifle. Sinuot ko na ang itim na tactical gear, ang night vision goggles.
Ang mga daliri ko ay naka posisyon na sa trigger. Hinahanap ko ang tamang anggulo at distansya para sa target.
Ready. . . Aim . . . Shoot.
Walang kahirap-hirap, sa isang iglap nangisay na ang leader matapos kong matamaan siya ang bala. Wala na siya.
Habang hinahanda ko na ang sarili ko para gamitin ang naka set-up na zipline para kunin si Cristina . Nakarinig ako ng sigaw ni Sec. Magtibay mula sa earpiece.
“Foxy! Foxy! Get the captive ASAP! He's not the target! You killed the wrong person. Someone’s sabotaging us."
Ah damn it! Fvck! Anas ko sa aking isip. Nasa kalagitnaan na ako ng zipline nang matanggap ko ang mensahe ni Sec. Halata sa boses niya ang frustration. Nanggigigil ako, sino naman kaya ang walanghiyang sasabotahe sa amin?
Ibinuhos ko ang gigil ko sa lalaking biglang nagbukas ng pinto at mukhang inaasahan na niya ang pagdating ko. Bago pa lumapat ang mga paa ko sa sahig, dinukot ko mula sa aking vest ang isang pistol at binaril ang lalaking pumasok. Sinalo niya ang gigil ko, pinatamaan ko siya sa noo.
Nagsisigaw si Cristina na nakatayo malapit sa pinto. Naramdaman niyang may sagupaan na. Nanginginig ang buo niyang katawan, nangangatog ang kanyang mga binti at bago ko pa siya malapitan ay agad na ma lalaking humablot sa kanya, pinulupot ang bisig ng lalaki sa leeg at tinutukan ang kanyang leeg ng baril.
“Sige, subukan mong lumapit at laslas ang lalamunan nito,” sabi ng lalaking nagtatago sa likod ni Cristina para gawin siyang shield. Sabay tawa na parang nang aasar pa.
Ah damn it! Naunahan ako kay Cristina, Siya ang tunay na leader. Isang decoy lang pala ang lalaking binaril ko.
Itinutok na ng leader ang baril niya sa akin. Bago niya pa kalabitin ang gatilyo ay biglang nabasag ang glass window. May trajectory ng bala na gumuhit sa hangin na kumuha ng atensyon ko.
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nandiyan na naman siya.
Deja Vu.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TO BE CONTINUED . . .