PROLOGUE pt. 6

902 Words
PROLOGUE pt. 6 Ken’s PoV Wala namang maitatago si Marianette sa akin. Alam ko ang bawat kilos at galaw niya. Kulang na lang, ako ang humarap sa lahat ng kanyang problema at pinagdadaanan. Kahit nga ang first kiss niya kay Doc Enzo ay nasaksihan ko. Ano bang panama ko sa doktor na ‘yon? Gwapo, edukado, mahal ng mga tao. Higit sa lahat, pilantropo, panay ang kawang-gawa. Habang ako, mamamatay-tao. Kung hihilingin ni Marianette na mamuhay na lang kami ng tahimik ay handa kong talikuran ang pagiging assassin at mauhay na lang kami ng payapa. Hindi ko alam kung bakit ko sinasaktan ang sarili ko. Siguro ganito talaga kapag nagmamahal. Na kahit na tinanggihan ka na at pinagtabuyan ay siya pa rin ang iniisip, inaalala, at gustong makasama. Kaya nang nakita kong magkausap sila ni Secretary Magtibay ay palihim ko nang sinusundan kung ano ang plano niya. Kahit pa naki-usap na siya sa akin na tigil-tigilan ko na ang pakiki-alam sa buhay niya. . . paano ko naman ‘yon gagawin? Lalo pa at may traydor sa grupo. Galit na galit ako dahil tinuloy niya ang misyon. Wala akong alinlangan sa kakayanan niya, isa siyang mahusay na assassin.Hindi niya kailangan ng matinding pisikal na lakas dahil ang kanyang tactical strategy ay kasing-husay ng isang buong team. Bukod dito, may taglay siyang mataas na antas ng precision skill gaya ng sharp shooting. Maganda ang kanyang mga plano, ngunit masyado siyang emosyonal. Hindi niya maisantabi ang personal na nararamdaman, hindi siya makakawala sa emotional attachment. Kaya lagi akong nasa tabi niya para umalalay. Kahit anong ingat niya sa pag-alis, hindi niya ako matatakasan. Pinauna ko na siya sa target location niya. Alam ko naman kung saan ‘yon dahil lihim akong makipag collaborate kay Sec. Magtibay, libre ang serbisyo ko para lang mabantayan si Nette. Nagpaalam na rin ako kay Mr. Bantug. Buti na lang at nangialam ako dahil may sumasabotahe sa misyon ni Nette. Marami ang person of interest, marami ang candidate for hudas. Hindi ko matukoy kung grupo namin o sa panig ni Sec. Magtibay. Most probably, sa kampo niya ang traydor dahil mas marami ang gusto siyang pabagsakin at mawala sa pwesto. Kaya pala malaki-laki ang binayad niya kay Nette. Maliit na grupo man ang target, puno ng kontrobersiya ang misyon, that makes it complicated. “Foxy! Foxy! Get the captive ASAP! He's not the target! You killed the wrong person. Someone’s sabotaging us." Nang marinig ko ang utos ni Sec. Magtibay sa monitor ko ay agad kong iniwan ang surveillance vehicle para tulungan si Nette. Nasa malapit lang ak, nagbabantay. Handa sa ano mang oras na kakailanganin ako ni Nette. Sige, subukan mong lumapit at laslas ang lalamunan nito. Habang nag lilitanya pa ang leader ay naka tutok na ang iniwang Barrett M82 ni Nette na ginamit niya kanina para patayin ang leader. Ito rin ang ginamit ko para paputukan ang totoong may sala. Isang malakas na putok ang bumasag sa katahimikan. Tumagos ang bala sa glass window, nagkalat ang mga piraso ng basag na salamin. Bumagsak sa sahig ang leader at naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Ginamit ko rin ang zipline na sinet-up ni Nette para mabilis na makarating sa kinaroroonan nila ng hostage. Nakita ko na bumilog ang mga mata ni Nette dahil sa pagka bigla. Sinamaan ko siya ng tingin. Galit na galit ako dahil sa ilang beses kong tinutulan ang misyon niyang ito pero hindi siya nakinig sa akin at muli niya akong sinuway. Alam niyang nag pupuyos na ako sa galit kaya nang binuhat ko sa aking balikat ang balikngkinitang katawan ng biktima at hinila ko ang braso ni Nette ay hindi na siya pumalag pa bagkus ay sumunod sa in habang kinakaladkad ang braso niya. Kailangan na naming mag madali. Pinauna ko na siyang gumamit ng zipline bago pa makarating ang iba pang kalaban. Bagamat patay na ang leader, marami pa rin ang natirang miyembro at siguradong malalaban. Hindi na sakop ng misyon namin ang patayin sila isa-isa dahil ang misyon namin ay kunin ng ligtas ang anak ni Secretary Magtibay. “Ako na ang bahala sa bata. Mauna ka na,” utos ko kay Marianette at walang pagtangging sinunod ang utos ko. “Mission clear, boss. Nasa akin na ang anak mo. Meet her at the barracks,” sabi ko kay Secretary Magtibay sa linya nang nakalapat na ang mga kamay ko sa manibela ng dala-dala kong get away vehicle. Pinauna ko si Marianette, naka convoy ako sa kanya habang parang kidlat niyang inamaneho ang maangas niyang Ducati. Alam kong nangigigil din siya dahil sa pangingialam ko. Pero wala akong pagsisis sa ginawa ko. Dapat nga ay ako lang may karapatang magalit. - - - - - - - - - - - - - Pagdating sa barracks at matapos ang madramang tagpo ng mag amang Magtibay ay taos-pusong nag pasalamat si Secretary sa amin ni Nette. Agad nang pumasok si Marianette sa kanyang kwarto. Bago pa niya tuluyang isara ang pinto, agad kong pinigilan ang pag-sara nito. Hinablot ko ang braso niya at mahigpit na kumapit. “We have to talk, Nette. You can’t get away from me this time. Kailangan mo ng magtanda. Ilang beses ko na bang niligtas ang buhay mo? Maniningil na 'ko." - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD