PROLOGUE pt. 4
Marianette’s PoV
Continuation Of Flashback. . .
Ready . . . Aim . . . Shoot . . .
Umaalab ang mga mata ni Ken habang walang humpay na binabaril ang target niya. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa tuwing nagsasanay kami at noong mga nakaraan naming misyon. Sa tuwing pinapanood ko ang pakikipag laban niya, namamangha ako kung paano niya kadaling kalabitin ang gatilyo na wala man lang ekspresyon ang kanyang mukha at walang kabuhay-buhay niyang mga mata. Madali niyang natutunan ang pag wasiwas ng anumang emosyon sa tuwing kikitil ng buhay. Para lang siyang pumapatay ng langgam.
Pero ngayon, ang mga mata niya ay buhay.
“Tayo. Bilisan mo,” mariing utos ni Ken na nagpabalik sa akin sa ulirat. Naglalakbay na naman sa kawalan ang isip ko sa gitna ng labanan.
Ready . . . Aim . . . shoot . . .
Nakatatak na ‘yan sa isip namin dahil simula nang sumapi kami sa Rabidkill, sa halos araw-araw na training ay ito ang pilit na sinisiksik sa aming isip at na-memorya na ng katawan namin ang routine ng ready, aim, shoot.
Kaya ako naman ang nagpa-ulan ng bala sa lalaking nasa likuran ni Ken. Alam kong alam niya na may tao sa likod, hinayaan niya lang na ako ang tumapos sa huling kalaban.
Tumigil na ang putukan. Dumating na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para damputin ang natitira pang bandido. Tumigil man ang alingawngaw ng mga bala, dumadagundong pa rin ang iyak ng mga biktima ng sindikatong ito.
Salamat, tapos na ang misyon. I can now breathe a great sigh of relief. Tumayo na si Ken at nilahad ang palad sa harap ko para alalayan ako sa pagtayo. Hinawi ko ang kamay niya at tumayo ng walang alalay niya. Masyado niya nang pinamukha sa akin na kailangan ko siya at hindi ko kayang mag-isa.
Tumalikod na ako at binitawan ang bar1l na hawak ko. Hindi ko kayang tignan si Tinay lalo na ang bangkay ni Lenlen. Kaya hindi ako gustong isama ni Ken, pakiwari niya ay hindi ko pa kaya.
Siguro nga. . .
Gustuhin ko man lumakad palabas ng mansyon na taas-noo pero dahil sa pinakita ko kanina parang wala akong mukhang ihaharap sa kanya ngayon.
- - - - - - -
Kinagabihan, nag kulong ako sa aking kwarto. May kumakatok sa pinto at sigurado akong si Ken ‘yon. Naka-ilang katok na ngunit hindi ko pa rin pinansin. Wala akong balak na pagbuksan ang pinto dahil ayoko siyang makita.
“Nette, buksan mo. Kumain ka na.” Si Ken nga.
Naka-higa na ako sa kama, mas gusto ko na lang matulog kaysa kumain. Muli siyang kumatok at nairita na ako kaya nag talukbong na lang ako ng kumot. Ilang sandali pa at hindi ko na siya narinig.
Tinanggal ko na ang kumot na tinalukbong ko at tumitig sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkamatay ni Lenlen, ang panghahalay kay Tinay, at kung paano ako naging estatwa sa kinatatayuan ko sa gitna ng labanan. Napapikit na lang ako at umiyak. It was so fvcking frustrating. I'm so disappointed with myself. Hindi pa nga yata ako handa maging assassin. May malaking puwang pa ng awa na nananahan sa kaibuturan ng aking puso. Masyado pa akong emosyonal, maramdamin, mahina.
Ilang araw pa at hindi ko kinibo si Ken. Pilit ko siyang iniwasan kahit pa araw-araw ay nagkikita kami. Hindi ko rin siya kinakausap o tinitignan man lang. Pagkatapos namin kumain ng hapunan, diretso na naman ako ng kwarto ko para magkulong ulit. Lumalabas lang ako para kumain at magsanay. Habang nag lalakad ako sa pasilyo papuntang kwarto ko, naririnig kong sinusundan ako ni Ken kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Narating ko na ang pintuan ng kwarto ko at habang pinipihhit ko ang doorknob ay hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang malaki niyang bulto na sumasakop sa buo kong katawan habang nasa likuran ko siya.
“Hindi mo pa rin ako papansinin?” bulong niya sa tenga ko.
Natigilan ako dahil alam kong wala na akong kawala. Hindi ko na siya maiiwasan, kailangan ko na siyang komprtontahin. Kaya hinarap ko na siya at tinulak ko ang dibdib niya palayo.
“Pagalitan mo na ‘ko—”
“Ano bang nangyayari sa’yo—”
“Tama na! Alam mo naman kung bakit ako nagkaka ganito.” Halos pasigaw na akong nakikipag usap sa kanya.
“Hindi mo pa kaya. Maghintay ka lang—”
“Ganyan lang?!” sigaw ko sa kanya. Nakaka-inis dahil sobrang kalmado niya habang ako naman ay nafu-frustrate na. Humugot ako ng malalim na paghinga. “Magalit ka na sa’kin. Muntik ko nang ipurnada ang misyon niyo . . .” Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Oo, inaamin kong ma-pride ako kaya ganito na lang
Hinawakan niya ang pulsuhan ko pagkatapos ay ang kamay ko naman. Sinukbit niya ang naliligaw na hibla ng buhok ko sa aking tenga. Biglang tumulo ang luha ko.
“Bakit ba ayaw mong magalit sa akin? I deserve to be reprimanded.”
Dahan-dahan niyang hinablot ang aking ulo at isinandig sa kanyang dibdib. Dinig ko ang pagtibok ng kanyang puso. “Sapat na parusa na ‘yung nakita mo sa mansyon. Kung ganyan ka ka-emosyonal, kumalas ka na. Mamuhay ka ng normal. Ako nang bahala sa’yo.”
Tuluyan na akong umiyak at binuhos ang luha habang yakap siya. Hindi man mahigpit ang yakap namin but it feels so warm, so comforting.
Hindi. Hindi ako kakalas sa Rabidkill.
HIndi titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya. Pagbabayarin ko kung sino man ang pumaslang sa mga magulang ko, simula sa hitman lalo na ang mastermind.
END OF FLASHBACK
- - - - - - - - - - -
Babalik at babalik ako sa dahilan kung bakit ko pinagpatuloy ang pagiging assassin. Ilang taon na nakalipas nang namatay si Lenlen at nakasaksi ako ng panghahalay. Handa na akong tumanggap ng misyon na puri, dangal, at p********e ko na ang nakasalalay.
Kaya bago pa dumating ang pinakamalaki naming misyon - ang misyon sa pista ng Buhay na Bato, tinanggap ko muna ang alok ni Secretary Magtibay. Hindi ko pinaalam kay Ken ang solong misyon ko. Akala niya ay tinaggihan ko ‘yon.
Kaya sa kalagitnaan ng gabi habang natutulog na si Ken, tumakas ako ng barracks at bitbit ang kailangan kong armas, lakas at tibay ng loob.
Ang tagumpay ng misyon kong ito ay parang naipag-higanti ko na si Lenlen at Tinay.
Humanda na ang target ko dahil walang awa ko siyang papatayin.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TO BE CONTINUED . . .