WARNING: VIOLENCE
PROLOGUE pt 3
Marianette’s PoV
Continuation of flashback . . .
Biglang bumukas ang pinto. Parang nag slow motion ang paligid at nahagip ng bandang gilid ko ang trajectory ng bala, dumaan malapit sa aking tenga. May nagpaputok ng b@ril mula sa likuran gamit ang silencer kaya tahimik ang pag lipad ng bala. Tahimik din ang pagbagsak ni Sir na manyak sa sahig, duguan ang kanyang ulo, natamaan siya sa gitna ng noo. Mabilis ang pangyayari, hindi namalayan ng lahat na umatake na ang Rabidkill.
Natigilan ako nang may pumulupot na bisig sa aking baywang. "Anong ginagawa mo rito, Marianette?" bulong ni Ken sa tenga ko.
Napasandig na lang ako sa malapad na dibdib ni Ken at niyapos ang kanyang bisig. Napapikit at hingang malalim. Salamat po, usal ko sa isip ko. Finally, dumating na siya. Para akong inahon sa malalim na dagat na malapit nang malagutan ng hininga.
Dali-dali kong minulat ang aking mga mata, naalala kong nasa kalagitnaan kami ng operation. Hindi pa tapos ang misyon, nag uumpisa pa lang ang bakbakan. Kailangan maging alerto. Kaya kahit panatag na ako sa mainit na bisig ni Ken, kumalas ako sa higpit ng pagkaka-kapit niya sa aking baywang at binigyan niya ako ng b@ril. Bago ko pa itutok kay ungas ay nakatutok na sa akin ang b@ril nito. Pikit -mata at pigil-hininga na lang ang nagawa ko dahil naunahan ako ni ungas na kalabitin ang gatilyo. Isang malakas na lagabog ang narinig ko bago ako magpaka-wala ng malalim na hininga. Hah! Buhay pa ako.Tumama sa kisame ang bala ni ungas.
Pagmulat ko ay nakahandusay na rin si ungas sa sahig, duguan rin at nangingisay pa. Akala ko ay katapusan ko na. Kasabay ng pag kalabit ni ungas ng gatilyo ay siyang pagbaon ng bala ni Ken sa kanyang noo. Ang lakas ng sigaw ni Tinay, nanginginig ang buo niyang katawan sa takot.
Nangangatog din ang aking mga binti. Naiinis ako dahil dinatnan ako ni Ken sa ganitong sitwasyon. Sa sitwasyong kitang-kita kung gaano ako kahina.
Dalawa lang kami ni Ken sa mga baguhan na may potensyal maging elite hitman. Pero sa pinapakita ko ngayon, pinatunayan kong malayo ang agwat namin. Parang hanggang training lang ako. Sinagip na naman ni Ken ang buhay ko. Daig ko pa ang pusa sa dami ng buhay.
Kaya kahit nakahandusay na si ungas ay pinagbabaril ko pa rin dahil sa gigil, pagkadismaya, at galit sa sarili ko. Sumabog na ang bungo niya at nagkalat ang piraso ng mga utak ay patuloy ko pa rin siyang pinaputukan. Walang kurap kahit na tumatalsik na ang dugo niya sa aking pisngi. Agad ko namang binaril ang isa pang lalaking lumabas sa pintuan kung saan galing si ungas kanina.
Walang humpay ko rin itong pinagbabaril dahil patuloy na nagsilabasan ang security ni Sir mula sa pinto na ‘yon at walang palya ko rin silang pinatumba isa isa. Habang sa likuran ko ay cover up ni Ken. Wala na akong bala kaya hinubad ko ang 4-inch stiletto ko na may nakakubling panaksak sa takong nito saka hinagis ang magkabilang pares sa mukha ng huling dalawang lalaking susugod sa amin. Ang isa ay pinatamaan ko sa mata.
Akala ko ay ubos na ang lalabas sa pintuan, marami pa pala. Mabuti at may bumaril sa kanila pagtingin ko ay si Lenlen. Kumuha siya ng bar1l mula sa pinatumba kong security. Nakasuot na siya ng roba at putok lang siya nang putok.
“Maria! Sibat na, sama mo si Tinay!’ pasigaw na utos ni Lenlen sa akin.
Base sa porma at pag asinta niya sa target ay mukhang isa rin siyang assassin. Mabilis akong tumalima sa utos niya at hinla si Tinay, mabuti at kahit para na siyang hihimatayin sa takot ay nagawa niya pang magsuot ng panloob. Kaya kahit na naka bra at panty pa siya ay hinablot ko na ang pulsuhan niya para makatakas na sa impyernong mansyon na ito na isa ng madugong battle ground.
“Lenlen, tara na!” sigaw ko rin. Pero nanatili siyang bumabaril sa mga nagsusulputan kung saan-saan, sa isang pintuan at sa balcony, meron din sa bukas na bintana. Parang walang katapusan ang target. Mabuti at may backup si Ken na dumating.
“Len! Sunod ka na kina Maria!” narinig kong sabi ni Ken na nakikipag-bakbakan pa rin sa parami nang paraming kalaban. Habang ako naman ay kinakaladkad si Tinay palabas ng kwarto at mabilis na tumakbo papalayo. Nasa pasilyo na kami nang niilingon ko sila Ken. Nahagip ng paningin ko si Lenlen at nakasunod siya sa amin. Mabuti naman. Napangiti pa nga ako. Pero sa isang iglap, bumulagta si Lenlen.
Parang huminto ang puso ko sa pagtibok kahit pa humahakbang ang mga paa para makatakas. Napahinto lang ako at binitawan si Tinay nang kinailangan kong makipagpalitan ng putukan. I did a combat roll to pick up the gun on the floor.
Abala pa kasi si Ken sa pagreload, kinabit pa niya ang magazine nang maubusan ng bala ang kanyang pistola. Mabuti at may kargada pa ang napulot ko at sa split second ay binaril ko ang lalaking nakabaril kay Lenlen. Napasigaw pa ako para ibuhos ang galit ko. I pulled the trigger continuously until there were no bullets left. Habang tila dahan-dahang tumatalsik ang basyo ng mga bala, nakikita ko sa aking balintataw kung paano tamaan ng bala si Lenlen at humandusay sa sahig.
Inubos ko sa lalaki ang laman ng b@ril. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari kay Lenlen. Kung sana ay hindi na ako nahimasok sa misyong ito, marahil ay buhay pa siya.
Habang walang patid kong pinaulanan ng bala ang lalaki, tinalunan ako ni Ken, may kalaban yata na titirahin ako mula sa aking likuran. Kapwa kami na napahiga sa sahig, hawak ko pa rin ang napulot kong Glock 17. Yakap niya ako sa aking ulo para maprotektahan sa pagkabagsak. Malapitan akong nakatitig sa kanyang mukha dahil ilang sentimetro lang ang pagitan namin. Niligtas na naman ako ng lalaking ito sa hindi na mabilang na pagkakataon. Wala pang isang segundo, habang nakapaibabaw siya sa akin, inangat niya ang isa niyang kamay na tangan-tangan ang pistol—
Ready . . . Aim . . . Shoot . . .
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
TO BE CONTINUED . . .