Chapter 8

1103 Words
CHAPTER 8 Ken’s PoV Nagtago kami ni Marianette sa loob ng kabinet, magkayakap, habang pinipilit na huwag huminga ng malalim para hindi marinig ng mga masasamang loob sa labas kahit pa alam naming wala naman sila sa barong barong na ito. Sadyang nakakatakot lang na sumilip sa labas, ni ang huminga ay nakakatakot gawin baka nariyan lang sila nakamasid. Ang dilim sa loob, at kahit hindi ko makita, ramdam ko ang panginginig ni Marianette. Pinigilan kong manginig ang aking sariling katawan. Kailangan kong magpakatatag at ipakita kay Marianette na malalampasan din namin ito kaya huwag siyang matakot. "Bakit ganito, Ken? Sino sila? Bakit nila–" tanong niya, halos pabulong, nanginginig pa rin ang kanyang tinig. "Hindi ko rin alam. Huwag kang mag-alala, Marianette," sagot ko, kahit ako mismo ay takot na takot. Naririnig namin ang mga yabag sa labas, papalapit, papalayo, tila walang katapusan. Parang ito na ang pinaka mahabang gabi ng aking buhay dito sa loob ng kabinet. Ang init ay sumisingaw mula sa aming mga katawan, ngunit malamig ang pawis na dumadaloy sa aking likod. Iniisip ko ang mga magulang namin. Sobrang bait nila Don Romeo at Tita Nella. Si Nanay at Tatay ay wala namang kaaway. Isa lang kaming dukha, pero bakit? Ang huling sigaw ng mga magulang namin bago sila tuluyang natahimik, para kami makaligtas ni Marianette, lahat ay nasa alaala ko pa. Gusto kong sumigaw, ngunit kailangan kong maging malakas para kay Marianette. Mabilis ang t***k ng aking puso nang marinig ko ang tunog ng isang bagay na bumagsak. Tumigil kami sa paghinga, nagdasal na sana ay hindi iyon ang pagtatapos namin. Nakalipas ang ilang oras, at sa wakas, narinig namin ang wang-wang ng mga pulis. Kinabukasan na pala. Ang kaba sa dibdib ko'y bahagyang humupa, ngunit alam kong hindi pa tapos ang lahat. Hindi kami pwedeng lumabas. Natatakot pa rin ako baka nandito ang mga salarin. "Mahalaga na makalabas tayo rito, pero hindi tayo pwedeng bumalik sa bahay," pabulong kong sabi kay Marianette. Ayoko makita niya ang duguang mga katawan ng mga magulang namin. "Baka buhay pa sila. . ." umiiyak na tugon niya. "Wala na sila, Marianette," sabi ko. Sana nga buhay pa sila pero nakita ng mga mata ko kung paano sila binaril. Hindi na sila gumagalaw. Nasa liblib kaming lugar, napaka layo ng pinakamalapit na ospital, bago sila madala ay siguradong nabusan na sila ng dugo. Naghintay kami ng ilang oras pa bago tuluyang umalis mula sa kabinet. Inabot na kami ng madaling araw, at ang paligid ay tila malayo na mula sa kaguluhan kanina. Nang masiguro kong wala na ang mga masasamang loob, tahimik kaming lumabas. Lumakad kami papalayo sa barong-barong. Takot na takot ako, ngunit kailangan kong magpakatatag para sa aming dalawa. Wala akong ibang maisip na puntahan kundi ang bahay nila Marianette. Isa pang lugar na naisip kong puntahan ay ang lugawan nila Aling Nini. Dahil gutom na kami ni Marianette, doon kami pumunta para mag almusal. “Aling Nini, pabili po ng isang lugaw plain,” sabi ko kay Aling Nini na tila gulat pa nang makita kami. Pinaghatian namin ni Marianette ang isang mangkok na lugaw. Sanay naman akong magutom kaya pinaubaya ko na sa kanya ang maraming lugaw. Napansin yata ni Aling Nini na gutom pa kami dahil kulang ang isang order kaya muli niyang sinandukan ng isa pang order. “Aling Nini, sampung piso lang po pera namin.” “Hayaan mo na, Anak. Kain lang nang kain.” Nilabas ko ang sampung piso sa aking bulsa matapos namin kumain ni Nette. Ito lang ang meron ako. Pero nang aabot ko na kay Aling Nini ang bayad ko ay wala naman siya. Hindi ko siya makita. Maya maya ay dumating na siya. Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis dahil may kasama na siyang pulis. Kinausap ako ng pulis. Isa siya sa rumisponde sa bahay nila Nette. Pinaliwanag niya ang nangyari. Totoo ngang wala na sila Nanay at Tatay Umiyak nang umiyak si Marianette habang nakayakap sa akin nang marinig din niyang wala na rin sina Don Romeo at Tita Nella. Wala naman kaming magawa kundi ang sumama sa mga pulis. Mas mainam na rin siguro na mapunta sa kanila dahil wala naman kaming ibang pupuntahan at walang mag aalaga sa amin. - - - - - - - - - - - Dinala kami ng mga pulis sa DSWD matapos kamitanungin ng kung ano ano tungkol sa nangyari kagabi. Sa DSWD kung saan kami kinupkop pansamantala sa isang shelter. Doon, napaisip ako sa nangyari. Hangang kailan kami mamamalagi dito? Makaka-alisba kami dito? Paano na ang plano kong mag kolehiyo sa Maynila? Wala na kaming magulang. Pero may naiwang factory, bahay, at kotse sina Don Romeo saan na mapupunta ang mga pag mamay-ari nila? Ano na ang gagawin namin ni Marianette? Ang tanong na iyon ay palaging sumasagi sa isip ko habang inaalagaan namin ang isa’t isa sa shelter. Isang araw, dumating ang isang lalaking hindi namin kilala. Tinitigan niya kami ng matagal, bago lumapit sa akin. "Ikaw ba si Ken?" tanong niya. Tumango ako, nagtataka. Sino siya? Anong kailangan niya sa amin? Nilabas niya ang isang telepono na walang kable mula sa kanyang bulsa at may tinawagan. “Boss, nahanap ko na. Dadalhin ko na sila diyan mamaya. Kausapin ko lang ang director.” Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. May naghahanap sa amin ni Marianette? HIndi kaya kasabwat ito ng pumatay sa mga magulang namin? Nakatitig lang ako sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin. "Nandito ako para kunin kayo. Hindi kayo nag-iisa," dagdag pa niya. Bigla akong nakaramdam ng tuwa. Wala akong masamang kutob sa lalaking ‘yon. Nagkatinginan kami ni Marianette, may pag-asa sa mga mata namin. Sa wakas, may tumugon sa aming tahimik na dasal. “Hinihintay na kayo ni Boss kaya ihanda niyo na ang mga gamit niyo,” utos niya sa amin. Boss daw. Sino kayang ‘boss’ ‘yun? Nasasabik akong makilala siya. Sa mga sandaling iyon, alam kong hindi kami nag-iisa. Gaya ng sinabi ng lalaki, kinausap niya ang director ng shelter at nagpirmahan sila ng mga dokumento pagtapos ay pinakawalan na kami ni Marianette. Isang magarang itim na kotse ang bumungad sa amin at sinabi ng lalaki na pumasok na kami sa loob dahil kanina pa nag hihintay si Boss. Ilang minuto lang din ang binyahe namin at natunton namin ang isang magarang gate na bakal. Nanlaki ang mga mata namin ni Marianatte. Dito ba kami titira? Isa itong mansyon. - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD