Chapter 7

1146 Words
CHAPTER 7 Ken’s PoV Pagod na pagod kami nila Tita Nella, Don Romeo, at Marianette mula sa mahabang araw na ginugol namin sa beach. Kasama ko sina Don Romeo na naligo sa dagat at nag ihaw pa ng paborito naming pagkain. Kahit na ang init ng araw ay tumatama sa balat, sulit pa rin ang mga sandaling iyon. Matagal na akong lumalangoy sa dagat halos araw araw kaya pang karaniwan na lang sa akin ang tanawin. Pero iba pa rin ang araw na ito dahil kasama ko ang tinuturing kong pamilya na nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Tawa, kwentuhan, at kainan. Napaka sarap sa pakiramdam ng buhangin sa paa at ang tunog ng mga alon na parang isang masayang awit sa aking pandinig. Payapang buhay dito sa Buhay na Bato pero sa tuwing kinukuwento ni Marianette ang Maynila, parang gusto ko rin makarating sa syudad at makita ang nagtataasang mga gusali at ingay ng mga sasakyan. Balang-araw, siguro sa kolehiyo ay makikipagsapalaran ako sa Maynila. Sa ngayon ay susulitin ang mga araw sa Buhay na Bato. Pagdating namin sa bahay, ay gabing gabi na. Pumarada si Don Romeo sa harapan ng bahay gaya ng lagi. Pagpasok namin, napansin ko agad na tila may kakaiba. Tahimik ang paligid. Sobrang tahimik, nakakabingi ang katahimikan. “Bakit parang ang tahimik dito?” tanong ko sa sarili ko, habang bumababa ng sasakyan. Sumunod na bumaba si Tita Nella para isara ang gate. Nauna na pumasok ng bahay si Don Romeo pero bago pa man siya makapasok sa pintuan ng kanyang bahay, bigla siyang napatigil. Agad siyang naging maingat, na para bang may naamoy siyang kakaiba. Nilapitan niya ang pinto, at dahan-dahang itinulak iyon upang bumukas. Sumunod ako sa kanya, iniisip kung ano ang kanyang napansin. Pagpasok niya sa loob, nagulat ako nang biglang sumigaw si Don Romeo, “Nellaaaaa! Tumakas na kayo! Takbo!” Agad akong napatingin sa direksyon kung saan siya nakahandusay. Duguan na siya at nagkalat na ang kanyang dugo sa sahig habang hawak niya ang isang baril. Nakita ko ang isang katawan na nakahandusay sa sahig. Madilim ang paligid, pero sapat na ang liwanag mula sa mga ilaw sa labas para makita kong may dugo sa sahig. May bumaril sa kanya, at nakita ko pa ang isang baril na nagkalat malapit sa kanyang kamay. Naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko, na para bang may malakas na suntok sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. “Romeo!” sigaw ni Tita Nella. “Takbo na Nella! Itakas mo ang mga bata!” Napatingin ako kay Tita Nella, tumutulo ang luha niya Nakakagulat nga naman na makita ang asawa mo na duguan. Niyakap ko si Marianette para hindi niya makita ang Papa niyang nag aagaw-buhay. Nanginginig ang katawan niya habang ako ay hindi makagalaw. Imbis na sundin ang utos ni Don Romeo na tumakas na, mas pinili ni Tita Nella ang makipag laban. Kinuha niya ang baril na malapit sa kanya. Babarilin na sana niya ang isang lalaking naka suot ng itim na maskara na ginagamit sa pang holdap ng banko. Hindi niya nagawang barilin dahil ang bilis ng pangyayari, may isa pa kasing lalaki na aatake sa kanya kaya ito ang inuna niyang labanan. Napanganga ako nang nakita ko kung paano niya sipain at bugbugin ang lalaking may armas. Ganoon pala kagaling ang isang Taekwondo Master. Nakita ko rin kung paano tumalsik ang dugo ng lalaking yapos niya pagkatapos niyang barilin ang sentido nito. “Takbo Ken, Marianette!” sigaw ni Tita Nella habang abala siyang nilalabanan ang mga armadong lalaki. Ginawa niyang sanggalang ang katawan ng lalaking binaril niya. Isusunod na niya ang isang lalaki ngunit sa kasamaang palad ay wala ng bala ang baril na hawak niya at may isa pang lalaki sa likod niya nakatutok ang baril. “Tita Nella!” Kasabay ng sigaw ko sa pangalan niya ay isang tunog ng putok ng baril ang umalingawngaw sa buong bahay. Naka harap si Tita Nella sa akin at unti-unting tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig. Nabitiwan niya ang wala ng buhay na katawan ng lalaki at sabay silang bumulagta sa sahig. Nasa harap ko na ang lalaking nakatutok ang baril sa akin. Binaril pala nito si Tita Nella mula sa likuran. Yumakap ako ng mahigpit kay Marianette at pikit na lang ang kaya kong gawin. Bahala na kung ito na ang sandali ng aming buhay. Naramdaman ko rin ang pag higpit ng yakap ni Marianette sa akin. Isang putok na naman ng baril ang dumagundong sa buong kabahayan. Nasa bahay pa kami at wala sa langit. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Wala na sa harap ko ang lalaking tinutukan ako ng baril. Pagtingin ko ay nakahandusay na rin siya sa sahig. May humablot sa braso ko at kinaladkad ako papuntang gate. Napakalas si Marianette sa yakap ko at sumabay siya sa akin. “Ken, bilisan niyo tumakbo!” sigaw ni Mama habang hila hila ang braso ko. Pagtapos niyang sabihin ‘yon ay nadapa siya kaya nabitiwan niya ang braso ko. Hindi na siya tumayo. Duguan na ang kanyang likod. Tinamaan pala siya ng bala. Napatingin ako kung saan galing ang putok, nakita ko naman si Mama na nakatayo at natataranta , hindi alam ang gagawin. “Bilisan mo tumakbo Ken!” sigaw ni Mama sa akin at pagtapos niya ‘yon isigaw ay bumulagta na rin siya sa sahig. Gustuhin ko man tulungan sila pero anong magagawa ko kundi ang tumakbo, hila-hila ang kamay ni Marianette. Kumaripas kami ng takbo na parang wala ng bukas. Ganito pala ang pakiramdam ng nasa bingit na ng kamatayan. Kusang gumalaw ang mga paa namin. Habang tumatakbo kami sa kawalan, tumutulo ang luha ko habang si Marianette ay iyak nang iyak. Wala na ang mga magulang namin. Paano na kami? Wala akong ibang maisip na puntahan kundi ang barong barong namin. Malayo kasi ang police station at hindi ko alam kung paano pumunta doon.Baka maabutan kami kung sa highway kami daan kaya ang barong barong na lang talaga ang naisip kong pag taguan. Pag dating namin sa barong barong ay agad kong sinara ang pintuan at nagtago kami sa kabinet. Sa loob ng masikip na kabinet ay magkayakap kami ni Marianette habang umuusal ng panalangin. “Ken, Ken!” paulit ulit na sabi ni Marianette. Wala naman akong magawa kundi umiyak na rin nang umiyak. “Dito lang tayo hanggang mag umaga. Hindi naman siguro tayo makikita dito.” Ang gabing dapat ay punong-puno ng kasiyahan at alaala mula sa beach ay natapos sa isang malagim na trahedya. Sana panaginip lang ito. Wala na sila Nanay at Tatay. Wala na rin sina Don Romeo at Tita Nella. Paano na kami mabubuhay ni Marianette? Anong gagawin ko? - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD