Chapter 4

1200 Words
Chapter 4 Ken’s PoV “Lolit, tumawag si Don Romeo at dito na raw sila titira.” “Ha? Ano Peter? Kailan daw?” “Nasa byahe na sila.” “Ha! Kabils naman. Ano daw ba ang nangyari at biglaan naman ‘yan?” “Aba’y malay ko, Lolit. Ako’y napag sabihan lang. Dali na at mag impake ka na. Tawagin mo na si Ken at maghanda nang umalis.” “Ay saan naman tayo tutuloy? Aba’y gabi na, Peter” “Eh di sa dati nating barong-barong sa kanto. Hayaan mo’t di naman tayo magtatagal doon. Sabi ni Don Romeo ay mag-uusap tayo pagdating nila. Mukhang nasa panganib ang buhay nila kaya kailangan nila magtago dito sa Buhay na Bato.” Narinig ko ang usapan ni Nanay at Tatay. Bagamat hindi ko maunawaan ang usapan nila, nakaramdam ako ng kaba at lungkot. Babalik na naman kami sa aming barong-barong. “O, andiyan ka na pala. Bilis na at mag-imapake ka na ng mga gamit mo at iiwan na natin ‘tong bahay,” utos sa akin ni Nanay. Gaya ng lagi, para lang akong robot na tagasunod. Mabilis lang akong natapos sa paglagay ng mga damit ko at kaunting gamit sa aking bag. Wala naman kasi akong laruan o mga sapatos. Nang matapos na ang pag-impake namin, nag arkila si Tatay ng tricycle dahil may dala dala kaming makapal na kutson at electric fan. Ilang saglit lang at narating na namin ang aming barong-barong. Puro na ito talahib at sapot. Pagpasok namin sa loob ay tumambad ang makapal na alikabok at agiw. Dalawang taon ding nabakane ang barong-barong na ito at pinabayaan. Binuksan ni Tatay ang kuryente sa switch mabuti nga at may kuryente pa. Dahil hindi pa naman ganoon kagabi para matulog, kumain muna kami ng tinapay. Panlaman tyan lang dahil matutulog lang naman na kami. Pero dahil madumi pa ang paligid, bago kami matulog ay naglinis muna. Pagtapos maglinis, dahl maliit lang naman ang barong-barong namin ay nag latag si Nanay ng kutson sa sala na kanina ay ginawa naming kusina, ngayon naman ay ang aming tulugan. May rattan na pahabang upuan sa gilid at doon ako pinahiga, nilagyan lang ng kumot ni Nanay para hindi gaanong matigas at masakit sa likod. Dahil sa pagod ko ay pinikit ko na ang mga mata ko at natulog na rin. Sa gitna ng mahimbing kong pagtulog, nagising ako sa boses nila Nanay at Tatay na nag-uusap. Pinakikinggan ko lang ang usapan nila. “Ano sabi ni Mr. Bantug? Nagparamdam na ba?” tanong ni Mama. Sino kaya si Mr. Bantug? “Wala pa ring paramdam. Hayaan mo na ‘yon. Matulog ka na at maaga pa tayo bukas dahil wala tayong kakainin,” ‘yon lang ang sagot ni Tatay at natulog na. Natulog na lang din ako dahil wala na akong narinig mula sa kanila kundi hilik. Gaya ng sinabi nila, maaga nga silang umalis papuntang talipapa para magtinda. Iniwanan lang nila akong tinapay at tubig na kailangan ko pang tinipirin hanggang tanghalian. Pagtapos kong kumain ng tinapay ay naisipan kong puntahan ang dati naming bahay. Sa malayo pa lang ako ay nakita ko na ang isang magarang pulang kotse na naka hinto sa tapat ng bahay. Marahil ay pagmamay-ari ‘yon ng bagong nakatira sa bahay. Gusto ko lang makita kung sino ang bagong dating. May mabangoakong naaamoy sa kusina kaya sinundan ko ang amoy. Nakakagutom. Pumunta ako sa likod-bahay at hindi maiwasang sumilip sa bintana kahit pa naririnig ko na ang mga bagong may-ari na nasa hapag-kainan. Kahit malasapko man lang ang amoy ay kuntento na ako. Para na rin akong nabusog. Habang nilalanghap ko ang mabangong sinangag, bacon, at higanteng hotdog, nahuli ako ng batang babae na sumisilip sa bintana. Agad akong nagtago sa damuhan. Pero nakita agad ako ng ginoo at pinalabas. Wala akong magawa kundi ang gpakita sa kanila. Mabuti na lang at mabait sila at niyaya nila ako na saluhan sila sa kanilang hapag. Napakabait ni Ginang Nella at isya pa ang nag hain sa akin. Mabait din si Ginoong Romeo kahit pa mukha siyang strikto. Simula ng araw na ‘yon ay naramdaman ko kung paano pahalagahan. Kung paano alagaan. Binilhan pa ako ng mga gamit pambahay at sa eskwelahan. Si Marianette lang ang hindi ko masyadong maunawaan. May mga oras na mabait siya sa akin, may oras naman na tinatarayan niya ako at hindi kinikibo. Kahit pa nga magkasama kami sa kwarto minsan na natutulog. Natutuwa pa naman ako sa kanya dahil akala ko ay hindi ko na mararamdaman ang kutyain dahil sa lahat ng bata na narito sa isla, ako ang nag-iisang mestiso. Kaya madalas nilang asar sa akin ay ampon, anak sa labas, anak araw, atkung ano ano pa. NGaon dalawa na kami ni Marianette na maputi. Siya nga ay mas maputi kaysa sa akin at cute talaga siya, mukhang manika. Pero ganoon pa rin, walapa rin akong kaibigan dahil si Marianette ay parang may galit sa akin. - - - - - - - - - - - - - Isang gabi, nang sa barong-barong naman ako natulog, muli akong nagising sa kalaliman ng gabi nang marinig ko ang mga boses nina Tatay at Nanay Nagkukwentuhan na naman sila. Narinig ko na naman na binanggit nila ang pangalang Mr. Bantug. “Ano Peter? Wala pa rin si Mr. Bantug? Anong petsa na. May balak pa bang balikan niya ‘yang apo niya? Aba, kung ayaw niyang kunin ay magbigay siya. Napapagod na akong magpalamon ng anak ng iba.” “Huwag ka nang umasa Lolit. Walang pakialam ‘yang matanda na ‘yan sa apo niya. Kung mahal niya talaga ‘yan, hindi ‘yan itatakwil at hindi hahayaang sa papag ng barong barong natutulog, walang makain, ni walang pang sapin sa paa.” “Eh anong gagawin natin, ganire na lang? Pinangako niya na binigyan tayo ng allowance basta alagaan natin ‘yang batang ‘yan. Aba’y mag pipitong taon na ‘yan at ni anino ni Mr. Bantug ay hindi pa nagpaparamdam.” “Hayaan mo na, sinagot naman ni Don Romeo ang mga gastusin natin ng doble.” “Ay sa akin lang, kaawa-awa na nga ang bata, pinatay ang mga magulang. Ang lolo ay nagpapakasasa sa kayamanan habang ang apo ay walang makain. Nag-papalaki ng ibang mga bata samantalang ang sariling apo ay hindi man lang matignan.” “Eh ganoon talaga. Masyadong nasaktan ang matanda sa ginawa ng kanyang unica hija. Sinuway siya kahit mahigpit na tinutulan ang nobyo.” “Eh ganoon talaga, Peter. Eh kung kasing gwapo ba naman ni Kiel ang manliligaw sa akin at magyayang magtanan ay susuwayin ko rin si Mr. Bantug.” “Ewan ko sa’yo, Lolita. Huwag ka na mangarap. Matulog ka na.” Sa haba ng narinigkong kwentuhan nila nanay at tatay, isa lang ang natitiyak ko, isa akong ampon. Totoo nga ang asar nila sa akin. Ngayon ko lubos naunawaan ang ibang mga katanungan sa isip ko at nabigyan ng kasagutan. Pero marami pa akong gustong malaman. - - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD