Chapter 5

1144 Words
Chapter 5 Ken’s PoV Sanay na akong magising na masakit ang likod. Pero ang gumising ng masakit ang puso ay mas masakit. Kaya pala hindi ako mahal nina Nanay at Tatay. Hindi nila ako inaalagaan gaya ng pag aalaga ni Tita Nella kay Marianette. Ngayon alam ko na kung bakit. . . kasi hindi nila ako tunay na anak. Hindi ko na magawang bumangon mula sa kama, masakit ang puso ko, parang may mabigat na bagay na nakadagan. Ayoko nang gumising, ayoko nang pumasok sa klase. Parang wala na akong halaga. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Hindi ako bumangon sa maghapon na ‘yon. Wala naman pakialam sa akin ang mga umampon sa akin. Kaya kahit hindi ako bumangon at pumasok ay balewala lang sa kanila. Dumaan ang tanghalian, nakaramdam na ako ng pagkulo ng tyan. Tumayo na ako para magbanyo at pagkatapos ay naghanap ng mangunguya, panlaman tyan. Tinapay na naman ang nasa mesa. Saglit ko lang ito kinain dahil isang piraso lang naman. Muli akong bumalik sa papag na aking higaan. Nagtalukbong ng kumot at dahil sa hindi maipaliwanag na katahimikan at kalungkutan ay bigla na lang tumulo ang luha ko. Walang nag mamahal sa akin. Sanay naman akong mag-isa. Sanay na sarili lang ang yayakap pag malungkot, sariling tatapik sa balikat kapag may nagawang mabuti. Mag-isang iiyak. - - - - - - Sa gitna ng nakamamatay na kalungkutan, isang haplos sa aking balikat ang nagpabalik sa akin sa reyalidad ng buhay. Tinanggal ko ang kumot at pagtingin ko sa paligid ko ay wala namang tao. Nababaliw na yata ako. Pero bata pa ako. Napa-upo na lang ako sa sahig at niyakap ang aking mga tuhod. Bata pa nga ako pero bakit ganito na agad ang pino-problema ko. Ayoko sana umiyak dahil pag nakita ako ng mga bata aasarin nila akong bakla. Pero wala na akong pakialam sa lahat, wala rin naman silang pakialam sa akin. Hindi ko na alintana kung makarinig man sa pag iyak ko. Wala naman may pakialam. Hinayaan kong ibuhos ang bigat na nadarama ko. Hanggang sa may isang haplos na naman akong naramdaman. “Ken?” bulong ng isang pamilyar na boses. Napatingin ako sa kanya, hindi na ako nahiya pa kung makita man niya akong lumuluha. “Anong nangyari?” tanong ni Marianette. “Ampon lang ako,” sagot ko. Sapat na ang sinabi ko para maunawaan ni Marianette ang kalagayan ko. Wala man siyang sabihin pero ang lungkot at pagkabigla sa kanyang mga mata ay sapat na rin para sa akin. Kahit papaano ay nailabas ko ang sakit. Agad na tumakbo palabas si Marianette. Iniwan niya ang kanyang bag. Gusto ko sana siyang sundan pero tinatamad ako. Mas gusto kong manatiling nakahiga maghapon. Nang umalis si Marianette parang dumoble ang lungkot na nararamdaman ko. Gusto ko man manatili siya sa tabi ko ay wala naman akong magagawa kung gusto niya akong iwan. Bakit kaya sobrang lungkot? Akala ko ay hindi na siya babalik. Ilang minuto lang ay bumukas ulit ang pinto at hingal na hingal si Marianette na pumasok habang bitbit ang isang plastik. “Bangon na Ken. May dala akong spaghetti saka fried chicken,” sabi ni Maranette na habol habol pa ang pag hinga. Mukhang galing pa siya sa bahay nila at tumakbo ng matulin. Pumunta siya sa lagayan ng mga plato at sinalin ang dala dala niyang spaghetti at fried chicken. Dahil hindi ako kumikilos sa kinalalagyan ko, hinila niya ang kamay ko at dinala sa mesa. “Kain na. Kanina pa ko nagugutom. Bukas pumasok ka na ha. Wala ‘ko kasabay pumasok saka paglakad pauwi. Busy kasi si Mama.” Sa pagkaka-alam ko, Binili ni Don Romeo ang factory ng longganisa sa bayan at doon ay kinuha niyang katiwala sina Nanay at Tatay. Mayaman sila Marianette pero bakit kaya simple lang ang pamumuhay nila? Lahat ng akakalap kong kwento ay ayon lang sa naririnig ko tuwing nag-uusap sla Nanay at Tatay sa madaling-araw. Kung totoo ang narinig ko, kaya sila biglaang tumira dito sa Buhay na Bato ay dahil may gustong pumatay sa pamilya nila Don Romeo doon sa Maynila. Ang dami daming naglalaro sa isip ko pero habang tinitignan ko si Marianette habang naka ngiti at sarap na sarap sa pag-kain, sumubo na rin ako at ninamnam kung gaano kasarap ang dala niyang pasalubong. Sa sobrang sarap, naluha ako. Pinawi ni Marianette ang mga luha ko at ngumiti. Imbis na tumigil sa pagtulo ay lalo pang umagos ang mga luha ko. Simula sa araw na ito, pinapangako ko na ipagtatanggol ko si Marianette at mamahalin na parang totoo kong kapatid. - - - - - - - - - - Kinabukasan ay bumangon na rin ako at maagang pumunta sa bahay nila Marianette. Gaya ng lagi, si Tita Nella ay tuwang-tuwa na inasikaso ako. Wala akong baon na pagkain. Binigyan lang ako ng pera ni Nanay na pagkakasyahin ko mag hapon. Kaya naglagay si Tita Nella ng baunan na may lamang kanin at ulam. May kasama pang juice at saging. “Tita Nella, mabait po ba ang nanay ko?” tanong ko habang sinusuklay ni Tita Nella ang buhok ko na parang pang Jose Rizal mukha tuloy akong mabait na bata. “Oo naman. Mabait si Manang Lolit. Matanda na kasi siya kaya medyo masungit—” “Yung totoo ko pong nanay. Yung anak ni Mr. Bantug. . .” Natigilan si Tita Nella nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkabigla. Muntik pa niya mahulog ang awak niyang suklay. Nagkatitigan lang kami at biglang lumungkot ang kanyang mga mata. Pinisil pisil niya ang kamay ko pati na ang pisngi ko. Pinilit niyang ngumiti, marahil para pasiyahin ako dahil tutulo na ang luha ko. “Si Martina, napakabait niya. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Napaka galing din niya. Mas magaling nga siya sa akin kaya hindi na nakakapagtaka kung magustuhan man siya ng Papa mo.” Papa ko? Sino kaya ang papa ko? Ang dami kong katanungan. Nasasabik ako na malaman pa ang tungkol sa mga magulang ko. Alam kong isang Taekwondo master si Tita Nella. “Sino po ang Papa ko?” Iniwas ni Tita Nella ang kanyang tingin parang mas lalo siyang nalungkot. “Pag laki mo, maiintindihan mo rin ang lahat. Sa ngayon, mahirap pa kasi intindihin. Ang mahalaga, buhay ka. Kaya mag-aral ka ng mabuti at mamuhay ng matiwasay para matahimik na hihimlay ang Papa at Mama mo habang ginagabayan ka.” Iyon lang ang sinabi ni Tita Nella. Hindi na ako nagpumilit pa na magtanong ng kung ano ano. Sapat na sa akin na malaman na ginagabayan nila ako. Hahayaan ko na lang na ang tadhana ang mag bunyag kung ano man ang mga dapat kong malaman. - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD