Chapter 2

1386 Words
CHAPTER 2 Marianette’s PoV Pagmulat ko ng aking mga mata, agad kong napansin na hindi ito ang kwartong kinalakihan ko. Bago na ang mga kurtina sa bintana at ibang-iba ang amoy ng paligid. Bigla kong naalala na lumipat nga pala kami ng bahay kagabi, habang mahimbing akong natutulog ay ginising pa ako ni Mama at Papa para ag alsa balutan. Ang huling alaala ko ay ang pagmamadali ng mga magulang ko na mag-impake, tila ba may masamang tao na humahabol sa amin. Agad akong bumangon at tiningnan ang paligid ng kama. Wala na si Mama at Papa. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, may kaba sa dibdib ko. Ngunit nang marating ko ang kusina, natagpuan ko si Papa na kalmado lang na nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape. Si Mama naman ay abala sa pagluluto ng almusal. Parang normal lang ang lahat, parang walang nangyari kagabi na nagbigay sa akin ng matinding takot. “Kumusta ang tulog mo, anak?” tanong ni Mama habang naglalagay ng sinangag sa plato. “Okay lang po,” sagot ko, bagamat may halong takot at pag-aalinlangan ang nararamdaman ko. Umupo ako sa hapag-kainan at nagsimulang kumain kasama sila Mama at Papa. Tahimik at masaya ang paligid, ngunit hindi ko maiwasang balikan ang mga pangyayari kagabi—ang pagmamadali, ang takot sa mga mata nila Mama at Papa. Bakit kaya? Habang kami’y nag-aalmusal, napansin ko ang isang anino sa bintana. May sumisilip! Agad akong kinabahan. “Papa, may tao po sa bintana,” bulong ko na may takot sa aking tinig. Tumayo si Papa at mabilis na lumapit sa bintana. Binuksan niya ito at sumigaw, “Sino ka? Lumabas ka diyan!” Ilang sandali ang lumipas bago lumabas ang isang batang lalaki, siguro mga anim na taong gulang, na nakatayo sa bintana ng aming kusina. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandoon, at bakit siya nakasilip sa aming bintana. “Magandang umaga po, Ginoo at Ginang,” nakayukong bati ng bata. Hindi siya makatingin kay Papa nang tinawag siya nito. “Anong kailangan mo, boy?” tanong ni Papa. “Ahm, tinitignan ko lang po kung sino ‘yung bagong nakatira d’yan sa bahay namin,” sagot ng bata na papahina nang papahina ang boses. Ah sa kanila pala ang bahay na ito. Pero bakit kami na ang nakatira? Saan na sila nakatira ngayon?Ang dami kong katanungan simula pa kahapon,dumagdag pa ang batang ito. “Ay ikaw ba ang anak nina Lolita at Peter? Halika pasok ka. Kain dito,” yaya ni Papa sa bata. Sumunod naman ang bata kahit pa siya ay nahihiya. Pinagbuksan siya ni Mama ng pinto doon sa harap ng bahay. Pagtapos ay niyaya siyang umupo sa bakanteng upuan sa parisukat naming maliit na mesa. Sakto para sa aming apat. Pinag handaan din siya ni Mama ng plato at kubyertos. Si Mama na rin ang sumandok ng sinangag at ulam na bacon, egg, at sausage. “Maraming salamat po, ginang at ginoo,” magalang na sabi ng bata at nagsimula nang sumubo. Mukhang gutom na gutom na siya kaya kahit nahihiya ay hindi na alintana. “Ano nga palang pangalan mo, boy?” tanong ni Papa. Tumigil naman ang bata sa pag-kain at magalang na sinagot si Papa. “Ken po.” “Pasensiya na at biglaan ang paglipat namin. Mabilisang abiso lang ang binigay ko sa nanay at tatay mo. Nasaan na nga pala sila?” “Nasa talipapa po nagtitinda ng prutas. Wala po kasi kaming uulamin” malungkot na sabi ni Ken. Nalungkot din ako sa aking narinig. “Pasensiya na talaga at biglaan ang pagdating namin. Hayaan mo at mag-uusap kami mamaya nila Lolit at Peter pag-uwi nila.” Tumango-tango lang si Ken sa sinabi ni Papa at nagpatuloy na kumain. “Ma, bakit po natin kinuha itong bahay nila?” tanong ko kay Mama. Napangiti si Mama sa tanong ko. Seryoso naman ako. “Bahay natin talaga ito, anak. Sila Manang Lolit at Manong Peter ay caretaker ng bahay na ‘to.” “Ano ‘yung caretaker, Ma?” “Taga bantay, gano’n. Katiwala namin ni Papa mo.” Ah ok. Gano’n pala. Akala ni Ken ay bahay nila ‘to dahil dito sila nakatira. Mabuti at si Mama na mismo ang nagtanong kay Ken kung saan sila nanuluyan kagabi. “Sa dati po naming barong-barong po doon sa apat na kanto mula rito.” Nakakalungkot naman pero gano’n pa man, hindi makikitaan ng lungkot si Ken bagkus ay naka ngiti pa ito t naubos ang pagkain. “Maraming salamat po sa masarap na pagkain, ginoo at ginang. Ngayon ko lang natikman itong higanteng hotdog.” Lihim akong napatawa dahil ang tinutukoy niyang higanteng hotdog ay sausage. “Kagwapong bata pala nitong anak nila Lolit at Peter, ano.” Tumango-tango si Mama bilang pag sang-ayon. “Akalain mo ano, mestiso ang batang ito. Mabuti at nagmana sa totoo niyang—” Biglang natahimik si Mama at kakaiba ang titig ni Papa sa kanya. Napatingin ako kay Ken at tumitig sa mukha niya parang hindi naman. Mas cute pa rin si Enzo. Ah oo nga pala, bakit kaya bigla kong naalala si Enzo. Pagtapos namin mag-almusal, nagpaalam na si Ken na uuwi na ngunit pinigilan siya ni Mama at sinabing manatili na lang muna sa bahay tutal darating naman ang nanay at tatay niya mamayang gabi. Niyaya ko na lang si Mama na maligo sa dagat dahil malapit lang kami sa tabing- dagat. Ngayong araw ang unang beses akong nakakita ng dagat. Kasama ko sina Ken at Mama, at hindi ko mapigilang maging sobrang saya. Ang lawak ng dagat ay tila walang hanggan, at ang mga alon ay marahang humahampas sa buhangin. Nakakatuwa palang makitang totoo ang mga bagay na dati ko lang nababasa sa mga libro. Habang naglalakad kami sa dalampasigan, hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Ang ganda, 'di ba?" sabi niya habang nakatingin sa malayo. Tumango ako at ngumiti. Hindi ko maiwasang magtampisaw sa tubig, at tumawa nang malakas habang nilalaro ko ang mga alon. Si Ken naman ay naghahagis ng bato sa dagat, sinusubukang palutangin ito sa tubig. Kung gaano ako ka-excited sa paglalaro ay kabaliktaran ni Ken. Dito nga pala siya nakatira kaya normal na sa kanya ang makakita ng buhanginan, alon, dagat, at kung ano ano pang lamang-dagat. Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang araw na naramdaman ko. Nakita ko lang ang ngiti ni Ken nang nilabas ni Mama ang baon naming hotdog, talong, at liempo. May kasama ring seafood para ihawin namin para sa tanghalian. Tinulungan namin si Mama mag ihaw at ang mga luto na ay pinapapak namin ni Ken. “Maraming salamat po, ginang,” sabi ni Ken sa tuwing kakain. “Tita Nella na lang. Huwag ka na mag thank you ng paulit-ulit. Kumuha ka na lang diyan at kumain,” sabi ni Mama. “Opo, ginang. Ay Tita Nella po pala.” Mukhang mas mainam nga ang magiging buhay namin dito sa buhay na Bato kaysa sa Maynila. Mas payapa at tahimik dito. Hapon na nang napagpasyahan naming umuwi ng bahay. - - - - - - - - - - Pag-uwi namin nila Mama, at Ken sa bahay, nakita ko ang dalawang pares ng tsinelas sa harap ng aming pintuan. Dumating na siguro ang mga magulang ni Ken. Pagpasok namin ay dumiretso na si Mama sa kusina para ayusin ang mga dala namin. Habang si Ken ay tinutulungan siya sa pagligpit. Ako ay pumunta ng banyo para maligo ng mabilis dahil kailangan ko raw magbalaw dahil naligo ako sa dagat. Ilang buhos at mabilisang pahid ng sabon at anlaw ay tapos na agad ako. Umakyat na ako sa kwarto ko hil naroon ang mga damit ko. Pagtapos magbihis bababa na sana ako pabalik sa kusina o kaya sa sala para manood ng tv pero sa isang kwarto narinig ko ang boses ni Papa. May isa pa palang kwarto sa dulo, hindi ko napansin. Dahil sa chismosa ako ay gusto ko malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng maigi. Nanlaki ang mga mata ko at napabilog ang bibig ko sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Papa. - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD